02: Finally

38 2 9
                                    

IT was in the middle of the night when i suddenly woke up because of the scratch noise that keeps on plangent inside my ear.

Nagpungas ako ng mata bago bumangon mula sa aking pagkakahiga sa kama at nagmasid sa paligid ng aking silid habang pinakikinggan kung ano ang kaluskos na kanina lang ay gumising sa akin.

I'm living in my own house.

Bumukod na ako simula noong nakabuo
ako ng sarili kong library dahil medyo malayo ito sa bahay na kinalakihan ko.

I barely visiting my parents due to my tight schedule. Dahil bukod sa pagiging librarian at aspiring writer ay licensed civil engineer din ako.

Pero hindi iyon naging hadlang sa para hindi na ako gumawa ng paraan na kumustahin at makibalita sa pamilya ko.

Paminsan-minsan ay nakakapag-usap kami through video call and text.

Nasa dulong parte ng kasukalan ang lote na pinagtatayuan ng bahay ko. Sanay ako sa tahimik na lugar dahil bilang isang manunulat ay mahalaga sa akin ang pagiging kalmado at katahimikan ng paligid kaya rito ko napag-desisyonan na ipatayo ang bahay ko.

Masasabi ko na hindi naman lubhang nag-iisa ang bahay ko rito, medyo may kalayuan lang talaga sa mismong gate ng village na kung saan ay malayo sa kalsada.

Nadi-distract kasi ako sa mga ingay ng transportation.

Napatingin ako sa aking bintana.

Kitang-kita ko ang kadiliman ng labas lalo pa at nakasanayan ko nang iwanang nakabukas ang bintana ng aking silid sa tuwing ako ay matutulog.

Damang-dama ko kasi ang lamig ng hangin mula sa labas na pumapasok sa loob ng kuwarto.

Mula sa saglit na pagkakatingin sa bintana. I suddenly give my attention to my room's door.

May kung ano kasing tunog akong narinig. Para bang may nahulog mula sa baba.

Marahan akong pumihit paharap ng pinto at sandaling isinantabi ang laptop ko sa gilid ng aking kama.

Tumayo ako at sinipat ang pinto ng silid na bahagyang naka-awang.

May gumagalaw kasi sa gilid.

May parang anino roon ngunit hindi ko na mawari kung anong klaseng anino, basta gumagalaw ito.

Ano kaya iyon?

Humakbang ako.

Humakbang pa akong muli at hindi inaalis ang tingin sa pinto.

Medyo madilim kasi ang parte na iyon dahil ang gilid nito ay hagdan na rin pababa.

Naningkit ang mata ko nang may makitang umiilaw sa dilim. Dalawang bilog iyon na kulay berde.



"Hi, Zyrnaea! Isn't it too late?"


Kamuntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa aking bandang likuran.


Agad ko iyong nilingon.


Tangina!


Si Siri lang pala!


I pointed my middle finger to that device.
Papatayin niya ba ako sa nerbiyos?


Binalik ko ang atensiyon sa pinto kumunot ang noo ko nang mapagtantong wala na ang dalawang berdeng ilaw roon.


Nang magtangka akong humakbang ay may malambot ngunit mabuto akong natapakan.

Emeyebee's Thoughts (One Shots) Where stories live. Discover now