LIGTAS

717 55 34
                                    

risa's pov

pagkalabas ko kwarto kung nasaan si alice ay dumiretso na agad ako sa pagmi-meeting-an namin, pero kinausap ko rin yung taong nagbabantay sa labas nito na huwag na huwag siyang papasok sa loob at huwag na huwag iistorbohin si alice.

" sen. risa, nakausap mo na ba? " - sen. loren

mahinang sabi sa akin ni sen. loren pagkalapit ko sa pwesto niya.

" yes, sen. loren. naaawa ako sa kaniya, umiiyak siya. mamaya pupuntahan ko ulit siya. " - sen. risa

" ha? baka naman mahalata ka na niyan, baka kung anong isipin nila. kanina nga nagtataka ang ibang senators kung anong ginagawa mo ron e. " - sen. loren

wala akong pake, ang mahalaga sa akin ngayon ay si alice.

" walang pakialam, sen. loren. handa akong maging laman ng social media, masigurado ko lang na ligtas at maayos si alice. " - sen. risa

wala na akong pake sa sasabihin ng iba ngayon, magalit at ibash nila ako kapag lumabas ito sa social media, okay lang. huwag lang si alice!

" p'wede na ba tayong magsimula? " - sen. chiz

ang magiging topic namin ay tungkol kay alice, gusto kasi nilang pwersahin ng paaminin si alice at ilipat sa kulungan kung saan may rehas.

sinimulan na ni sen. chiz ang diskusyon at maraming senators ang nag agree rito, ako naman ay parang naiinis na hindi ko maintindihan, nang banggitin na ni sen. chiz ang pagpapakulong kay alice tsaka na ako nagsalita.

" wait, hindi ba parang sobra na iyon? hindi natin p'wedeng pwersahin si mayor guo. " - sen. risa

" sen. risa, ito lang ang nakikita naming paraan para mapaamin siya at masagot ang mga tanong natin. " - sen. chiz

" no! i-i mean, hayaan muna natin siya. nakita niyo naman kung anong sitwasyon niya kanina diba? " - sen. risa

" pero, sen. risa kailangan nating gawi-- " - sen. jinggoy

" p'wedeng hindi na muna ako sumali sa meeting na ito? makikibalita na lang ako kay sen. loren, masama kasi talaga ang pakiramdam ko, pasensya na. excuse me! " - sen. risa

pagkasabi ko niyan ay umalis na ako agad. hindi ko kayang pakinggan ang mga sasabihin at gagawin nila laban kay alice, ayaw kong sa ganong paraan pa nila malaman na ipinagtatanggol ko si alice.

dumiretso ako sa mcdo para bumili ng pagkain, bibilhan ko si alice at ako mismo ang magbibigay sa kaniya nito. pero siyempre kailangan kong mag ingat dahil ang alam nila ay umuwi na ako.

-----------------

nang makarating ako ulit sa senate building ay sa likuran ako dumaan para wala akong makasalubong na senators, minessage ko na rin si sen. loren na pupunta ako kay alice at siya na raw ang bahala sa ibang senators para hindi magpunta kay alice.

pagkarating ko sa kwarto ay binuksan ko agad ito at nakita ko si alice na natutulog, hindi ko muna siya ginising, inayos ko muna ang binili kong pagkain sa lamesa, binilhan ko rin siya ng mga personal needs niya at stock niya para hindi siya magugutom.

" alice " - sen. risa

paggising ko rito, habang nakaupo sa kama niya at hinihimas ko ang buhok niya, agad din naman itong nagising.

" s-sen. risa " - mayor alice

" hi, tayo ka na diyan, kain na. " - sen. risa

umupo naman ito sa tabi ko at niyakap ako.

" t-thank you po, sen. risa, nababawasan po yung takot ko kapag nandito ka po sa tabi ko. " - mayor alice

" tahan na. umiiyak kana naman, huwag kang matakot, okay? ligtas ka rito, masikip nga lang pero magiging ligtas ka rito. pangako palagi kitang pupuntahan dito. " - sen. risa

pinunasan ko ang luha nito at hinalikan ko siya sa noo.

" kain na tayo. " - sen. risa

sabi ko at hinawakan ang kamay niya para dalhin siya sa lamesa.

habang kumakain kami, hindi ko maiwasang tumitig sa kaniya, yung inosenteng niyang mga mata ang nagsasalita kung gaano na talaga siya kapagod para sa sarili niya.

pagkatapos naming kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan namin, siya naman ay umupo na ulit sa kama.

" s-sen. risa, huwag niyo na po akong puntahan dito. baka po malaman nila. " - mayor alice

" no, alice. wala akong pakialam kung malaman nila, ang mahalaga sa akin ngayon ay ikaw, kaya pupuntahan kita dito palagi, okay? " - sen. risa

" p-pero paano po kung malaman nila? hindi po ba kayo natatakot na baka ilabas nila sa social media? " - mayor alice

" huwag mo akong alalahanin, kagaya ng sinabi ko wala akong pakialam kung malaman nila. kaya please, huwag mong isipin ang mga ganiyang bagay. irelax mo lang ang isip mo. " - sen. risa

alice's pov

masaya pa rin ako kahit papano dahil binibisita ako ni sen. risa dito, pero hindi ko rin maiwasang mag isip na baka malaman ng mga tao sa labas, panigurado akong malaking gulo ito.

nandito si sen. risa, inaasikaso ako, sinasabayan akong kumain, pero hindi ko alam kung anong mayroon sa amin ngayon? nung maghiwalay kami ay hindi na namin muling napag usapan ang tungkol sa relasyon namin.

may isang salita akong gustong sabihin sa kaniya at gusto ko ring marinig galing sa kaniya. ayon ay yung salitang " mahal kita " alam kong hindi pa ito ang tamang oras o panahon para muli naming pag usapan ang relasyon namin.

sa ngayon, kuntento na muna ako sa ganitong sitwasyon namin, walang kami pero mahalaga pa rin kami sa isa't - isa.

" mayor alice leal guo. " - sen. risa

nagulat ako ng bigla akong tawagin nito sa buo kong pangalan.

" h-ha? p-po? " - mayor alice

" kanina pa kita kinakausap, pero nakatulala ka lang diyan. " - sen. risa

" a-ano po iyon? " - mayor alice

" ano po kako ang gusto mong ipakuha sa bahay mo? kukuhain ko. " - sen. risa

" edi ba po, bawal? " - mayor alice

" no, akong bahala. so ano nga? " - sen. risa

" y-yung teddy bear ko po. kahit ayon lang po, wala po kasi akong katabi at mayakap e. " - mayor alice

tumango lang ito sa akin, at tumabi na sa tabi ko.

" gusto mo tabihan kita ngayon, hanggang wala yung teddy bear mo? " - sen. risa

" p-pero, baka po may pumasok at makit-- " - mayor alice

" gabi na, wala ng papasok dito ng ganitong oras. at huwag kang mag alala, tauhan ko ang nagbabantay sa iyo diyan sa labas, ayan ang pina assign kong magbabantay sa iyo, para masigurado kong ligtas ka. sasabihin nila agad kung may paparating dito. " - sen. risa

hanggang dito kaligtasan ko pa rin ang iniisip niya, hindi ko mapigilan ang luha kong gustong bumagsak sa mga mata ko. naiiyak ako hindi dahil sa takot, kundi dahil sa saya at panghihinayang.

" oh umiiyak kana naman. " - sen. risa

pinunasan niya ang luha ko at ako naman ay niyakap ko siya.

" s-salamat po ulit. " - mayor alice

hinigpitan ko ang yakap sa kaniya at hinihimas naman niya ang buhok ko.

" sleep na tayo, maaga rin akong aalis bukas para kuhain ang teddy bear mo. " - sen. risa

tumango ako at humiga na kami sa kama, nakaunan ako sa isa niyang braso at nakaharap na nakayap sa kaniya.

yakap namin ang isa't - isa, habang parehas kaming walang kasiguraduhan sa mangyayari kinabukasan.

NO WORDS, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now