"Hoy, ang sabi ay mag rereview hindi yung tumulala ng isang oras." Nasa library kami ni Yves, one of my bestfriend. Wala si Colet kaya di namin siya kasama ngayon, tinamad siyang pumasok dahil sa ulan.
"May iniisip lang ako." Ang katwiran ko. Actually, i'm thinking about that girl. Are we gonna meet again? I'm planning to go back to that coffee shop soon. There's something in her that makes me curious. I even end up thinking about her at night multiple times.
"Tao?" Ang tanong niya.
"Oo." I answer absentmindedly. Napatigil kaming dalawa at nagka tinginan. Binawi ko agad yung sinabi ko. "I mean, bagay." Syempre hindi yon pinalampas ni Yves. Inasar asar ako.
"Grabe. Iba ka na talaga Avery. Pumapag ibig ka na." Sabay tawa. Syempre sinaway ko siya kasi nag tinginan lahat ng mga tao sa amin. Masyadong excited ang mga kaibigan ko sa lovelife ko dahil wala pa akong naging experience. Focus lang ako sa studies ko.
Hinampas ko siya ng notebook ko. "Ayan kasi. Yung bunganga mo talaga hirap mag pigil." Sumimangot siya bigla.
"Sorry na. Pero pwede ka na mang mag open up if meron talaga."
"Anong open up ka dyan. Aasarin mo lang ako pag nag kwento ako sayo no."
"Aba! Hindi no. Syempre support kami sayo. Alam mo maiksi lang ang buhay. You should date as much as possible and as much as you want." Tinignan ko siya ng masama.
"Ah, tulad ng ginagawa mo? Makikipag date kung kani kanino. Pinangaralan mo pa ko." Iba ibang lalaki na lang ang pinapakilala sa amin ni Yves halos buwan buwan. Nakita ko na ata lahat ng klase ng lalaki dahil sa kanya. Good boy, gangster, tahimik at iba iba pa.
"Ano ka ba, Avery? Ganon talaga trial and error lang yan. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."
"Tama na. Tuturuan mo pa ko ng mali."
Tumingin ako sa wall clock sa taas ng glass door palabas ng library. Bigla na lang pumintig ng mabilis yung puso ko ng makita ko siyang dumaan. Hindi ko alam kung siya talaga yon.
I saw the red haired girl walking outside the library.
I stand up and went outside. Tumingin ako kaliwat kanan pero wala siya. Siguro ay guniguni ko lang yon.
"Avery!" Tawag sa akin ni Yves. "Ano ka ba bakit ka ba tumakbo?" Iniabot niya yung bag ko sa akin. "Parang tanga. May nakita ka ba na kung sino?
"Wala. I think we should go back to the classroom baka ma late tayo." Ang palusot ko. Tinignan niya ang kanyang relo.
"30 minutes pa ah. Bakit nagmamadali ka?"
"Basta, halika na." Parehas kami ng way na pupuntahan namin nung babae if ever na siya nga yon. Pa linga linga ako kung saan saan pero hindi ko siya nakita. Siguro ay guni guni ko lamang iyon. Kakaisip ko to sa kanya eh.
"Huy, sino bang hinahanap mo? Kulang na lang mabali leeg mo kakalinga."
"Wala no."
Iilan pa lang yung mga tao sa classroom. Madami sigurong late ngayon.
"Alam mo, ang weird mo ngayong araw." Ang sabi ni Yves pag ka upo namin. "Nakatulala ka tapos bigla ka na lang tumakbo. Dati eh nakatitig ka lang sa libro or notebook mo at never kang nag daydream. Ano bang nangyayari sayo?"
"Wala, Yves. Mag review na lang tayo."
Lumipas na ang ilang minuto. Dumating na si Prof. Salazar, ang prof namin sa Arts.
"Before we start meron akong goodnews para sa inyo."
"Feel ko may bago tayong classmate." Hindi ko alam bakit ako kinabahan sa sinabi ni Yves. What if the red haired girl is our new classmate? Pero hindi. Hindi ito pelikula, Avery.
BINABASA MO ANG
Puzzle | MikhAiah
Romance"Never love a wild thing." Said the author of Avery Lane Samonte's favorite book Breakfast at Tiffany's. But when she met the red haired girl named Maxine Blythe Davies, a girl who lives by her own terms, will she be able to stop herself from falli...