CHAPTER 24: Ma. Kristine

10 0 0
                                    

Hello po sir, 'di po namin in-expect na aalis na po kayo kasi sabi niyo  hihintayin niyo po kami maka-graduate ng Grade 12. Pero aalis na po pala talaga kayo and 'di naman po namin kayo pwedeng pigilan dahil baka po may mas better opportunities na naghihintay sa inyo pag-alis niyo. Ang lungkot lang po kasi 'di na po namin kayo makikita sa school and 'di na po kayo yung magtuturo ng Gen Bio 2, but kahit po magkaroon pa kami ng ibang teacher doon wala pong makakapantay and wala pong makakapalit sa kung paano po kayo magturo sa 'min. And 'di rin po kayo nagsasawa i-explain sa 'min ng paulit-ulit 'yung lesson hanggang ma-gets po namin and tumatak at matandaan po namin para madala namin hanggang college. Thank you rin po sa palaging pagr-remind na 'wag pong laging about grades, and sa pagtuturo ng lesson in real life, sa mga advices, especially sa lahat po ng nabuong memories kasama kayo. Hindi po namin kayo makakalimutan. Ngayon po namin na-realize yung palagi nyong sinasabi samin na "cherish every moment na magkakasama tayo kasi dadating 'yung time na magiging memories na lang lahat". Ang sad lang din po kasi 'di na namin kayo makikita sa school sa gr12. Eto po 'yung pinakaayaw naming part, 'yung pag-alis niyo po and alam po namin 'di nyo rin gusto na umalis but to look for better opportunities. Eto lang pong message na ito ang maibibigay namin before po kayo umalis. Sana po mabasa niyo po 'to and promise po tatandaan po namin lahat ng tinuro nyo saming lessons in real life man po or sa studies po. Thank you po dahil kahit sa maikling panahon na nakasama po namin kayo ang dami nyo pong naituro samin and ang sa lahat din po ng memories. Naiiyak lang po kami kasi we know na aalis po kayo but ang alam po namin after po namin maka-graduate and nabigla po kami kasi di po namin inexpect na ngayon 'yon. THANK YOU PO ULIT!!🥹🥹

Our Nonchalant Adviser Where stories live. Discover now