PART 2

4 0 0
                                    


Naiiyak akong umuwi kahit akay akay ako ni Darren papunta sa amin... Hinding hindi ko makakalimutan sya dahil isa siya sa naging inpirasyon ko upang patuloy na mag-aral.. gabing gabi na at hindi ko masasabing maganda o pangit dahil parehas malungkot at masaya... Malungkot dahil mawawala nasa tabi ko ang pinakamamahal at nag-iisa ko na kaibigan..  masaya dahil parehas kaming merong nararamdaman para isa't isa... Binigyan ko siya ng abiso na madampian niya ang labi ko.. sobrang sya ko na siya ang una at walang mababago dahil siya parin ang huli... Matapos kong mag-pahinga ay biglang nakutuban si mama at alam niyang umiiyak ako... Sinabi ko sa kanya ang nangyari mula umpisa at una, hindi nagalit si mama kahit binigay ko ang unang halik ko kay darren.. matapos ng gabing iyon na kakakaiyak ay syaka naman ako nakatulog ng mahimbing.. tulad kinabukasan ay pinuntahan ako ni Darren dito sa upang ipasyal ulit ako, sinulit namin na mag-kasama kahit kahit kaunting panahon nalang ang natitira... Pinadama ko ang pag-mamahal di bilang isang babaeng mahal niya kundi matagal na kaibigan niya sa dumaang tao, gumawa kami ng bracelet para sa isa't isa at nangako kami na lagi iyong isusuot.. kahit mag-kalayo at hindi nag-kikita ay titingin lang sa bracelet upang humingi ng sigla para sa isa't isa.

Ngayon ang naging alis ni darren upang lumuwas ng may-nila... Maaga pa lang ay sinamahan na namin sila sa sakayan ng bus.. todo bilin ang kaniyang ina at kung ano ang gagawin kapag dumating doon.. masuyo lang siyang tumango at tumawa ng puno ng pait... Lumapit ito sa akin nung tapos na sila mag-usap ng kanyang ina at nag-kukuwentuhan naman sila mama at tita.

"Decy... Mag-iingat ka rito, huwag mong papabayaan ang sarili mo.. mag-pokus ka lang sa pag-aaral.. at.. linggo linggo tayo mag-padala ng sulat para sa isa't isa... Decy, babalik ako... Hintayin mo ako", madamdamin at tagos sa puso na sabi nito sa akin... Meron tumulo sa kanya mga mata na kina-iyak ko rin sa kanya, "Darren.. mag-iingat ka doon.. maraming nag-sasabi na hindi biro sa manila... Lagi kang kumakain ng tama.. huwag kang mag-papabaya sa pag-aaral kahit mahirap iyan kayanin mo, kailangan parin ng pahinga bago ipag-patuloy ang gawain upang gumana ng maayos ang ating utak... Mag-hihintay ako darren sa pag-babalik mo", pagkasabi ko non habang umiiyak ay niyakap ko siya.

Maraming taon ang lumipas at mag-7 year na ata nung lumuwas sa maynila si darren, gumad-graduate na ako sa kursong BSA (BACHELOR OF SCIENCE IN AGRICULTURE) sa pinag-aaralan ko nung isang taon, kamusta na kaya si Darren ngayon ano kayang nararamdaman niya ngayon... Patuloy parin noon ang aming communication kahit linggo linggo... Nakakatuwa parin habang binabasa yung sulat niya ngayon... Napromote siya sa trabaho dahil sa galing niyang mag-handel ng isang proyekto.. si darren pala noon ay BSCE o (BACHELOR OF SCIENCE IN CIVIL ENGINEERING) at proud na proud ako sa kanya hanggang ngayon...

Kaya ko sinabi na noo dahil tuluyan kong tinapos ang namagitan sa amin noon.. pressure na pressure siya at na lilito na hindi niya alam ang uunahin... Na-accidente kasi ang kaniyang ama habang pauwi ito sa inuuwian apartment... Meron kasing rumaragasa na ban na wala daw preno.. hindi lang naman si tito ang nahagip dahil meron pang-namatay na dalawang sakay ng motor, pabalik balik dito si tita na mama ni darren hanggang sa madischard ito at dito nalang pinag-stay ni tita si tito sa bicol... Ganon din naman ako hindi ko alam ang gagawin ko dahil habang dumagdag ang year ay pahirap na pahirap yung pinag-aralan namin... Nag-kakaroon na ata ako ng anxiety at anemia noon.. pero nanatili parin siya kahit na matagal na panahon yung lumipas.. halos 2yrs na kaming hiwalay ni Darren pero kahit kelan ay hindi ko iyon kuninsidira... Ayos lang sa akin na tumigil kami na mag-padala ng sulat para sa isa't isa.. yung ginawa namin bracelet ay palagi ko paring suot at hindi ko binibitawan... Hindi ako mag-papaligaw dahil meron aasa akong babalik siya... Meron pa akong pinang-hahawakan na pangako yung sinabi niya sa akin noon at yung halik... Lalo nayung mag-papakasal kaming dalawa... Kamusta na kaya siya ngayon... Miss na miss ko na siya.

Kahit mag-kalayo ang dako ng pagitan ng dalawa ay ganon din ang iniisip ni darren ngayon... Suot suot parin niya yung bracelet na gawa ni decy sa kanya... Walang ibang laman ang puso niya kundi ang babae na pinakamamahal niya... Na-depressed ako noon sa ginawa niyang pag-basag ng puso ko pero mananatili parin akong tapat sa pag-mamahal niya... Matagal nakong bumili ng singsing para sa pag-babalik ko sa baryo, susuin at ipapadama ko ulit sa kanya ang pag-mamahal na nawalay sa kanya ng maraming taon... Kukunin ko ulit ang puso niya kahit nag-sasabi sa akin ang aking puso't isipan na ako parin... Alam ko rin ang sitwasyon niya kaya mas iniintindi ko rin ang kalagayan niya.. kaya ko syang pakawalan upang makapag-isip siya ng mabuti... Ganon din naman ako.. "kaya akin decy.. hintayin mo ako sa pag-babalik ko".
Nabigay ko naman ang pangangailangan nila mama at papa... Nakapag-patayo na ako ng sariling bahay sa kanila at para sa amin ni decy.. dalawa ang ginagawa ko dahil gusto kong planado na ang lahat... Nakapag-ipon narin ako ng pera at meron na akong business na napalago ko.. dating taga tinda lang ngayon ay meron ng sariling restaurant dito sa manila... Nag-tatrabaho parin ako sa kumpanya na pinag-tatrabahuhan ko bilang service upang maging civil engineering ng kumpanya na una kong pinasukan.

Huling SayawWhere stories live. Discover now