halos kinalimutan ko ang problema at iniisip ko kanina at sumasabay sa marahan niyang galaw habang nakakapit sa bewan ko ang isa niyang kamay at isa sa balikat gayon din naman ako.
"Mahal... Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, kahit ano pa ang resulta ay wala akong pake.. tatanda tayo ng mag-kasama kahit anong mangyari...". Seryoso na saad nito sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.. agad akong napa-iwas ng tingin sa kanya.
Mabilis ko siyang sinagot sa sinabi niya gamit ang naghihinagpis na boses ko... Nag-sisimula nanamang pumatak ang aking luha.. meron ng sign ang mga iyon.. Isang taon narin kami mahigit at paminsan minsan ay ginagawa namin iyon... Palagi akong nakaabang sa resulta pero, wala..
Tumingil ang pag-sayaw namin ng matapos ang kanta.. parehas kaming hindi makapag-salita na dalawa matapos naming mag-usap ng maikling oras... Parang hindi ko kaya makita at marinig kung ganon ang sasabihin ng doctor na katulad sa iniisip ko... Binuhat niya ako na pag-kasal style at dahan dahan nilagay sa malalim na higaan, binigyan niya ako ng isang halik sa aking mga labi at tumabi sa akin at humiga... Inaayos niya ang aking buhok pero ang mga mata nito ay hindi ko masasabi kung anong nararamdaman niya ngayon, yung isang kamay niya ay nasa baywang ko at yung isa ay nasa uluhan ko.. kung baga unan ko sya.. habang ako nakatingin lang sa itaas ng bubong, "mahal.. kahit anong resulta, walang mababago sa atong pag-sasama... Mahal kita", paos na saad niya at nilagay sa aking mukha yung kanyang mukha.
"Mahal na mahal kita... Darren", sagot ko sa kanya, pinatunog ko na mukhang masaya ang aking boses... Kahit sa loob-loob puno ng pait.
"Mahal na mahal kita kesa sa sarili ko... Decy.. na nag-iisa na babae sa buhay ko".
Maaga ako nagising at natutulog pa ang mahal ko kaya dahan dahan ko siyang nilagay sa unan.. binigyan ko siya ng halik sa labi bago ako tumayo upang mag-luto ng agahan namin... Iniisip ko parin kagabi.. lahat ng sinabi niya kahit sumasayaw kaming dalawa ay punong puno itong sakit.. pero umaasa parin ako na mag-karoon kaming dalawa... Maraming buwan ko siyang napapansin na balisa habang nakatingin sa pregnancy test na ginagamit, nakakailan narin kami pero wala parin... Kaya nag-aalala akonsa kanya at sa kalagayan niya kaya nag-suhesyon ako na mag-patingin kami sa doctor... Ang sabi niya sa amin ay baka sa lunes pa makikita ang resulta.. Ngayon kasi ay sabado at kinabukasan ay linggo.. dalawang araw ang pagitan pero parang papalapit ay napakahirap malaman ang totoo... Nag-aalala ako kay decy.
Pakiramdam ko pabilis ng pabilis ang araw... Parahan limang oras lang ang sabado at linggo na nag-daan, pumunta kami ng simbahan noon upang mag-pasalamat at mag-dasal.. halos nanlumo kami noon nung nalaman namin ang masakit na katotoo.. lunes nito at nasaktuhan naman na walang gagawin at nag-pumulit ako na sumama kay decy upang alalahan siya... Nag-aalala rin naman ako sa resulta.
Halos umiiyak si decy noon ng malaman niyang may-sira ang mattress niya.. meron akong ginawang action upang malibang siya sa mga nalaman niya pero hinayaan ko muna siya ng unang araw na malaman niya, pero nung sumunod na araw ay hindi ko na siya pinag-bigyan at inalo alo ko na siya... Hindi ko kayang makita na umiiyak ng ganon ang aking asawa... Mas masakit pa ito kesa mawala ang trabaho ko.. dinurog ang puso ko sa sakit, mga ilang linggo siyang malungkot at nag-aalala ako sa kalagayan niya, nandito lang ako para sa kanya na handang umalalay para sa kanya... Kahit na ganoon ay hindi parin mabawasan ang pag-mamahal ko para sa kanya.. buong buo parin ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi na iyon mababago mag-pakay lanman.
Naging okay narin siya katagalan naging matagal dahil ilang buwan din iyon, pero alam ko nandyan parin ang sakit niya ng malaman.. ngayon ay papagabi na at handa na kaming matulog na dalawa... Gising na gising parin ang aking diwa ganon din naman si decy sa aking tabi... Nakaunan ang isa kong braso sa kanya at tulad parin ng dati ay nakakapit yung isa kong sa kanyang beywang.
YOU ARE READING
Huling Sayaw
DiversosDecy Elishiana Vinturina Fortez Darren Renzo Gultiano Bautista