Chapter 1

356 6 0
                                    


Nginisian ni Feline ang screen ng kanyang cellphone nang mabasa ang text messages sa kanya ng kaibigan niya at kapartner niya sa negosyong flower shop na Scented Petals na si Joyce. Ang usapan nila ay siya ang magbubukas ng shop sa araw na iyon. Kadalasan kasi ay ito ang nagbubukas ng flower shop at dumadating siya treinta minutos o isang oras pagkabukas nito.

Noong nagdaang araw ay sinabihan siya nitong siya muna daw ang magbukas ng shop. Malalate daw kasi ito ng isang oras dahil may dadaanan pa daw ito. Pero dahil likas na tamad talaga siya sa umaga at lagi siyang late na nagigising, idagdag pang sanay siya sa scheduled waking hours niya na sakto lang sa kadalasang oras ng pagpasok niya, imbis na alas-nuebe ng umaga nagbukas ang Scented Petals, alas-diyes na iyon nabuksan. At si Joyce pa ang nagbukas.

"I'm sorry, okay? Pagbigyan mo na ako. Special ang araw na ito para sa akin" pagkausap niya sa screen ng cellphone na para bang si Joyce ang kausap. Isinuksok na niya ang cellphone sa kanyang shoulder bag bago isinukbit iyon sa kanyang balikat.

Nai-lock na niya ang pinto ng kanyang apartment nang mapansin niya ang isang bungkos ng sunflower sa labas ng apartment niya. Hindi iyon tunay na sunflower kundi isang bungkos ng artificial sunflower. Awtomatikong napangiti siya. Hindi pa man niya nababasa ang nakadikit sa note sa artificial stem ay alam na niya kung kanino galing iyon. Iisang tao lang naman ang kilala niyang nagbibigay sa kanya ng ganoon. Sinilip niya ang dulo ng note at nakumpirma niya ang hinala.

Quen Lagdameo

Muli niyang binuksan ang pinto ng kanyang apartment at dire-diretsong naglakad papasok sa kanyang kwarto habang hawak ang kanyang sunflower. Tinungo niya ang mahabang nightstand na nakadikit sa bintana ng kanyang apartment. Pinasadya niya pa ang nightstand na iyon dahil doon niya inilalagay ang mga artificial flowers na ibinigay sa kanya ni Q tuwing kaarawan niya. Mula sa artificial white daisies na ibinigay nito sa kanya noong nag-birthday siya noong first year highschool nila hanggang sa artificial red tulips na binigay nito noong nag-birthday siya last year, lahat iyon ay nakadisplay doon.

Tinanggal niya ang pagkakadikit ng maliit na note sa tangkay ng sunflower bago iyon idinisplay sa bakanteng vase. In-unfold niya ang note saka iyon binasa.

Happy Birthday, baby Efs! You're now a year older but you'll always be my baby Efs. Uhugin ka pa rin katulad noong first year :) This is your special day. C'mon, let's celebrate. I'll gonna pick you up later, 9 pm, okay? I love you, baby Efs. Forever.

Your most handsome bestfriend,

Quen Lagdameo

Muling napangiti si Feline, kahit na gusto niyang burahin ang salitang 'bestfriend' sa note na iyon. Lumapit siya sa kanyang drawer at kinuha ang kanyang scrapbook. Hinanap niya ang page kung saan nakadikit ang mga notes ni Q na binigay sa kanya kasama ng mga artificial flowers. Dinikit niya iyon katabi ng notes na binigay nito last year kasama ng red tulips. Muli niya iyong pinasadahan ng tingin bago isinara at ibinalik sa loob ng kanyang drawer.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Ganoon ang lagi niyang nararamdaman tuwing nakakatanggap ng artificial flowers mula kay Q tuwing birthday niya. Favorite niya kasi ang mga artificial flowers. Gusto niya kasi ang idea na hindi iyon nalalanta at nasasayang kahit na gaano mo pa katagal idisplay. Pero ang totoong dahilan kung kaya't paborito niya iyon ay dahil iyon ang unang regalong natanggap niya mula dito.

Naalala niya pa noong araw bago siya magbirthday noong first year highschool sila. Nag-away silang dalawa ni Q noon, o mas tamang sabihin na inaway niya ito, dahil ito ang tumapos sa project niya. Gusto niyang patunayan na hindi totoo ang sinasabi ng mga classmates nilang laging nang-aasar sa kanya na wala daw siyang talent at lagi na lang nakaasa sa Lagdameo twins pagdating sa mga school projects at activities. Pero dahil sa ginawa nitong pangingialam sa project niya, malamang ay ibubully na naman siya. Sa sobrang inis niya rito ay hindi niya ito pinansin buong araw. Pati si Quintel ay nadamay sa galit niya rito kaya pati ang kakambal nito ay hindi rin niya pinansin.

Forever Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon