Chapter 3

237 4 0
                                    


Pinatay na ni Feline ang switch ng ilaw sa loob ng office niya bago niya sinarado ang pinto niyon. Dala-dala ang paper bag, na madalas niyang inuuwi kasama ang mga gamit na kailangan niyang iuwi sa apartment, dumiretso na siya sa pinto ng Scented Petals. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang buong shop, tinitignan kung mayroon pa siyang naiwan, bago niya pinatay ang switch ng ilaw sa loob ng shop. Lumabas na siya saka siniguradong nai-lock nang maayos ang pinto.

Nag-aabang na siya ng taxi nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. Kinuha niya iyon. Napakunot-noo siya nang makitang si Amanda ang tumatawag. Madalang tumawag si Amanda sa kanya kaya naman sa tingin niya ay mahalaga ang dahilan ng pagtawag nito. Kaagad niyang sinagot iyon.

"Hello?"

"Feline? Are you busy?" bungad na tanong nito sa kanya. Dinig niya ang malakas na tugtog mula sa background ng kabilang linya.

Nagtataka man ay sinagot niya ito. "Hindi naman. Pauwi pa lang ako. Bakit? May problema ba?"

Alam niyang tungkol kay Q ang sadya nito. Ang binata lang naman ang nag-iisang koneksyon nila ng dalaga kaya wala itong ibang dahilan sa pagtawag kundi ang boyfriend nito.

"Can you please come here? I really need your help" sagot nito mula sa kabilang linya. May sinabi pa itong iba ngunit hindi na niya naintindihan. Sa tingin niya ay hindi iyon para sa kanya dahil malayo sa mouthpiece ng cellphone nito ang boses.

"Help? About what?" Lalong nag-isang linya ang kilay niya.

"It's about Quen. Can you please come here? I'm at Oceanic Bar. Dito na ako magpapaliwanag" pakiusap nito sa kanya. Hindi pa man niya alam ang rason ay nakaramdam na siya ng kaba. May problema ba si Q? Iyon ba ang dahilan kung bakit kakaiba ang inasta nito kanina nang dumating ito sa shop niya para ibigay ang order ni Eric? May hindi ba ito sinasabi sa kanya? Sinulyapan niya ang relong pambisig at nalamang pasado alas-syete na.

"Okay. I'll be there in a minute. Malapit lang ako diyan" sagot niya rito.

"Thank you, Feline" Pakiramdam niya ay nakahinga ito nang maluwag dahil sa pagpayag niya. Pinutol na niya ang tawag saka pumara ng taxi papunta sa Oceanic Bar.

Wala pang kalahating oras ay nasa Oceanic Bar na siya. Nang makapasok ay kaagad niyang nilibot ang paningin para hanapin si Amanda. Hindi niya alam kung kasama ba nito si Q kaya ang dalaga ang hinanap niya. Kaagad naman niyang nakita ito sa dulo sa may second floor ng bar. Walang gaanong tao sa parteng iyon ng bara kaya naman nakita niya kaagad ito. Naglakad na siya palapit dito.

Ilang dipa na lang ang layo niya kay Amanda nang mapansing hindi lang ito nag-iisa sa table ito. Nakita niya ang isang pigura ng lalaki na nakayukyok sa lamesa sa harap nito. Nalaman niyang si Q iyon dahil iyon ang suot nito nang pumunta ito sa shop niya noong tanghali lang at dahil na rin nang mapansin niya ang manipis na silver bracelet na nakasuot sa kaliwa nitong kamay nang mahulog ang kamay nito mula sa pagkakapatong sa ibabaw ng lamesa. Iyon ang bracelet na niregalo niya rito ilang taon na ang nakakalipas. Ilang bote din ng alak ang nakakalat sa ibabaw ng lamesa kaya tiyak niyang dahil sa kalasingan kaya ito walang malay.

Tumingala si Amanda sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit dito. Tumayo ito sa harap niya, na nahiling niyang sana ay hindi na lang nito ginawa dahil nagmukha siyang pandak, at ngumiti sa kanya. "Thanks for coming, Feline" anito sa mahinhin na boses.

Hindi man niya aminin, pero ito ang perfect ideal girl ng mga lalaki. Kung maganda na ito noon, lalo itong gumanda ngayon. Hindi niya mapigilang maintimidate sa itsura nito. Mabait ito at laging mahinahon, pero pakiramdam niya ay kailangan niya laging makipagkompetensya dito tuwing kaharap ito, na alam niyang siya lang naman ang nag-iisip ng ganoon.

Forever Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon