"Hahalikan kita, pumikit ka na lang."
"H-Ha? Anong sina-"
"Basta pumikit ka na lang..!"
"Teka, sino ka b--- MMMHFFF!"
------------------------------------------------
Y/N'S POV
Hi.
Ako si (F/N) (L/N). Isang 3rd year transferee na engineering student dito sa isang kilalang school sa Manila.
Tubong Bulacan ako pero nang nakuha ko ang scholarship ko dito sa university na ito, pinili kong dito na ipagpatuloy ang aking pag-aaral dahil alam kong mas matututo at magkakaroon ako dito ng potensyal.
Simpleng tao lang naman ako. Nanggaling ako sa pamilyang hindi mahirap, hindi din mayaman. Since galing akong probinsya, mga typical na t-shirt or polo shirt at pants lang ang palagi kong isinusuot, syempre bukod sa uniform ng school ko. Mahilig rin akong makinig sa mga kanta, pero di ko ugaling kilalanin yung mga artists na nasa likod ng bawat kantang pinakikinggan ko.
Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pag a-adjust dito sa bago kong university dahil swerteng dito din nag-aaral ang kababata kong si Jessica or Iska kung tawagin ko sya. Di man kami parehas ng course dahil sya ay Criminology at ako naman ay Engineering, at least ay may kasa-kasama ako tuwing nagkakasabay kami ng vacant.
Ika-apat na araw pa lang ng pasukan at mostly, orientation pa lang ang ginagawa ng mga professors. Ang kaso, walang pasok ngayon si Iska kaya mag-isa lang akong naglalakad sa hallway palabas ng university.
Wala na ring masyadong estudyante dito dahil alas-siyete na ng gabi. Habang payapa akong naglalakad ay may papalapit saking lalaking matangkad, medyo tan at naka all-black na outfit na mabilis na tumatakbo. Napahinto ako sa paglalakad ng biglaan din syang huminto sa harap ko at hinawakan ako sa balikat.
"Hahalikan kita, pumikit ka na lang."
Ang mahinang sambit ng lalaki sa harap ko.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Seryoso ba sya?!
"H-Ha? Anong sina-"
Naputol ang pagsasalita ko dahil hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at inilapit ang mukha nya sakin.
"Basta pumikit ka na lang..!"
"Teka, sino ka b--- MMMHFFF!"
Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil inilapit na nya ang mukha nya ng tuluyan at mariing hinalikan ang mga labi ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko at inilagay ang mga kamay ko sa dibdib nya upang subukang itulak sya papalayo ngunit nilagay nya ang isa nyang kamay sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya.
Napapikit na lamang ako nang may narinig akong tunog ng hakbang na para bang tumatakbong papalapit saming dalawa. Nang huminto ang paghakbang ay narinig ko ang boses ng isang babaeng gulat na gulat.
YOU ARE READING
COMPLEX (A Ken Suson Story)
FanfictionHi mga kaps! This is my second fanfiction tungkol sa ating pambansang manok! 🐔 Sana magustuhan nyo. SLMT sa suporta!