10. The Mysterious Radish

97 5 4
                                    

Y/N'S POV

"... Bale ang sabi ni sir, this coming week daw mag i-start yung activity natin, at for the whole week daw, yon lang yung gagawin natin sa oras nya. May mga questions pa po ba kayo?" Ang tanong ng class mayor namin. Wala naman nang nagtanong sa mga kaklase ko. "Sige na, yon lang naman yung pinapa-announce ni sir. Pwede na kayong umuwi."

Nagsimula nang magligpit ng gamit ang mga kaklase ko. Hinugot ko na din ang phone ko sa pagkaka-charge at binuhay ang power nito ngunit hindi ko nai-check ang mga notifications ko. Nang matapos akong mag-ayos ng gamit ay lalabas na sana ako ng room nang tawagin ako nila Mariah at Angel, dalawa sa mga naging ka-close ko sa section na to.

"(F/N)! May mga gamit ka na ba para sa activity natin?" Ang tanong ni Mariah.

"Wala pa nga eh. Baka bukas ako bibili. Tutal, wala naman tayong pasok." Ang sagot ko sa kanya.

"Medyo may kamahalan nga daw yung mga kailangan natin na yon. Mukhang kailangan ko mag-double shift nito sa work ko." Ang sagot naman ni Angel. Nagtatrabaho kasi ito bilang part-time sa isang fast food restaurant.

"Oo nga daw eh. Basta, wag mong kakalimutan yung sarili mo. Pag di kaya, wag mong pilitin. Baka mamaya nyan, may pera ka nga, nagkasakit ka naman." Ang bilin ko kay Angel.

"Oo naman, salamat (F/N). Anyways, uuwi ka na nyan?" Ang tanong nito sakin habang mabagal kaming naglalakad sa hallway.

"Oo--" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang tumunog ang ringtone ng phone ko.

"Oo--" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang tumunog ang ringtone ng phone ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sasagutin ko na sana ang tawag pero nag-missed call ito agad.

"Yie, mukhang tumatawag na yung boyfriend mo ah." Ang kinikilig na sambit ni Mariah.

"H-Ha? H-Hindi, baliw, kaibigan ko lang to..!" Ang natatarantang sagot ko.

Natawa silang dalawa. "Kaibigan tapos, nagba-blush ka?" Ang tukso naman ni Angel.

"N-Naku, tigilan nyo nga ako. Sige na, mauuna na ako sa inyo. Ingat kayo sa pag uwi ha. Babye!" Ang paalam ko sa dalawa tapos ay nagmadali nang lumabas ng university. Nang malapit na ako sa gate ay tumawag na naman si Ken. Nasagot ko naman ito.

"H-Hello..?"

"Where are you?" Narinig ko ang mababang boses nito sa kabilang linya.

Jusko naman yung boses, napakagwapo!

"E-Eto na, palabas na ako. Hintayin mo na lang ako dyan."

"Of course I'll wait for you." Ang sagot nito.

A-Ano daw..?!

COMPLEX (A Ken Suson Story)Where stories live. Discover now