6. Chicken Dinner

73 4 0
                                    

Y/N'S POV

"Hays, buti naman at maagang natapos ang klase ko ngayon." Ang sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang mga gamit ko.

Nagpaalam na ako sa mga kaklase ko at nagtungo na sa hallway kung saan ako palaging dumadaan pauwi. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Ken.

Siguro naman ay titigil na sya sa pagsundo sakin? Napatawad ko na din naman sya sa sinabi nya sakin nung gabi na nag-dinner kami. Wala namang saysay kung pati yon ay ikakatanim ko ng sama ng loob. Kaya wala na din dahilan pa para ihatid-hatid nya ako ng ganon.

Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Paano kung galit nga sya sakin? Paano kung naghihintay na naman sya sakin sa labas? Anong dapat kong gawin kapag ganon, susuyuin ko ba sya eh wala namang kahit anong namamagitan saming dalawa?

Hays, bahala na nga.

Nang malapit na ako sa may gate ay sinilip-silip ko ang labas kung meron bang naka-park na pamilyar na pulang sasakyan.

Ayon! Mukhang wala naman sya sa labas. Salamat naman.

Para akong ewan na dahan-dahan pang lumabas para masiguro na wala talagang bakas ni Ken sa labas ng university. Nang masiguro ko ay dali-dali akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa gate ay may narinig akong busina ng sasakyan, kasabay nito ang biglang paghinto ng pulang Mustang sa harapan ko. Nakababa ang bintana nito kaya nakita ko agad ang nakasimangot na mukha ni Ken.


Nanlaki ang mata ko nang agad syang bumaba sa kanyang sasakyan.

"A-Ano-"

"Where do you think you're going?" Narinig ko ang mababa at malamig na tono ng boses nito.

"A-Ah... U-Uuwi na..."

"Sakay." Ang matipid na sabi nito at sumakay na sa driver side.

Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko at di magawang maglakad. Susundin ko ba sya?

Tumingin ito sakin. "Ang sabi ko, sakay."

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Ken. Nagpunta ako sa may passenger's side at nanginginig pa ang kamay ko nang buksan ko ang pinto. Nang nakaupo na ako ay isinuot nya ang seat belt ko at nagsimula na syang magmaneho.

Tahimik lang ang byahe namin pero ramdam ko sa awra nya na galit sya. Sinusulyap-sulyapan ko ang mukha nito na nakakunot pa din ang noo habang seryosong nakatingin sa kalsada. Sinubukan kong basagin ang katahimikan.

"A-Ano, Ken..." Ang pagtawag ko sa kanya pero nanatili ang tingin nya sa daan. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko.

"Ken... S-Sorry..." ang wika ko pero parang wala pa din syang naririnig. Napabuntong-hininga na lang ako.

Luh, galit nga talaga sya.

Maigsi lang ang byahe pauwi ng apartment ko pero feeling ko ay sobrang tagal ko nang nakaupo sa sasakyan ni Ken. Parang gusto ko na lang tumalon palabas at tumakbo papauwi.

Pagkadating namin sa tapat ng apartment ko, bago ako bumaba ay nagpasalamat ako sa kanya. Parang wala pa din syang naririnig dahil hindi man lang sya tumango o hindi man lang ako nilingon. Pagbaba ay hindi ako agad pumasok ng apartment at tumayo lang ako sa tapat ng passenger's side. Napansin siguro yon ni Ken dahil ibinaba nya ang bintana sa side nito at tinignan ako.

COMPLEX (A Ken Suson Story)Where stories live. Discover now