Y/N'S POV
"Oh, (F/N), di ka pa ba uuwi?" Napatingala ako mula sa ginagawa kong activity nang marinig ko ang boses ni Angel na kasama si Mariah.
"Ah, hindi pa."
"Wala ka na bang next class? Baka naghihintay na sayo yung boyfriend mo." Ang nakangising biro ni Mariah.
Nginitian ko sila ng pilit. "Wala na din akong klase. At saka, wala naman akong boyfriend no. Ano bang sinasabi nyo dyan."
"Yung tumatawag sayo nung nakaraan! Di mo ba boyfriend yon?"
"N-Naku, hindi. Kaibigan ko nga lang yon. Kaya sya tumatawag kasi... kasi magme-meet kami nung araw na yon para k-kunin yung inorder kong longganisa sa kanya." Ang pagsisinungaling ko sa dalawa.
At naging longganisa seller pa nga si Ken.
"Longganisa? Di ba, Mlmasarap yung gawa ng longganisa sa probinsya nyo? Nagpapa-order pa ba sya? Gusto kong bumili!" Ang masayang wika ni Mariah.
"Oo nga, ako din. Masarap yon tapos sinangag ang kapares!" Ang dugtong naman ni Angel.
Naku po! Naloko na!
"A-Ah, sige. S-Sasabihan ko kayo pag may pa-order na sya ulit. Madalang lang kasi magbenta yon eh."
"Hintayin namin yan ha. Sige na, mauuna na kami. Mag iingat ka na lang sa pag-uwi." Ang wika ni Angel.
"Oo, ingat din kayo."
"Bye (F/N)!" Ang paalam nila ni Mariah at tuluyan nang lumabas ng classroom.
Pagkaalis nila ay napa-buntong hininga ako ng malalim.
Kahit ano talagang gawin ko, lagi pa din talagang may nagpapaalala sakin sa Ken na yon. Kainis.
Simula kasi kaninang umaga pagkagising ko ay bumungad na kaagad ang mga texts sakin si Ken.
Kating kati ang mga kamay ko na replyan sya pero buti na lang ay napigilan ko ang sarili ko. Pinilit ko na lang na kumain ng agahan kahit konti at mag-prepare na sa pagpasok.
Bago ako bumaba ng apartment ay kinakabahan ako. Iniisip ko kasi na baka paglabas ko ay makita ko ang sasakyan ni Ken na naka-park sa labas ng apartment. Ngunit paglabas ko ay wala naman akong nakitang pamilyar na pulang sasakyan. Napa-buntong hininga ulit ako.
Pero bakit parang malungkot ako na wala sya dito? Hay naku (F/N), tigilan mo nga yan. Mahaba pa ang araw mo.
Pagdating ko ng university ay noon ko lang din napagpasyahang replyan si Ken.
YOU ARE READING
COMPLEX (A Ken Suson Story)
FanfictionHi mga kaps! This is my second fanfiction tungkol sa ating pambansang manok! 🐔 Sana magustuhan nyo. SLMT sa suporta!