Hannah Gonzales
Alas otso na ako nagising dahil Sunday naman ngayon at mamayang 10:00 pa 'ko susunduin ni Tyler. Agad akong naghilamos at bumaba para mag-almusal. Nadatnan ko ang nakababatang kapatid kong si Hans na naglalaro ng toys sa sofa.
"Morning, ma.." pagbati ko kay mama at naupo na sa hapag kainan. "Ah, ma?" pagtawag ko sakanya at nilingon naman niya ako. "Aalis po ako mamayang 10:00 kasama kaibigan ko." tumango naman siya sa akin. "Sige, mag-iingat ka ah?" tinanguan ko rin siya.
Matapos kong mag-almusal, nagtungo ako sa bathroom para maligo. Nagbihis ako ng bestida na may flowers and cats design, perfect sa cat cafe na pupuntahan namin!
Naisipan ko nalang na huwag nang mag-ipit dahil mas bagay sa akin iyong buhaghag, at nagclip na lamang. 9:45 na nang matapos akong mag ayos at hinihintay ko na lamang sa labas si Ty, I hope that jerk doesn't stand me up again.
Pagkaraan ng ilang minuto, saktong 10:00 ay may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay namin. Nagpaalam na ako kay mama at sa kapatid ko at lumabas na.
"Good morning." bati ko kay Tyler na nakasandal sa itim na kotse. "Good morning, Hannah." nginitian niya ako at pinagbuksan ng pinto ng kotse. Agad naman akong pumasok at umupo, sumunod naman siya. Inistalk ko nga pala ang fb account niya at mayaman siya, maraming awards at mukhang laging top 1 din sa klase dati.
"Hannah?" napalingon ako sa kanya. "I'm really sorry for standing you up." his eyes were sincere as he says those words. "Okay lang, hindi mo naman kasalanan na na-lock kayo roon." nginitian ko na lamang siya at bumaling muli sa labas ng bintana.
Biglang tumunog ang cellphone ko at may isang message doon
Akiro Fern
You're friends in Facebook
Lives in the PhilippinesHannah🙁
? Yes, aki?
u never chat me anymore☹️
are u like this na kc i switched schools?noo, just busyy
sorry akiii
let's hang out tomorrow?kk, see u soon hannah💞
"Who are you texting?" muntik na ko mapatalon nang biglang magsalita si Tyler. "Ah, wala.. Si Aki, bff ko na nagswitch ng school last year." tinanguan niya ako. Tumigil na ang kotse, nandito na pala kami sa cafe. Naririnig ko na ang pag-ngiyaw ng mga pusa!
Pumasok na nga kami sa loob at si Tyler na ang nagbayad sa aming dalawa for one hour. Aack! Ang daming pusa!
Para akong bata na nakabili ng ice cream sa sobrang tuwa, habang si Tyler naman itong humihigop lang ng kape sa maliit na table. Parang gusto ko rin ng kape..
"Tyler, bibili muna 'ko ng kape ah!" paalam ko sakanya at hindi na hinintay ang kanyang sagot nang tumungo na ako sa counter. Um-order na nga ako ng best selling coffee nila at naghintay na tawagin ang pangalan ko.
"Order for Hannah?" tumayo na ako at nagpunta sa counter, inabot ko naman ang kape ko. Huh?
"Akiro?"
"Hannah?"
Sabay naming utal sa isa't isa. "Uy, Akiro! Paano ka naman nakakuha agad ng part time job?" Grade 9 pa lang kami, eh. "Ah, this is my parents' business. I work here during weekends, and sabi nila mama na nakaka-attract ako ng customers." napatawa ako sa huli niyang saad. Sabagay, gwapo si Akiro at sikat.
BINABASA MO ANG
One Point Higher
Romance"One Point Higher" is a captivating narrative that explores the dynamic between two academic rivals. As they compete for the top spot in their class, their initial animosity transforms into a deep, unexpected romance. This story delves into themes o...