One Point Higher

14 2 22
                                    

Note from author:

Hai guys! Sorry to keep you waiting! My wattpad was broken for a few days + nagkaroon kami ng family reunion. I hope y'all understand💞

Hannah Gonzales

Hating gabi na at hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa mainit ang mga pisngi ko dahil sa paulit-ulit na pagsagi sa isip ko ang nangyari kanina. Hiyang-hiya ako! Lalo na kay mama!

“Can I..?” paghingi ng permiso ni Tyler Upang halikan ako. Bigla na lamang tumikhim ang driver ni Tyler. “Ma'am, Sir, nandito na po tayo.”

Napatigil naman kaming dalawa at nahihiyang lumayo sa isa't isa. Tumingin ako sa bintana at halos sumabog ako sa kahihiyan.

Anak ng tinola! Nakasilip si mama sa bintana ng kotse! Hindi pala tinted 'yon!

Nahihiyang lumabas ako ng kotse nang nakatakip sa mukha ko ang aking bag upang itago ang pagkahiya ko kahit halatang halata na naman. Hindi ko na pinakinggan si mama nang tawagin niya ako nang ilang beses. Deretso na akong nag tungo sa kwarto ko at inis na pinangtaklob ang unan sa aking mukha.

Sa dinami-rami pa talaga ng pwedeng makakita, iyong mama ko pa. Siguradong tutuksuhin at kukulitin ako ni mama kapag lumabas ako sa kwarto ko. Bwisit! Bakit ba kasi dun pa kami nag... Never mind.

Itutulog ko na nga lang ito. Hindi ko na nga alam kung ano pang mukhang ihaharap ko kina mama at kay Tyler.

I can't believe na nakapag confess na ako kay Tyler. Well, why not? Mutual naman ang feelings. I'm just glad dahil wala na yung mabigat na damdamin sa dibdib ko. I can finally look at Tyler the way he looks at me.

Pearl Ramos

It's 8am in the morning at nanonood ako ng live ng favorite streamer ko! Kyaaa! Ang pogi-pogi ni Aki!

“G'morning my Akians!” bati ni Aki. 'Akians' are what he calls his fans.

Agad akong nagtype ng “GOOD MORNING AAAKKKIII!!!” in all caps. Oa pero si Aki na yan eh!

“My bff had this friend nga pala. I stalked her on fb na at she's my exact time. Bubbly, cute and pretty, extroverted, playful at childish. Should I chat her, Akians?”

Sino naman kaya yun? Ganong ganon naman ako ah! Ako nalang please!

Nakita ko nang sumasang-ayon ang mga akinians kaya sumang-ayon na rin ako sa chat.

“Alright guys, I'm gonna chat her na. Wish me luck.”

Who is that lucky girl, kaya? Napasimangot ako. Bigla na lamang may nagnotification sa cellphone ko. Nanonood pa ako ng live ni Aki!

Dahil sa inis, napairap nalang ako at binuksan iyon. Laking gulat ko naman ng makita kung sino ang nagchat...

Akiro Fern
1 Mutual Friend in Facebook
Lives in the Philippines

hi miss

Oh my gosh!? Nagtatalon ako sa kama ko sa tuwa. Ako pala ang tinutukoy niya sa live?! Oh my gosh, hindi ako makahinga!

Akiro Fern
1 Mutual Friend in Facebook
Lives in the Philippines

hi miss
miss?

ay uhm hello!!

do u know me, miss?

yes po🙈
I'm such a big fan po kuya aki!!

then.. you're probably watching my live ngayon?

ahm yes😅

ayy hehe how do i say this, ba?
i got ur number from ur friend, si hannah
sooo... type kita miss, and i was thinking to get to know u more.

Aaaaaahhhhh!!! Halos ikahimatay ko ang biglaang pagchat sa akin ni Akiro, ang favorite streamer ko! Thanks a lot, bestie!

~First Day of School (Grade 10)~

Hannah Gonzales

As usual, ako nanaman ang pinakaunang nakarating sa bago naming classroom ngayong unang araw ng Grade 10. Unti-unti na ring napuno ang klase. Ang hinihintay nalang ay sina Ma'am Victoria at may isa pang bakanteng upuan sa tabi ko. Sino kaya ang seatmate ko?

Kasulukuyan na rin nga palang tinanggal muna ang star section dahil nagretire na ang mga teachers doon. Kaya naman nagkahalo-halo muli ang regular at dating star pupils.

Hindi ko na nga rin pala ka parehas ng section si Pearl na labis niyang ikinadismaya. Wala rin kaming magagawa dahil wala namang willing magchange ng section lalo na't may inaabangan daw sila sa section na kinabibilangan ko ngayon.

Hindi ko naman tiningnan ang list ng mga taong magiging kaklase ko dahil magkakaroon naman ng introduce yourselves. Napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok ang isang humahangos at pinapawis na lalaking may kagwapuhan at pamilyar sa akin kahit nakasuot ito ng gray na hoodie.

Nilibot naman nito ang paningin niya sa classroom at nang mag tama ang amin tingin, tinungo niya ang nag-iisang bakanteng upuan sa kaliwa ko. Nang dumaan siya sa akin ay nakakagulat na ang bang pa rin niyo kahit halatang pawis na pawis. Nakapagtataka ring napakapamilyar din ng amoy ng cologne nito. Hinubad na rin nito ang kanyang hoodie at halatang nakaramdam ito ng pagkabanas na nakapagpalingon sa akin nito at bumungad sa akin ang mukhang hindi ko inaasahang makakasalamuha kong muli— si Tyler.

“I-Ikaw nanaman?!” wala sa sarili kong nauutal na sigaw. Napatingin ang ilan sa aming mga kaklase ng unit isinawalang-bahala ko na ito. Nakaramdam ako ng kaunting I is nang tinawanan lang ako nito. May saltik na ba 'to?

“Yes, Hannah. Ako lang 'to, si Tyler. I'm glad you didn't forget me.” nginitian niya naman ako na ikinaiwas ko ng tingin dahil sa pag-iinit ng aking mga pisngi. Paano kita malilimutan? Lalo na nang huling pagkikita natin ay muntik mo pa akong mahalikan.

“You know I don't like being ignored, Hannah.” napalingon muli ako sakanya at suot nito ang isang ngiti ngunit baka dito ang lungkot. Napabuntong-hininga ako dahil dito at pinisil-pisil na lamang ang kanyang pisngi na ikinangiti nito.

Napatigil naman ako nang hawakan niya ang aking pulsuhan. “How about this. Ituring nalang natin ang isa't isa bilang rivals. Kumbaga, academic rivals. That way, hindi natin mapaprioritise ang feelings mo— natin para sa isa't isa.” mabilis namang tumibok ang puso ko nang halikan niya ang likuran ng aking kamay. His idea is not too bad.

“Okay, let's do it. But don't expect me to go easy.” nginitian ko siya nang may paghamon. Ginantihan naman ako nito ng isang ngisi. “Hindi rin naman ako magpapatalo.” tinig nito na ikina-trigger ng competitive side ko.

“Tyler.” tawag ko rito. Nilingon naman niya ako.

“I'll always be one point higher than you.” sabay pagngisi ko rito.

END OF SEASON 1

One Point HigherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon