Omelette

11 2 14
                                    

Hannah Gonzales

“Hannah, I...” hindi na nakapagsalita si Aki dahil tinakpan ko ang bibig nito. Pati nga ako nagulat, eh.

Agad kong inalis ang kamay ko sa mga bibig niya at muli siyang nagsalita. “Hannah, promise me you won't get mad.” he looked at me with a pair of sincere eyes. “Ano ba yun..? Don't tell me it's what I'm thinking..” nanginginig kong sambit.

“Hannah... Ako si Buttercup sa Powerpuff Girls.” napasinghap ako. Sinasabi ko na nga ba!

“Buttercup?! We can't be friends... Ako si Mojo Jojo!” pag-amin ko rin.

Agad niyang pinatay ang recording. “Finally, matapos ang ilang takes! Ikaw kasi eh, tawa nang tawa.” napahalakhak naman kami sa sinabi ko.

“Post ko na, ah!”

“Oo na, pagod na 'ko sayo.” napatawa muli ako nang bigyan niya ako ng masamang tingin. “Ganyan na ba ang tingin mo sakin, sa best friend mo?” ngumuso siya. “Ewan ko sayo, para kang aso dyan.” inirapan ko na lamang siya.

Napabaling ako sa pusa ni Aki. Isa itong siamese na alagang-alaga nina Aki at Tita. I don't know why, but it reminds me of Tyler.

Napangiti ako nang tumalon ito sa ibabaw ng binti ko at humiga. “Awh, ang cute naman ni Akira.” that's right, Tita named it after Akiro. Ang cute nga eh, hehe.

“Syempre, mana sakin yan.” napatawa ako. Ang hangin talaga ng ulo nito kahit kailan.

Bigla na lang nagnotification ang phone ko.

Tyler Mendoza

Naghahain ako ng pangtanghalian namin ng roommate kong si Kyle. As always, ako ang nagluto. Hindi naman maalam yung roommate ko, eh.

Minsan-minsan din ay napapangiti ako tuwing nakikita si Torta na nakadisplay lang sa desk ko. Goodness, I miss Hannah.

“Yo, bro. Mainit pa yan, 'diba? Maya na tayo kumain.” tumango na lamang ako at nagpunas ng kamay. Napatingin ako sa kanya nang may marinig akong nabasag—!

Si Torta!

Napasinghap ako nang makita ang basag na itlog (😆) sa sahig na may papel sa gilid nito. “Kyle!” galit akong napatingin sakanya. “Itlog lang naman yan. May dalawa ka pa.” oh, come on! Now is not the time to joke around!

Napangiwi nalang ako nang matapakan niya ito. Our baby Torta:(

“Kumain ka mag-isa.” iniligpit ko na si Torta at nilagay sa isang plastik. Nawala ang gana kong kumain sa sobrang lungkot. It was the only thing that reminded me of her, of our friendship.

Bigla kong naalala na friend ko pa rin siya sa fb. Bakasyon na naman. Pwede ko naman siyang i-chat, 'diba? It's worth a shot. Everything is worth for her.

Hannah Gonzales

Binuksan ko ang cellphone ko at bumungad sakin ang message ni Tyler.

Tyler Mendoza
You're friends in Facebook
Lives in the Philippines

hannah:(

?

our baby broke:(
i mean, torta

huh? you kept that egg?

yes and my roomie broke it:(

One Point HigherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon