Ang Salamin [ One Shot ]

94 7 1
                                    

Sa isang liblib na bayan sa Bulacan, naninirahan ang isang babaeng nagngangalang Limao. Nilalayuan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang kapangitan. Maitim na kutis, buhaghag na buhok, makapal na kilay at malaking balat sa mukha, ilan lamang iyan sa mga katangian na meron siya. Bukod dito, kuba at ika-ika din siya kung maglakad...

Pookkk! tunog ng batong tumama sa ulo ni Limao. Napaiyak na lang siya dahil sa sakit.

Limao halimaw! Limao halimaw! sigaw ng tatlong bata naghagis ng bato. Patuloy nilang kinutya si Limao. Tumakbo naman si Limao papalayo nang paika-ika habang lumuluha. Hinabol naman siya ng tatlong bata at itinuloy ang pagbato ng maliliit na piraso ng grava. Mas lalong binilisan ni Limao ang takbo hanggang sa makarating siya sa kubo na kanyang tinitirhan. Isinarado niya ang pinto at doon itinuloy ang kanyang pag-iyak.

Ano bang problema nila sa akin? Kasalanan ko ba na naging ganito ang hitsura ko? tanong ni Limao sa kanyang sarili. Dahan-dahan niyang inilagay ang kanyang kaliwang palad sa kanyang batok. Lalong lumakas ang kanyang pag-iyak nang makita ang dugo sa kanyang palad, na bunga ng pagtama sa ulo niya ng grava.

Sa gitna ng kanyang pag-iyak ay biglang lumiwanag ang loob ng kanyang bahay. Napatakip siya ng mata dahil sa silaw. Maya-maya pa ay narinig niya ang isang malamig na boses na tumatawag sa kanyang pangalan.

Limao... Limao... kinilabutan si Limao sa narinig. Nagtaasan ang mga balahibo sa kanyang batok. Pero hindi siya nagpatinag at sinundan niya ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Dinala siya nito sa kanyang tulugan. Sa ibabaw ng papag ay may nakapatong na pabilog na salamin. Isang salamin na ngayon niya lamang nakita sa kanyang kubo. Iniangat niya ito at tinignan ang salamin. Pero biglang naglaho ang liwanag sa loob ng kanyang kubo. Pero mas lalo siyang nagulantang nang makita ang kanyang repleksyon sa salamin.

Isang magandang babae ang tumambad sa kanyang harapan. Napakunot noo na lamang siya at hinawakan ang kanyang mukha. Akala niya'y namamalik mata lamang siya pero nagkakamali siya. Nagbigay ito ng isang malaking ngiti sa kanyang mukha. Pinunasan niya ang kanyang luha at nagmadaling magpalit ng damit. Nagsuot siya ng isang mahabang gown na parang pangkasal at taas noong lumabas ng bahay. Nakangiti siyang naglakad sa harap ng mga kapitbahay na muhing muhing sa kanya. Pero imbes na magalak ay pinagtawanan siya ng mga ito.

Mang Isko: Limao, kelan ba ang libing mo at nagmadali kang magbihis ng ganyan?!?

Mang Oscar: Puta! Kung ganyan lang ang mapapang-asawa ko, magbibigti na lang ako! Hahaha!

Mang Juan: Aba! Nawawala na yata sa katinuan 'tong si Limao!

Pinagtatawanan siya ng tatlong lasenggo sa tapat ng kanyang kubo. Napasimangot na lang siya at sinabi sa sarili na naiinggit lamang ang mga ito sa kanya. Pero lalo siyang nainis nang makitang dumating ang anak ni Aling Patring na si Cherry Joy. Si Cherry Joy ang pinakamagandang babae sa kanilang lugar. Maraming lalaki ang nagkakandarapa para lang mapasagot siya. Pero wala itong balak na mag-asawa. Siya rin ang tanging tao na nakakaintindi sa kanya.

Cherry Joy: Oh, Limao? Napadaan ka. San ba ang punta mo at parang nakapang-alis ka? Ang ganda mo naman sa gown na yan.

Kahit na seryoso ay napoot si Limao sa sinabi ni Cherry Joy. Ang alam niya kase ay pinaplastik lamang siya ni Cherry Joy. Pero nagkakamali siya.

Limao: Bakit? Inggit ka?

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Cherry Joy nang marinig ang sinabi ni Limao. Pero agad na kumontra si Aling Patring sa sinabi ni Limao.

Aling Patring: Hooy! Ang kapal naman ng mukha mong bata ka! Di hamak naman na mas maganda ang anak ko kesa sa'yo! Di mo ba alam kung gaano kapangit yang suot mo? Mukha kang nakawala sa mental! Bu-buwahahaha!

Nasaktan naman si Limao sa sinabi ni Aling Patring at tumakbo na lamang pabalik sa kanyang kubo. Nagulat naman si Cherry Joy sa inasta ng nanay. Nang makaalis si Limao ay agad na sumigaw si Cherry Joy.

Cherry Joy: Naaaayy! Ang sama-sama ng ugali niyo! Kung kayo kaya ang nasa posisyon ni Limao? Ano kaya ang mararamdaman niyo? Ganon na nga ang hitsura niya, tapos kukutyain niyo pa? Ano bang ugali meron kayo?

Aling Patring: Baket?!? Totoo naman ah! Tsaka bakit ka naman magpapatalo don sa halimaw na yon? At tsaka tigil-tigilan mo nga ako! Baka gusto mong di kita palabasin diyan! Don! Pasok!

Nakabusangot naman si Annabelle na pumasok sa bahay at padabog na isinara ang pinto. Samantala...

Bakit ganon? Kanina lang, ang ganda-ganda ko nung tumingin ako sayo, pero nang lumabas ako ng bahay, pinagtawanan lang nila ako! galit na sabi ni Limao na kinakausap ang salamin na hawak niya kanina. Nagulat naman siya nang sagutin siya ng salamin.

Bakit? Gusto mo ba talagang gumanda? sabi ng salamin na may mala-batang boses. Nabitawan niya ang salamin at napaatras mula sa upuan kinauupuan.

S-sino yun? I-ikaw ba yun? nauutal na sabi ni Limao sa sarili. Namangha siya nang bigla itong nagsalita ulit.

Oo. Pero magiging mabisa lang ang pagiging maganda mo kapag nag-alay ka sa aken ng siyam na buhay. Siyam na buhay ng magagandang babae at lalaki. Saka ko lang ito igagawad sayo kapag napatay mo na sila lahat! ang lakas ng boses ng salamin na iyon. At tuwing nagsasalita ito ay nagliliwanag ito.

Naging despereda si Limao na maging maganda. Dali-dali niyang kinuha ang salamin at itinapat ito sa kanyang mukha. Nakita niya sa repleksyon nito, ang kanyang nakakadiring hitsura. Napaluha na lamang siya at nagbihis ng isang mahabang damit. Pagkatapos ay palihim na nagdala ng kutsilyo at kumaripas sa pagtakbo palabas ng bahay.

Mag-aalas nueve na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Cherry Joy. Nakailang lipat na siya ng posisyon pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maya-maya ay nauhaw siya at nagdesisyon na lamang na kumuha ng isang tubig.

Medyo mataas ang ref nina Cherry Joy. Kaya nang isara niya ito, isang babaeng may taklob sa mukha ang sumalubong sa kanya. Sa sobrang gulat ay nabitawan niya ang hawak na babasaging baso. At may mga piraso pa ng mga bubog na tumusok sa paa niya. Natumba siya. Pero lalong nagpagimbal sa kanya ang sumunod na nangyari. Sinugod siya ng babaeng nakataklob ang mukha habang may dala dalang kutsilyo. Agad niya itong pinatama sa dibdib ng dalaga. Ilang saglit pa ay nagmantsa na sa damit ng dalaga ang kulay pulang dugo. Napanganga na lamang sa sakit si Cherry Joy. Papikit na ang mga mata niya nang bigla niyang narinig ang mga huling katagang sinabi ni babae.








Walo na lang...

Ang Salamin (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon