Amanda Ventura: Nandito na ako sa DQ @everyone
Binalik ko 'yung phone ko sa bag habang lumilingon sa paligid. Today is Saturday at ngayon din kami pupunta sa bahay nila Ethan para magpractice. Magkikita kami ngayon dito sa DQ para sabay na kaming pupunta sa bahay nila Ethan. Sa aming magkakagrupo ay si Lily lang ang nakaka-alam sa bahay nila Ethan kaya siya rin ang nag suggest ng place and time para magkita.
One pm ang napag-usapan naming time pero 12:45 palang ay nandito na ako sa DQ. Dapat nga mas maaga pa ako eh kaso ang traffic! I wore a simple white shirt and blue jeans ngayong araw with white sneakers.
"Ventura!" I heard someone shout kaya napalingon ako. It turned out to be Valeria at kasama niya sa Lily na papalapit sa table ko.
"Kanina pa kami dito sa mall kaso boring kanina eh kaya napag-isipan naming mag shopping muna." Valeria explained kaya tumango nalang ako.
Rich people with their habits nga naman.
"So, ang kulang nalang ay ang boys. Sina Dela Cruz at Castro?" tanong ni Lily na siyang sinang-ayunan ko. Well, I already told them that we will have 20 minutes alloted for those who come late.
"Ventura, nabasa mo na ba 'yung script na sinend ko kagabi?" Valeria asked.
Valeria sent a script yesterday. Laking pasasalamat ko na 'di pala siya magiging pabigat sa grupo lalo na't inako niya ang script writing. May back up plan na sana ako kung sakaling hindi niya gawin ang part niya.
"Yes nabasa ko na, it was really great" I responded.
Instead of her first fantasy-historical plot na nag transform bilang wika ang minamahal ng isang babae. The story goes like this. Isang dalagang pilipina ang magkakagusto sa isang binatang kastila. Gustong pakasalan ng binata ang dalaga ngunit may kundisyon, dapat na mag mistulang kastila ang dalaga at dapat na ibaon niya sa limot ang pagiging dugong pilipino niya. Hindi pumayag ang dalaga at kahit na minamahal niya ang binata ay mas importante ang mahal niya parin ang wikang Filipino.
"Sabing ikaw mag main character, Santiago eh" pangungulit ni Valeria kay Lily.
"Sabing ayaw"
"Kung si Faustino siguro kapares mo, magtatalon ka sa tuwa!" Valeria teased.
Valeria won't act since siya na ang gumawa ng script at plot ng roleplay, hindi naman matinag si Lily dahil ayaw niyang maging main character masyado daw cheesy ang script kaya ang magiging main character na babae? No choice, pero ako.
Okay lang naman sa'kin dahil isa lang ang ibig sabihin non. More air time for me, more time na mafofocus sa'kin si ma'am. Dalawa ang grading sa'min, groupings and individuals kaya mas mabuti naring na secure ko ang main character role. Ang magiging kaparehas ko naman ay si Dela Cruz kaya malabong mas malaki ang magiging score ni Ethan sa'kin dito dahil pinili niyang mag props. Kahit na magkagroup kami, mukhang mas lamang ako sa kan'ya ngayon.
"Sorry, late. Sobrang traffic talaga" Dumating na pala si Castro na sobrang hinihingal. Kumuha siya ng tubig sa bag niya saka uminom.
Tiningnan ko ang phone ko to check the time. It's already 1:18 pm.
"Nasaan si Dela Cruz?" I asked Castro.
"Ewan, last niyang sinabi nasa practice daw ng banda eh" Castro answered. Binuksan ko kaagad ang gc at nag chat.
Amanda Ventura: @Stephen Dela Cruz, two minutes left. Nasaan ka na? Ikaw nalang hinihintay namin.
"Naku, hindi siya pwede umabsent ah. Siya pa naman main character natin!" sabi ni Valeria. I silently agreed.