"Bye, Ventura! Our rising star!" Valeria waved me goodbye habang papasakay ako ng jeep pauwi sa bahay namin.
The practice turned out to be great! 'Di ako makapaniwala sa acting ni Ethan kanina. Parang inaral niya ng mabuti ang character kaya kahit ako ay nadadala sa emotions niya. Sobrang tuwa tuloy ni Valeria at nag-suggest pa na si Ethan nalang ang maging main character.
Agad itong tinutulan ni Lily na nagpaalala na favor lang namin kay Ethan ang practice niya kanina. Kahit ako ay tutol, ito na nga lang ang kaunting advantage ko para malamangan si Ethan. Kukunin niya pa?
Kinuha ko ang phone ko at nag scroll when a message popped up from the group chat. It was from Dela Cruz.
Stephen Dela Cruz: Sorry @Amanda Ventura 'di ko alam na matatagalan pala kami sa practice ng banda. They also confiscated our gadgets kanina, bawi nalang ako sa inyo bukas guys. Promise!
Calista Valeria: Sorry mo mukha mo, Si Elizalde na papalit sayo.
It looks like Valeria is already giving lectures to him kaya binalik ko nalang 'yung phone ko sa bag. I'm so exhausted! Almost five hours kaming nag practice kanina. Tapos two hours pa non ay madalas kong kasama si Ethan sa mga eksena. Who wouldn't be exhausted?
¯\_༼ ಥ ‿ ಥ ༽_/¯¯\_༼ ಥ ‿ ಥ ༽_/¯¯\_༼ ಥ ‿ ಥ ༽_/¯¯\_༼ ಥ ‿ ಥ ༽_/¯¯\_༼ ಥ ‿ ಥ ༽_/¯¯\_༼ ಥ ‿ ಥ ༽_/¯
Kinabukasan ay pinakamaaga dumating si Dela Cruz sa meeting place at nilibre niya pa kami ng ice cream bilang peace offering daw sa absence niya. Madali namang umamo si Valeria habang ako ay nagbigay sa kan'ya ng warning.
Pinakuha narin kami ni Ethan sa isang van na pagmamay-ari daw ng pamilya nila sabi ni Lily. Ito 'yung type of van na gagamitin sa outing. Nasa harap si Lily na mukhang kakilala ng driver habang magkatabi naman sa second row sina Valeria at Castro. Nasa third row naman kami ni Dela Cruz na nag p-practice sa mga eksena namin together.
Smooth rin ang practice session namin nung Sunday kahit na ilang beses na halos hampasin ng mesa ni Valeria si Dela Cruz. Si Ethan naman ay paminsan-minsan bumibisita sa amin na nagp-practice at nagtatanong kay Valeria kung tama ba 'yung ginagawa niyang props.
Noong patapos na kami ay pinatawag ulit ni Valeria si Ethan para mag practice daw kami together ng ilang scenes. Agad na kinontra ito ni Lily pero excited naman na sumali si Ethan sa practice kaya wala narin siyang nagawa.
"Grabe talaga ang chemistry niyong dalawa! Omg! Kinikilig ako!" tili ni Valeria nang matapos namin ni Ethan ang last scene. Inobserbahan kami ni Dela Cruz kung paano daw ma-execute ng maayos ang scene na'to.
After that ay pinahatid narin kami ni Ethan sa mall kung saan kami kinuha pauwi. It was an exhausting but fun day.
┐(‘~';)┌┐(‘~';)┌┐(‘~';)┌┐(‘~';)┌┐(‘~';)┌┐(‘~';)┌┐(‘~';)┌
"Last nalang talaga at ipapaprint ko na ang pagmumukha ni Dela Cruz at maglalagay ng MISSING PERSON!" stress na ako ngayon.
Today is the day of the presentation of our roleplay at wala na naman si Dela Cruz! After lunch ang schedule namin sa KomPan ngayon pero hanggang ngayon ay wala parin siya! Ilang beses narin akong paulit-ulit na minemention siya sa gc pero missing in action parin siya.
"May banda na naman ba siya? 'Di niya na tayo madadala sa libreng ice cream" reklamo ko pa.
Sa mini theatre daw kami mag roroleplay sabi ni Mrs. Escalante. Malaki pa naman ang expectations niya sa'min ngayon tapos wala 'yung partner ko ngayon! Kainis!