Walang humpay na pag papatunay

7 1 0
                                    

Lagi niya talagang nireremind sakin na mahal niya ko maging sa text umaga ,tanghali , gabi walang palya ang pag text niya na " kumaen kana, wag mag papalipas ah sabay tayo lagi ah. Mwaa."

Kung ano anong gimik ginagawa niya pero ako ang tanging nasa isip ko lang kasi na hahayaan ko siya na patunayan niya. Naalala ko ung sinasabi sakin ng friend ko na wag ka mafafall sa gwapo kasi lolokohin ka lang niyan kukuhanin lang virginity mo tas iiwan kana. Kaya ayon natatakot na baka sa maling tao ko mabigay kaya naninigurado muna ko.

Meron pang kinakantahan niya ko sa phone at sa room namin si jhex nag gigitara kaya yung mga inggitera walang humpay din sa pag irap sakin natatawa nalang ako pero sorry nalang sila mahal ako ni kevs eh.

May gimik pa siya na ginawa na sobrang kinabahan talaga ko kasi hindi ko inaasahan na magagawa niya yon. Hinila niya ko papunta sa kotse niya hindi ko alam kung saan kami papunta nakapiring pako nang makarating na kami tinanggal na niya ung piring sa mata ko at habang nasa sasakyan niya kami nagulat ako may mga rose petals na bumabagsak at sa likod ng kotse niya may tatlong bouquet of rose at may mga chocolate pa. Pero hindi ko pinansin yon ang kinagulat ko is ung pag akyat niya sa puno ng buko pinapababa ko na siya don kasi baka mahulog siya at mahulugan ng buko alam kong hindi siya sanay sa ganon at maya maya may  hinila siya doon na isang karatula na will you be my girlfriend? Hindi daw siya baba hanggat hindi ko siya sinasagot.

Handa niya daw patunayan kung gano niya ko kamahal. Ung mga tao sinasabi na sagutin ko na daw pero ako nagdadalawang isip parin naisip ko kasi ung sabi sakin ni tatay na wag na wag akong mag boboyfriend kasi hirap na hirap daw siya pagtatrabaho tas ganon lng daw gagawin ko baka mabuntis daw ako ng maaga at hindi mapanagutan katulad sa ibang kabataan, may sakit pa ang nanay ko at sabi pa nila na titigil daw ako sa pag aaral at mabubugbog daw ni tatay kung sino man magiging bf ko mata lang daw ang wlang latay!! Kaya natakot ako ayoko mangyari yon sa kanya kay kevs hindi niya deserve yon kaya naguguluhan ako!!!!!!.

Minsan talaga sinusubok ka rin ng pag kakataon eh noh? Ilalagay ka sa position na tlagng mahihirapan ka. Ano ba susundin ko ang payo ng mga magulang ko o yung isip ko na gustong sagutin si kev dahil sa mga nangyayari ngayon. Ayokong may masaktan na isa pero kailangan kong pumili sa ngayon.

Mas pinili ko nalang na sagutin si kevs saka ko nalang sasabihin pag nasa okay na ang lahat pag magaling na si mama

Ayon na nga sinagot ko na si kevs kaya bumaba na siya at niyakap ako agad tuwang tuwa naman ang mga tao pero ako wala. Natatakot ang tanging reaksyon ko baka kasi malaman ng magulang ko pero siguro hindi naman malayo layo naman sa school ung bahay namin eh. Saka hindi pa kilala ang pamilya ko at ako kaya malabong may makakilala sakin.

Bigla nalang tumulo ung luha ko hindi ko alam kung dahil ba sa takot o sa saya dahil boyfriend ko na ung lalaking popular sa school at sobrang gwapo. Haaayst ewan. Pero hindi ko parin babaguhin pakikitungo ko sa kanya.

Nga pala binigyan ko siya ng kondisyon bago ko siya sagutin sabi ko na kailangan walang makakaalam sa school ng about samin kundi ibebreak ko siya  kaya ayon pumayag naman siya na hindi niya pag sasabi basta mapasaknya lng daw ako. . ^^

Ayos diba? Feeling ko ang ganda ko kasi gwapoo ng bf ko.HAHAHA panis sila kung alam lang nila. hahaha-,-

Mas lalong naging sweet sakin si kevs In private pag kaming dalawa lang. Minsan sa condo niya kami tumatambay baka kasi makasalubong ko si tatay sa daan habang kasama si kevs baka malintikan pa pareho kaming masaktan yoko mangyari yon hindi deserve ni kevs ang mahampas ng martilyo ni tatay. Hahah

Oo nga pala sa construction si tatay nag wowork kaya ganon nalang siya kahigpit kasi sobrang kayod kailangn sa work niya. Pero hindi mo naman kasi maiiwasan na hindi sumuway sa magulang pag nasa ganong sitwasyon ka kahit alam mo ung stado ng buhay niyo.

Ayon habang nasa condo niya kami pinagluto niya ko ng ulam at kumain na kami tinanong niya pako kung ano gusto ko at binili niya yon agad. Ni minsan hindi pa ko nag papasalamat sa knya siya lang ang laging nag iilove you samin dalawa. Intindi naman daw niya yon na siguro sa ngayon hindi ko pa daw siya mahal kaya hindi ko nasasabi. Pero tama siya.

Ayoko naman kasi magilove you sa isang tao kung hindi naman yon ung totoong nararamdaman ko. Mas masasaktan siya pag ganon kaya ayon.

Nagiging daily routine namin ang pag punta sa condo niya pag vacant namin pinapapunta narin namin sila jhex don at alam narin nila yung about samin kaya sobrang saya nila para kay kevs nung nalaman nila yon at alam narin nila ung kondisyon ko kaya nananatiling secret yung about samin ni kevs iba talaga pag lalaki yung pinagsasabihan ng secret mas mapapagkatiwalaan. HAHAHA. (pero hindi naman lahat ng babae ganon yung iba lang. Yung iba lang ha? Wag kayo magalit sakin.hihihihi.)

Next class na namin kaya sabay sabay na kami pumunta sa school nakita naman namin ung mga asungoot tinignan nalang ako ni kevs na para bang sinasabi na don't worry safe ka. Kaya hinyaan ko nalang mga titig nila. Pumasok kami sa room na para bang hindi kami ni kevs nasa sulok kasi ko lagi naka upo si kevs don banda sa unahan kaya mas okay yon sakin.

Nauuna si kevs sa canteen ng school may pinapahanda na siya don para pag pumunta na ko don hindi nako gagastos titignan niya nalang ako sa kabilang table mag kahiwalay kami ng table ako lang mag isa sa table siya rin naman nakaisip non kaya mas okay na din.

Si kevs lagi siyang gumagawa ng paraan para hindi lang kami magkahiwalay at hindi malaman ng buong school na kami. Natatawa nalang nga ko sa knya minsan eh kasi sa ilalim ng table ko sa room may sulat don lagi.

Uwian sabay na naman kami. Tas ibaba niya lang ako sa kanto ng street namin para daw hindi kami mabuking mayamya nung nakapasok na ko sa bahay tatawag siya at mag tatanong kung kumaen na bako minsan nakukulitan na rin ako tas bago matulog mag iilove you pa siya . Buti nga hindi binabasa nila tatay ung mga message sa phone ko eh at hindi sinasagot ung mga tawag. Kundi nako lagot kami ni kevs.

Ang bilis talaga ng panahon one month na kming mag on ni kevs hindi ko akalain na sa condo niya may mga nakahandang sorpresa pala siya.

Pag pasok ko nagulat ako kasi nandon sila jhex at naka assemble lahat ng instrument at tutugtugan nila Ko may dala pang bouquet of flowers si kevs pero ngumiti nalang ako. At may mga chocolate cakes pa don na naka customize kung ano ung spelling ng name ko un ang style ng cake hindi ko inasahan na cake pala yon kala ko cartolina lang na ginawang A L T H E A.

Grabe ibang klase talaga tong si kevs.

SANA PALA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon