Palermo, Sicily
"Tienilo correttamente, figliolo!" may diing sambit Señor Giovanni sa anak na si Alejandro. "Hold that gun tightly!"
Bagama't nanginginig ay pinilit na tumayo ng tuwid ni Alejandro, hawak-hawak sa dalawang maliliit niyang kamay ang mabigat na kalibre kwarenta y sinko. Dama niya sa kaniyang mga palad ang malamig na bakal na hawakan nito. Ang kulang sa isang kilong bigat ng armas ay parang napakabigat na para sa isang walong taong gulang na batang katulad niya.
Lalong lumakas ang tibok ng puso niya lalo na at nasa harapan siya ni Señor Giovanni Salvatore–ang Don ng buong Cosa Nostra El Salvatore, ang pamilyang kilala at kinatatakutan sa buong Palermo.
Sa murang edad ni Alejandro ay batid na niyang hindi isang normal na pamilya ang kanilang angkan. Kinamulatan na niya ang buhay kung saan napapaligiran ng maraming tauhan ng kaniyang ama ang kanilang buong mansiyon, at ang lahat ng mga iyon ay may hawak na iba't ibang klase ng baril at armas. It was just a regular sight for him. Sanay rin siyang hindi niya laging nakikita ang ama dahil lagi itong busy sa negosyo nito. Tanging ang kaniyang inang si Señora Aurora ang kaniyang laging kasama at mga kasambahay.
Pero magkaguyanman, kahit na gaano pa ka-busy ang isang Señor Giovanni Salvatore sa mga negosyo nito, ay hindi ito pumalya pagdating naman sa mga training niya na ito mismo ang naghanda. He never once felt a fatherly loved from Señor Giovanni, simula ng magkaroon siya ng muwang sa mundo ay agad siya nitong isinabak sa iba't ibang training. He learned different martial arts starting from the age of three; taekwondo, jujitsu, boxing and many more. Everyday he has a rigorous training, walang palya iyon. Kapag tumanggi siya ay kailangan niyang harapin ang kapalit nitong parusa; na mas malala pa sa training niya. He was the living proof of how cruel and ruthless his father was.
"Focus, figlio! Don't let the weight of the gun intimidate you. You should learn how to hold it correctly." His father's eyes were staring at him intensely.
He knew that stare very well, at alam niyang kailangan niyang paghusayan ang itinuturo nito. Alejandro nodded, saka muli niyang itinuon ang pansin sa hawak na baril. Bagama't regular na sa kaniyang makakita nito, pero ito ang kauna-unahang pagkakataong nakahawak siya nito.
Hindi alam ni Alejandro kung bakit ganoon na lang kalakas ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang baril na hawak. In his young mind, he knew what a gun was capable of. He saw his father's right-hand man, his Uncle Benedict, use it in a man in the dungeon. His first experience of seeing brain and blood mixed and splattered on the floor. And that scene left him with many sleepless nights.
"You saw that box? Inside of it is a pollo...shoot it until you k*ll it," ang walang emosyong tinig ni Señor Giovanni ang muling nagpabalik ng diwa niya sa kasalukuyan. Hindi niya namalayang lumipat na pala sa bandang likuran niya ang ama.
"Chicken? It couldn't be–" his eyes went wide when realization of what had his father said dawn on him. Nahinto ang tumatakbo sa isipan ni Alejandro ng maramdaman niya ang pagtapik ni Señor Giovanni sa kaniyang balikat.
"Don't let your mind wander when you are holding a gun. You should focus on what is in front of you, Alejandro. Remember when you hold a gun, you should be ready to fire it," saad ni Señor Giovanni sabay pisil nito sa balikat niya.
Napangiwi si Alejandro ng maramdaman ang kuko ng ama na bahagyang bumaon sa kaniyang balikat. "Is it the pollo which I..." sambit niya ng sa wakas ay nahagilap niya ang tinig. Pero kahit siya ay halos hindi rin marinig ang sinabi dahil sa pabulong niyang pagkakabigkas.
"Are you saying something?" salubong ang mga kilay na muling harap sa kaniya ng ama. "Make your voice louder so I can hear you," maawtoridad nitong sabi.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO (El Salvatore: Mafia Royals Series)
De TodoBLURB: Alejandro Clark Salvatore was the first born son of the Salvatore clan, the clan that holds high power in mafia world. His father expected more of him. Sa murang edad ay totoong baril na ang hawak niya, instead sa laruan. Hindi niya naranasan...