PAGHAHANAP 2

12 2 8
                                    

Rosabelle's POV

NAPAUPO ako ng malaman kong nawawala si Luella. Nasaan ka? Inilibot ko ang tingin sa mga taong naririto sa Mabuhay Hall, ang pamilya na lang ni Luella at ang mga kaibigan na lang niya ang naririto at mapapansin mo ang pagod sa kanilang mga mata, ibig sabihin mula pa kanina nang mawala si Luella. Huwag niyong sabihin na pagkayaring-pagkayari ay umalis na ito?

"Tama." Napatingin ako sa taong tumabi sa akin. Salome Ramientos, ang kaibigan ni Luella na kung ihambing niya ay kasing-ugali ko.

"Kanina pa siya nawawala magmula ng matapos ang mismong event. Tanging toga at mga sobre na lang ang naabutan namin." Pagkukwento nito at mahihimigan mo ang kalungkutan sa boses nito.

"Bakit?" tanong ko. Nagkibit balikat ito at humugot muna ng buntong hininga bago ako sinagot.

"Hindi rin namin alam, humingi lang siya ng tawad at salamat base rito sa liham niya sa amin. Wala kaming mahanap na clue kung nasaan siya o kung saan siya nagpunta." Agad kong iniiwas ang tingin ng pawang nanunubig na ang mga mata nito. Naagaw ng pansin ko ang sobreng inabot niya sa akin kanina.

Bakit parang ayaw kong buksan? Ngayon lang yata ako nag-alangan basahin ang mga sulat niya para sa akin. Madalas kasi, excited ko pang binubuksan ang bawat sobre o sulat na meron siya para sa akin pero bakit ngayon ay nagdadalawang isip pa ako? Baka kasi sa dami ng gratitude letter niya ay ito na ang huling liham at patawad pa ang laman.

"Buksan mo na at basahin baka sakaling sinabi niya sayo kung nasaan siya," pag-uudyok sa akin ni Salome. Wala akong nagawa kundi ang buksan ang sobre. Kagaya kanina ay amoy na amoy ko ang madalas na pabangong ginagamit niya sa bawat liham na kaniyang ginagawa.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago pikit-matang sinisilip ang unang bahagi ng liham.

Hi Bulaklak! It's me again, writing you a letter. Matagal na rin ang huli diba, grade 12 pa yata tayo 'yong huli. So, this is not my typical letter for you that every special occasion I always wrote you one, but you can consider this as one because it's our special day, it's our graduation day! Congrats sa iyo dahil natupad mo na ang pangarap mong makapagtapos ng kolehiyo. Alam ko rin na makakaya mo once na naging isang guro kana talaga, you're very good teacher someday, and probably by next year.

Isa lang din gusto kong sabihin sa iyo, iyon ay thank you for being my best friend kahit na minsan ay nakalilimutan ko ang konsepto ng salitang iyon at nagagawa kong magtampo sa iyo tuwing hindi mo ako nabibigyan ng time. I forgot how it works that even we do not talk for days and months we're still besties. I forgot that you had your own life and you're also dealing with it through the time. I thought, I lose you because of that but I was wrong because I am the one who's not there for you especially for your hard battles. You can survive it by yourself, you surprassed it by your own hardship and I admire you for that because you're strong and independent woman. And, I felt guilty because of that, I was guilty because of my own thought of your action. I'm sorry if I distant myself at you. Sorry for not telling you, sorry for every day that I was not there to support you. But I'm manifesting to have your forgiveness soon, that our friendship was not broken and turn into pieces. Because, I cannot afford of losing you because you are part of my other half.

Take care always and goodluck for your journey. See you when I see you Bulaklak. Mamimiss kita.

Ps. Before I forgot, may gift pala ako sayo tignan mo na lang sa likod ng tricycle ni Pudra. Nakalagay iyon sa green na paper bag, kasama ng regalo ko sana para kay Sais. If ever man na ikaw ang puntahan niya o if ever man na tuparin niya ang pangako niya, paki-abot na lang sa kaniya. Salamat, hanggang sa muli Bulaklak!

-Luella

Patago kong pinahid ang umalpas na luha galing sa mata ko at pigil na pigil gumawa ng ingay kaya dahan-dahan ang ginagawa kong pagsinghot. Maya-maya lang ay may lumitaw na panyo sa harap ko, napatingin ako doon at nawala sa loob kong nasa likuran ko nga lang pala si Sandro.

Nasaan si Luella?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon