PAGHAHANAP 9

0 0 0
                                    

Someone's POV

THREE YEARS AGO...

"Yloisa! Hintayin mo naman ako!" Hinihingal na habol ni Eloy sa dalaga.

"Dalian mo Eloy! Ang bagal mo naman!" Natatawang sagot ni Yloisa habang mas binibilisan pa ang pagtakbo.

"Gotcha! Kahit kailan talaga ang tulin mong tumakbo!" Nakangisi na ring tugon ni Eloy nang mahuli si Yloisa.

Si Yloisa ay isang masayahing bata. Matagal na itong kalaro ni Eloy mula ng malipat siya sa Palacio's General Hospital. Si Yloisa ay isang young cancer patient na nasa pangangalaga rin ni Dra. Maniego. Limang taon ang bata noon ng malaman ang kondisyon nito at ngayon nga ay nasa sampung taong gulang na ito.

Si Eloy naman ay isang Filipino nurse dito sa Palacio's General Hospital. Karamihan sa mga kasamahan nito ay mga foreigner. Kaya nahihirapan din makipag-socialize itong si Eloy. Mabuti na lang at isang Filipino ang pasyenteng na-assign sa kaniya. Mabilis niya rin nakasundo ang bata kahit pa kabaliktaran ito sa kumakalat na balita.

Noong mga bagong araw ni Eloy sa hospital kalat na ang balita tungkol sa isang batang babae. Masyadong makulit daw ito at talagang pinagtitripan ang mga nurse at doctor. Ang batang si Yloisa nga rin ang naging dahilan daw kung bakit nagkaroon ng bakante sa hospital. Halos tawagin nga ni Eloy lahat ng santo huwag lang mapunta sa nababalitang bata. Hanggang sa...

"Nurse Eloy, room 205. Yloisa Madrid." Natatandaang anunsyo ni Nurse Gin, ang head nurse dito sa PGH.

Aminadong nahirapan si Eloy pakisamahan ang sampung taong gulang lalo pa at ayaw niya sa bata. Halos sumuko siya sa kakulitan at kapilyahan ng bata hanggang isang araw, nagbago ang lahat ng...

"Kuya Eloy, sana hindi ka umalis tulad ng mga naging nurse ko rito ah. Ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng kasing gwapo mong nurse e'." Natatawa mang tugon ng bata ngunit kapansin-pansin ang kalungkutan sa mga mata nito. Huli na nang mapag-alaman niyang noong araw din na iyon ang operasyon nito.

Kaya imbes na sagutin at salungatin ang sinabi ng bata, siya na mismo ang sumama sa loob ng ER para dito. Napabalita kasing may willing maging heart donor niya. Kaya oramismo, isinagawa ang operation. Nagtaka pa nga si Eloy nung wala siyang makitang guardian ng bata, ang balita lang ay through email ang pagkausap at pagbibigay ng update tungkol sa kondisyon at improvement nito.

Naging successful ang operation ni Yloisa, si Eloy ang nag-alaga sa kaniya. Nakapapanibago ang katahimikan sa magulo nitong silid kaya naman si Eloy ang gumagawa ng kakaibang pakulo para pasayahin ang bata. Binabasahan niya ito tuwing gabi at kinukwentuhan tuwing umaga. Ganoon lamang ang naging routine ni Eloy hanggang sa bumalik ang sigla ng bata.

"Eloy! Nurse Gin calling you at the nurse ward." Bati sa kaniya ng isang katrabaho. Tumango at sumenyas lang ito ng 'okay' at binuhat na si Yloisa pabalik sa loob.

"Eloy, are you going to leave me?" biglang tanong ni Yloisa habang nakayapos kay Eloy.

"Silly. I'm not going around hmmkay. Ihahatid lang kita sa silid mo tapos babalikan kita mamayang tanghali, is that okay with you?" Bumalik ang masiglang ngiti ng bata at magiliw na tumango.

"A'right, lezzgo!"

PAGDATING sa nurse ward, bumungad sa kaniya ang kakaibang ambiance nito. Unti-unting nabura ang mga ngiti ni Eloy lalo pa masyadong tahimik at seryoso si Nurse Gin doon.

"Nurse Gin, what can I do for you?" Tinapunan lang siya nito ng saglit na tingin bago muling ibaling ang atensyon sa ginagawa.

Pansamantala munang hindi nagsalita si Eloy nang...

Nasaan si Luella?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon