Crissia Yummie Fortaliza
Hello everyone, welcome to my world! I'm Crissia Yummie Fortaliza 21 years old.
Kasalukuyang pababa ako sa hagdan patungo sa aming dining area dahil naroon na sina kuya kumakain kasama ang aking pinsan.
"So, mamaya kana pupunta doon?" tanong ni kuya Cylve nang ako'y kaniyang nakita.
Meet my kuya, Cylvester Fortaliza 30 years old. May itim na buhok at mata, maputing balat, malaki ang pangangatawan at 6'3 ang height. Siya ay may napatayo ng sariling kompanya at iyon ay ang C.F modeling agency.
"Sumabay kana sakin mamaya." wika naman ni Rys.
Meet my cousin, Drystan Fortaliza 22 years old. Siya ay 4th year college na rin tulad ko at kasalukuyang pinu-pursue ang kurso na business administration sa Realson's Academy.
Kung nag tatanong kayo bakit kaming tatlo lamang ay nasa New York sina mom and dad dahil sa kanilang business trip.
• • •
Nandito na kami ngayon sa parking lot ng Realson's Academy.I was wearing white long sleeve pair with black skirt and black sandal.
"Hindi ka pa ba lalabas?" tanong ni Rys na nasa driver seat.
Tumingin muna ako sa labas at may nakita akong groupo ng mga kalalakihan na masamang nakatingin dito sa kinaroroonan namin.
"Mauna kana." Iyon na lamang ang sagot ko sa kaniya.
Tanging tango lamang ang isinagot ni Rys sakin at naunang lumabas.
Maya maya pa ay may isa pang groupo ng kalalakihan na lumapit kay Rys at nakipag-apiran ang mga ito sa kaniya.
Mga kaibigan niya siguro. Ang iba sa kanila ay pamilyar sakin ang mukha sapagkat sila ay anak ng mga sikat na politiko, artista, modelo, business man and woman.
Bumuntong hininga naman ako saka binuksan ang pinto sa passenger seat.
Ramdam ko naman na bumaling sakin ang mga attention nila.
Lumapit sakin si Rys at nagyayabang pa talaga na umakbay sakin.
"Girlfriend mo, Drys?" nakangising tanong ng lalaking kaapiran ni Rys kanina.
Drystan chuckled.
"Nope. Meet my cousin, she's Crissia Yumie Fortaliza. Cris, mga kaibigan ko."pakilala sakin ni Rys at sa mga kaibigan niya.
Ngumiti lamang ako sa kanila. Nag si tanguan naman sila maliban sa isang lalaki na walang kaemo-emosyong nakatitig sakin.
"Tsk!" asik nito at tumalikod kaya nauwi sa pagngiwi ang aking ngiti.
Ma-attitude huh!
"Samahan mo na nga lang ako sa administration office, Rys." tanging sambit ko.
• • •
Habang nilalakbay namin ang hallway patungo sa administration office naging seryuso ang mukha ni Rys maging ang mukha ng kaniyang mga kaibigan.
Ang mga kalalakihang nakakasalubong namin ay iba't-ibang klase ng tingin ang kanilang binibigay samin.
Matalim ang tingin na parang may binabalak na masama, meron ding seryuso, gulat ang mukha. Karamihan sa kanila ay binibigyan nila ako ng ngisi, ngising hindi kaaya-aya. Ang iba ay nakatulala pa.
Ngayon lang ba sila nakakita ng d'yosang katulad ko?
Chariz! Ang hangin ko naman.
• • •
YOU ARE READING
Student Teacher #1: Crissia Yummie Fortaliza (COMPLETE ✅)
RomanceStudent Teacher #1: Crissia Yummie Fortaliza Crissia Yummie Fortaliza a Bsed graduating student from Heaven Academy. In order to graduate she need to do a teaching demonstration for three months at Realson's Academy. Realson's Academy, pribado, mala...