Prologue

780 21 0
                                    

7:30am na nang nagising si Crissia kaya naman nagmamadali siyang kumilos upang makaabot sa kanilang meeting tungkol sa kanila teaching demonstration.

Well she's a graduating student of Heaven Academy and her course is bachelor of secondary education major in english.

"Mang Alberto, pakibilisan po sa pagmamaneho mala-late na po ako." Utos ni Crissia sa kaniyang driver.

"Malapit na po tayo, ma'am." Tanging sagot ni Mang Alberto.

Pagkadating ni Crissia sa Heaven Academy ay lakad-takbo kaagad ang kaniyang ginawa. At dahil malawak ang akademya may kalayuan din mula sa gate ang department ng education kaya nang dumating si Crissia sa kanilang room tapos na ang meeting.

"Crissia!" Tawag ng isang babae pagkapasok ni Crissia sa kanilang room.

It was Crissia's friend, Alexandrea.

"Ba't ngayon ka lang?" Nakapameywang na tanong sa kaniya ng kaibigan.

Itinaas ni Crissia ang kaniyang isang kamay upang patigilin ang kaibigan. Hiningingal siyang napaupo.

"Lakad-takbo na nga ginawa ko, late pa rin ako!" Inis na sambit ni Crissia.

"Yes girl! Kakatapos lang ng meeting." Wika ni Alexandrea at tumabi kay Crissia. "By the way, magkaibang akademya tayong dalawa para sa demo teaching na magaganap."

Napahawak si Crissia sa kaniyang dibdib at bahagya pang tinaas ang kilay. "Ay bakit?"

"Di ko 'rin alam. Lahat tayo dito ay nahati sa tatlong akademya ngunit ikaw nag iisa ka lang sa Realson's Academy na naka-assign." Nakangusong sambit ni Alexandrea.

"Realson's Academy?" Singit ng kanilang kaklase.

"Oo, hindi ka ba nakinig sa meeting kanina?" Kunot noong tanong ni Alexandrea.

Nagsimula namang umingay ang kanilang silid.

"Problema nyo sa akademyang iyon?" Crissia's brows furrowed.

"Sabi-sabi ng iba nakakatakot daw ang mga nag-aaral doon."

"Paaralan daw yon ng mga kalalakihang masasama."

"Karamihan daw na nag-aaral doon ay nasasangkot sa mga gang war, gang war na 'yan."

"Kung ako sayo mag pa-assign ka na lang sa ibang akademya."

Sunod-sunod na sambit ng mga kaklase ni Crissia.

"Baka naman sinisiraan lang nila." Baliwalang sambit ni Crissia dahil ang pinsan niya ay doon rin nag-aaral at wala naman siyang nabalitaan na masamang nangyayari doon sa nasabing akademya.

"Kaya nga." Sang-ayon ng kaibigan ni Crissia.

"Yung kaibigan ng kuya ko bugbug saradong umuwi, nag-aaral yon sa Realson's Academy."

"Bahala na 'To see is to believe' hanggat di ko naman nakikitang masama ang akademyang iyon gura pa rin ako. The important is to graduate on time so I need to do the teaching demonstration on Realson's Academy saka three months lang naman kaya yan." Simpleng wika ni Crissia sa mga kaklase at nakipag-apiran pa kay Alexandrea.

"Anong kaya? Kababae mong tao, Crissia at yung mga nag-aaral doon ay puro kalalakihan." Mataray na sambit ng babaeng kaklase ni Crissia.

"And so? Hindi ako takot sa kanila." Sambit pa ni Crissia.

"Basta, mag-iingat ka pag nandoon kana." Wika pa ng lalaking kaklase ni Crissia.

Crissia give him a playful smirked. "Anong mag-iingat? Sila ang dapat na mag-ingat mula sakin."

.....
Votes and comments are highly appreciated!💗

Follow me on my social media accounts;

Fb: Maystearypiece Wp

Gp: Maystearypiece Story Updates

Pg: Maystearypiece Stories

Student Teacher #1: Crissia Yummie Fortaliza (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now