Chapter 5

907 20 0
                                    

Crissia Yummie Fortaliza

Pabalik ako ngayon sa room ng section M, kasama ko si  Ronald. Ronald is from other academy and currently taking BSED-English course, his also here for teaching demonstration, his 22 years old. Siya ang naging kaibigan ko dahil everytime na may meeting kami about sa aming demo together with our instructor ay siya lagi ang aking katabi.

Nakakailang man ngunit nag-iisang babae lamang ako dito sa academy pero kahit ganoon ay ayos lang, may naging kaibigan naman akong parang babae 'cause Ronald is a gay.

Napakabruskong tao pakinggan ang kaniyang pangalan ngunit iyon ang totoo, bakla si Ronald.

"Sige, Crissia, dito na ako." nakangiting wika niya, tinuturo ang room na papasukan niya.

When I'm in front of section M class room my forehead creased. Nagtataka kung bakit walang tao, nakasirado pa ang pinto pero hindi naman naka-lock.

Pumasok ako at umupo na lamang, nag hihintay sa kanilang pagdating.

"Bakit late kayo? Hindi niyo ba alam na may schedule pa kayo sakin now?" masungit na tanong ko sa kanila.

Buti na lang at walang mag-oobserba sakin ngayon.

"May ginawa lang kami." sagot ni Marzo saka sila nagsiupo sa kani-kanilang upoan.

"Where's Xyvion?" takang tanong ko sa kanila dahil wala ito.

"Bakit mo naman hinahanap si Pres? Nandito naman kami ah!" Sambit ni Halston.

Siraulo! Alangan namang hahanapin ko ang taong nandiyan?

"Wag mo naman ipahatang miss na miss mo si Pres, miss Crissia!"

"Kaya nga! Olats tayo, pre."

Tinarayan ko na na lamang sila "Never mind." wika ko.

"Tss." asik ng nasa pinto kaya napatingin ako doon.

"Oh! Akala ko ba patay kana?" Parang gulat na wika ko sa kanilang president at ngumisi.

Inirapan lang ako nito bago siya umupo na sa upuan nya.

"ANNOUNCEMENT!  TO ALL REALSON'S ACADEMY STUDENTS, TEACHER'S AND STUDENT TEACHER PLEASE GO TO THE GYMNASUIM!"

"AGAIN, TO ALL REALSON'S ACADEMY STUDENTS, TEACHER AND STUDENT TEACHER PLEASE GO TO THE GYMNASIUM!"

Paulit-ulit iyon mula sa speaker na nakakabit sa lahat ng room.

Anong meron?

"Let's go." malamig na wika ni Xyvion saka niya ako hinila at sumunod naman ang iba.

Habang nag lalakad kami ay kitang-kita sa mga mata at galaw ng ibang istudyante ang takot at pagkabalisa. Wala na sakin ang attention nila tuwing sila ay aking nakakasalubong.

Napatingin naman ako kay Xyvion, nasa tabi ko ito seryuso na naglalakad habang napakadilim ng aura ang nakapalibot sa kaniya.

Nakakakilabot ang kaniyang presensiya but, somehow I feel safe.

While we're walking I turned my head over my shoulder, halos seryuso ang expression ng mga kaklase ni Xyvion.

Binalik ko ang aking paningin sa harapan. "Is there something wrong?" I whispered to Xyvion.

Hawak-hawak niya ang aking braso na para bang isang bata ako na pinapa-uwi ng magulang mula sa galaan.

He inhaled some air and exhaled. "None."

"Wag ka lang hihiwalay samin, miss Crissia, lalo na kay pres." wika ng nasa likuran ko.

Tumango lang ako kahit 'di ako ako nakaharap sa kanila.

Student Teacher #1: Crissia Yummie Fortaliza (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now