Ilang oras ng nag-aabang sa may parking lot si Summer para matiyempuhan ang taong ilang araw na niyang minamatyagan.It's now or never...kailangan nang maisagawa ang kanyang plano,
Papalabas na ng kanyang opisina ang taong kanyang inaabangan.Dapat ay magiging kapani-paniwala ang kanyang gagawin para di pumalpak ang kanyang plano. Nakasuot siya ng maong shorts at floral dress which shows and nagsasabing hindi siya pangkaraniwang babae lamang. " ahh, excuse me, Sir..." habang nakatingin sa lalaking nakakunot ang noo na nakatitig sa kanya habang papalapit sa kanyang sasakyan..Ang lakas ng tibok ng kanyang puso sa kabang kanyang nararamdaman,"Huwag sanang makahalata itong Adonis na ito" "maaari ba kitang maabala kahit sandali lang?nagloloko kasi itong sasakyan ko pwede bang pakitingnan sandali.
Pinasadahan muna siya ng tingin ng lalaking adonis at nagpalinga- linga,pagkatapos ay alanganing ngumiti sa kanya at pumasok sa kanyang sasakyan.Iniabot naman niya ang susi at sumunod na sumakay.Sinamantala ni Summer ang pagiging abala ng lalaki habang ipinapasok nito ang susi sa ignition key.Itinurok niya ang nakahandang injection na pampatulog sa katawan ng lalaki.
Nasisiyahang pinagmasdan ni Summer ang katawan nito na nakahandusay sa loob ng kanyang sasakyan.mayamaya ay inayos nito ang pagkakapuwesto sa kanyang sasakyan at pasibad na umalis sa lugar na iyon.....
Papalubog na ang araw nang sapitin ñi Summer ang lugar kung saan nakahanda na ang sasakyang maghahatid sa kanya at sa lalaking kanyang kinidnap patungo sa lugar na tanging siya lang ang nakakaalam at piling taong pinagkakatiwalaan.
Pinasan na ng isang tao ang walang malay na katawan ng lalaking kinidnap ni Summer.Isinakay nila ito sa isang sasakyan." Maraming salamat Theo,ako na ang bahala sa kanya.Ingatan mo ang sasakyan ko at ikaw na muna ang bahala sa mga maiiwan ko." sambit ni Summer habang pasakay sa sasakyan." Mag-iingat ka pa rin Honey, hindi mo pa masyadong kilala ang lalaking iyan.Talaga bang sigurado ka na sa desisyon mo na yan? may pag aalalang tanong nito sa kanya."Buo na ang desisyon ko at di na ito magbabago.Isang buwan lang ang hinihingi ko Theo,pagkatapos nito magbabalik na sa normal ang lahat."may magagawa pa ba ako,sige na at ako na ang maghahatid sa inyo ng makapagpahinga na ako tsk!tsk!tsk!"
Pagdating nila sa isang lugar,muling pinasan ni Theo ang lalaki at ipinasok sa rest house. ang lalaking tutupad sa mga planong binuo ng babaing malapit sa kanyang puso.Inihatid ito ni Theo sa isang silid . Silid na magsisilbing langit at impiyerno sa lalaking napili ni Summer.
BINABASA MO ANG
Unreachable
General Fiction"Alam kong napakalayo ng agwat ng mundo mo sa daigdig ko, but who cares kung may paraan naman para makasama ka kahit saglit lang at gagawin ko iyon by hook or by crook" Ang pangako ni Summer sa sarili habang nakatitig sa larawan ng lalaking matagal...