Doubts

5 0 0
                                    

Matamang pinagmamasdan ni Summer ang bawat galaw ng pagsubo ni Thunder sa pagkaing kanyang  inihanda para dito. "Sana ay mapatawad mo ako sa gagawin ko Thunder, sinusunod ko lamang ang isang bagay na sigurado akong habang buhay kong tatanawing utang na loob sa iyo at patawad na rin dahil nalalaman kong ito'y against on your free will, but it is the only way para matupad ang lahat."

Pumasok ng banyo si Thunder  pagkatapos kumain at sinamantala naman ni Summer ang pagkakataon para kunin ang pinag kainan nito....Malinis na ang lamesa ng siya ay lumabas. Muling pinagmasdan ni Thunder ang silid na pinaglagyan sa kanya. Maihahalintulad niya talaga ito sa isang silid ng mga sikat na hotel na kanyang nakita ngunit ang tanging pinagkaiba lamang nito ay iisang bintana lamang mayroon ang silid na kanyang kinalalagyan.

"Ano ba ang kailangan sa akin ng babaeng ito? Naku naman, marami pa naman akong nakalinyang meetings at seminars na dapat puntahan! What the hell is happening! ang tanging nasambit niya habang inililibot ang paningin sa bawat sulok ng silid na kanyang kinaroroonan.

Si Summer naman ay abala  sa paghahanda sa fruit juice na kanyang naisip na ihanda para kay Thunder. Kinuha pa niya ito sa punuan ng mga prutas na nakatanim sa may likuran ng house resort na kanyang pinagdalhan kay Thunder. Wala siyang planong gutumin ang lalaking nasa kanyang mga palad sa pagkakataong ito. Matagal na panahon ang kanyang hinintay para mangyari ang ganitong pagkakataon at susulitin niya ito dahil once na pinakawalan niya si Thunder ay hindi na niya kontrolado ang mangyayari. Maaari siyang ihabla ni Thunder iyon ay kung makikita pa siya nito.

Dahil sa pagkainip, naisipang halungkatin ni Thunder ang nakasalansang bala ng DVD sa kanyang kwarto para makahanap ng palabas nang hindi siya mawala sa katinuan sa pag iisip kung bakit ginagawa ito sa kanya ng isang babae. "For God sake , hindi naman ako masamang tao at wala akong matandaang babae na naagrabyado ko dahil sinisiguro ko na bago ako makipagkasintahan sa iba ay wala na kami ng babaeng nakakarelasyon ko. 

Halos di makapaniwala si Thunder sa kanyang nakikita, puro pambabae ang mga bala ng DVD na naririto romance, love stories, at may erotic pa! Anong klase ng babae itong kumidnap sa akin?Ano ba ang balak niya at naisipan niyang gawin akong bihag sa loob ng isang buwan? Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip, ano nga ba?

Isang sulyap pa ang ginawa ni Summer sa monitor at pumasok na sa loob ng kwarto ni Thunder dala-dala ang fruit juice na tinimpla. Inilapag niya ito sa mesa sa tabi ng inuupuan ni Thunder at inaya itong mag-meryenda. Napansin niya ang mga nagkalat na bala ng DVD at binuksan ang isang kahon na nakalagay sa isang sulok at inilapit ito kay Thunder. " Heto, dito ka pumili baka sakaling may magustuhan ka diyan.

Inabot naman ito ni Thunder at tiningnan ang iniabot ni Summer. Action,Horror, Adventure,Science Fiction, Humor, Historical at General Fiction. Aba, at halos lahat ng genre nandito na at puro bago pa!Napatingala naman siya sa babaeng nakamasid sa kanyang ginagawa " Balak mo ba akong buruhin sa kwartong ito? Una, nilagyan mo ng kadena ang mga paa ko para di ako makalakad at hanggang kwarto lang ang maabot ko. Pangalawa, heto itong mga DVDs nagsasabing dito ka lang sa kwartong ito at panoorin ako. Baliw ka ba talaga?

Ngumiti lamang si Summer at umupo sa katapat na upuan ni Thunder. Ipagpaumanhin mo, pero siguro nga nababaliw na ako pero, sinisiguro ko naman na pagkatapos ng isang buwan ay palalayain kita, huwag kang mag-alala dahil di mo na ako makikita at babalik ka na sa normal mong buhay. Sa ngayon ay hayaan mo munang kunin ko ang iyong panahon. Huwag kang mag-alala dahil alam kong magugustuhan mo rin ang gagawin natin sa loob ng isang buwan." At lumabas na ng kwartong iyon si Summer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnreachableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon