CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Nagising ako ng dahil sa alarm clock ko na tumutunog sa buong kwarto agad agad akong napabagon at pinatay iyon nakayuko akong pumasok sa loob ng banyo at ginawa ang morning ritual ko

Isang linggo na nga pala ako na nasa paaralan na ito at isang linggo na din akong pagod na pagod dahil sa mga pang bubully nila sakin.

Pagkatapos ko magayos ay inayos ko na ang mukha ko bilang nerd at kinuha lahat ng gamit ko bago bumaba ng kwarto at mabilis na kumain bago umalis.

Dumiretso muna ako sa supermarket upang bumili ng energy drink. Kitang kita ko ang pagkadisgusto ng mga taong nakakasalubong ko dahil sa mga judgemental na mukha na pinapakita nila at sa mga bulong bulungan na naririnig ko

'bakit pa sila bumubulong kung naririnig naman sila? tch.'

Habang naglalakad ako ay bigla namang may bumangga sakin na ikinalingon ko dito dahil sa pagkabagsak ko sa daanan

"sakit!" impit na sabi ko na ako lang nakakarinig. Tinignan ko ng masama ang nakabangga sakin at tinignan ito mula ulo hanggang paa

"Hey miss.. pfftt-" di na nasabi ang sasabihin nito ng tumayo ako at tinalikuran siya.

"M-miss! pfft- sorry" sabi ng lalaki kaya tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.. at tinarayan. Well pogi siya, maputi, parang koreano, matangos na ilong, mapulang lab--

'anong tong pinagsasabi mo ariella?!' inis na sabi ko sa isip ko at tinalikuran siyang muli at naglakad tinignan ko ang orasan ko at ....

"Oh shit! malalate nako!" sigaw koo na ikinarakaw eksena ko sa mga tao at pinagbubulungan ako tsk

Di ko na sila pinansin at naglakad nalang ng may halong inis at di na din pinansin ang taong tumatawag sakin i don't care at all.

Pagkadating ko sa school sa 3minutes nalang at magsisimula na ang klase kaya tinakbo ko ang pagitan ng Parking lot hanggang open field at sa pinaka dulong bahagi ng matataas at matatayog na building hanggang sa makarating ako sa destinasyon ko

'Kapagod deputa!' tinignan ko ang orasan at late ako ng 7minutes arggh! kasalanan to ng lalaking yun eh!

Kumatok ako sa pintuan at nagbukas naman iyon at bumungad sakin ang physics teacher namin yumuko ako at nagpaumanhin at sinabi kung bakit ako nalate

Tinaasan lang ako nito ng kilay at pinapasok din naman agad kaya napahinga ako ng malalim ng makaupo ako sa upuan ko upang humabol ng maraming hininga hayst napagod ako dun ah?!

~FASTFORWARD~

Pagkaring ng bell at iyon na ang oras ng breaktime kaya dumiretso ako agad sa library at doon tumambay. Walang katao tao at sobrang tahimik ng buong paligid.

Naglakad ako papunta sa pinakadulo ng library at pinuwesto doon ang gamit ko bago maghanap ng libro na mababasa. Pag kakuha ko naman ng gamit ko ay agad ko itong binasa at napakunot noo ng may maramdaman ng presensya ng tao...

'napaka familliar ng presensiya neto...'

"Lumabas kana kung san ka man nagtatago." ani ko at mahinang tono na alam ko na maririnig nito

Narinig ko naman ang yapak nito at ang pagurong ng upuan sa harap ko.

"Ngayun nalang ulit ako nakakita ng tao dito sa library." rinig kong sabi ng isang tao na ikinaangat ng ulo ko at tinitigan ito...

'oh shit.'

"Hi I'm Valdavien Nicholai Guererro" nakangiting ani nito na nakapagpagsingkit ng mata nito... Iniangat nito ang kamay nito na agad ko namang tinanggap ng makapagrealize ako

"U-uhmm... Ariella.." ani ko at nakita ko naman ang pagtango nito tinanggal ko agad ang pagkakahawak kamay namin dahil sa isang malakas na bultahe ng kuryente ang aking naramdaman

"Beautiful name such a beautiful girl like you miss ariella" nakangiting usal nito kaya nginitian ko nalang ito

'napaka bulero mo talaga val.'

Nagbasa ulit ako ng libro at di nalang siya pinansin. Ngunit ramdam na ramdam ko ang pagtitig nito saakin na di ko nalang binigyan ng pansin.

"Miss ilang taon kana?" tanong ng kaharap ko kaya tinignan ko ito at nginitian bago sumagot "seventeen" maikling sabi ko at binalik ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro

"Bakit ka dito nagara--" di na nito natapos ang sasabihin ng may isang presensiya akong napansin dahil sa pagpasok nito sa loob ng library lumingon ako dito at nakita ko ang tao na di ko inaasahang makita.

"Val andito ka pala." sabi ng lalaki sa malamig na tono may kasama itong walong lalaki at dalawang babae na tinititigan ako

uhm... bakit sila andito?

"Ay hindi wala ako dito anino ko lang to" pabalang na ani ni val at ngiting wagi na tinignan ang nasa harap namin na nakatitig saakin

kung nakakamatay lang siguro ang titig nila siguro abo nako ngayun?

"Who is she val? di ko alam gusto mo na pala ang tipo--" di na natapos ang sasabihin niya ng tumayo ako at kinuha ang gamit ko

"Nice to meet you again Valdavien. See you Around." ani ko at umalis na loob ng library.

"Her presence is so familliar to me guys" rinig kong ani ng isang babae na ikinangisi ko nalang...

Bago ako dumiretso ng room ay dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng sandwich pagkatapos ay dumiretso nako sa room ngunit bago pa ako makarating ay may biglang nagtakip sa bibig ko at naamoy ang hindi inaasahang amoy... oh shit...

And everything went black.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

A/N: Hiii guys! kindly support me on Twitter, Neobook, Tiktok, Facebook and Instagram!🤍🤍🤍

Twitter:@ShiWriter

Neobook:Shi_Dumpy

Tiktok: Shi_Dumpy

Facebook Page: ShiDumpy

Instagram: @ShiWriter

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hidden Face in Her MaskWhere stories live. Discover now