CHAPTER 1

742 14 0
                                    

Chapter 1: The Invitation

Marsh Lahm's Point of View

"PRETTY PLEASE, my lovely cousin," Sabi ni Stacey at humawak sa kabilang braso ko, habang abala naman ako sa paglilinis ng baso. Stacey is my cousin and she owns the coffee shop that I'm working at. Mabuti na lang at kahit paano ay tinanggap niya ako kahit high school graduate lang ako. So basically she's my boss. Maraming nagsasabing natanggap lang ako sa trabaho dahil pinsan ko siya pero hindi ko na lang ito masyadong binibigyan ng pansin at oras. Stacey is the boss, so she could do whatever she likes— hiring me is one of them. Besides, Stacey tells me every time that I got hired because I'm hard working enough to work in her coffee shop. I badly need a job, so here I am now washing all the dishes. And who needs a goddamn diploma if all you have to do is serve coffee and wash dishes?

I glanced at my Stacey over my shoulders. That's when I noticed she has a pretty face, round brown eyes. She got a high bridge nose and pink kissable lips. Kaya lahat ng lalaki napapatingin sa kanya. Pero ilang beses niyang sinasabi na ayaw niya sa ilong niya dahil isa ito sa insecurities niya. Napapailing na lang ako sa tuwing sinasabi niyo ito. She is pretty and far too different from me. Especially that she's wearing a yellow dress that compliments her white skin pairing it with an expensive black sandals.

"Marsh~," She said in a singsong voice.

"Isang beses lang ako ikakasal. And I want you to be there. Bibigyan naman kita ng day-off makapunta ka lang sa kasal ko." Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Pretty pretty pretty please? You are one of my bridesmaid. Hindi ako makakapayag kung hindi ka dadalo. And trust me, magtatampo talaga ako sayo ng sobra, hmpf."

"Alam mo naman kung bakit hindi ako makakapunta, diba? I'm working non stop. Hindi ako pwedeng magpahinga. Isa pa, walang mag aalaga kay Marco." Sabi ko naman. Sino naman ang ayaw umattend sa isang kasal? Kahit gustuhin ko man wala din akong magagawa. I'm working at her coffee shop at daylight and doing a waitressing job at night. Who got time for a day-off if you have bills to pay and a brother to take care of?

"Isama mo si Marco, pinsan ko rin naman siya." Napailing na lang ako. She's persistent. Too persistent to the point you can't say no. Napapahawak na lang ako ng aking ulo dahil sa kapipilit ni Stacey sa akin.

"Alam mo naman ang kalagayan ni Marco." Mahina kong saad. Sadness knocked into my heart when I was reminded of my little brother. But I hurriedly shrugged that feeling away when I pictured his innocent face and smiling widely at me. I smiled from that thought. Marco's smiles are contagious, so you don't have a choice but to smile back. Bigla kong kinagat nang marahan ang ibaba kong labi. Marco couldn't travel into far places, that's the sad truth. Pero bigla kong naisip na isang beses lang naman ikakasal si Stacey. I guess a little time off won't hurt me. Napatingin ako sa mukha ni Stacey na ngayon ay may puno na ng pagasa.

"Sige. Makakaasa kang pupunta ako sa kasal mo." I said. Bigla niya akong niyakap habang may ngiting tagumpay.

"Love you, cousin! Sa La Casa De La Vista gaganapin ang kasal namin ni Kelvin." Mula sa boses ni Stacey ay halatang masaya siya. Natutuwa ako para sa kanya dahil sa wakas ikakasal din siya sa pinakamamahal niyang lalaki. Ako kaya? Kailan sasaya katulad niya? Agad kong umiling at hindi binigyan ng pansin ang nasa isip ko. Marco is with me, alive and kicking. And he's my source of happiness. No one else should matter. Kaya hindi ako dapat mainggit sa saya na nararamdaman ni Stacey.

"Pero wala akong susuotin." Bigla ko na lang nasabi. Habang iniisip ko ang laman ng cabinet ko ay sigurado ako na walang damit doon na pwede isuot sa kasal. Nakakatawa man isipin pero hindi pa ako nakakadalo sa ganoong okasyon. Isa pa, lahat ng damit ko ay puro T-shirt and jeans lamang at mabibilang lang ito sa aking kamay. Ang hirap maging mahirap. Pati pagbili ko ng bagong damit ay hindi ko magawa.

The Possessive CEO (Edited Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon