Chapter 2: La Casa De La Vista
Marsh Lahm's Point of View
"ATE MARSH, sabi ko naman sa'yo, magbebehave ako dito sa bahay nila Ninang. Basta mag-enjoy ka lang sa wedding nila Ate Stacey." Sabi ni Marco. Tumingin ako kay Aling Nelda—Marco's Godmother.
"Thank you po talaga dahil babantayan niyo si Marco." Sabi ko na lang sa ginang. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil sa tuwing ginagabi ako sa pagtatrabaho ay siya ang nag aalaga sa kapatid ko. Ang alam ko lang ay fifty-five years old na si Aling Nelda at halos lahat ng anak niya ay wala na sa poder niya.
"Naku! Sabi ko naman sa'yo Marsh, ayos lang 'yun. Mas gusto ko nga na may bata dito sa bahay para may maingay naman. Wag kang mag alala, aalagaan ko 'yang kapatid mo." Sabi niya habang tumatawa.
"Kung sana andito lang si Mareng Martha. May kakwentuhan sana ako." Ngumiti na lang ako ng tipid nang banggitin niya ang pangalan ni nanay. Si Aling Nelda at si Mama ay matalik na magkaibigan noon, kaya kinuha siya bilang ninang ni Marco.
"Thank you po talaga." Sabi ko pa habang nahihiyang ngumiti sa gawi niya. Bumaling naman ang tingin ko sa kapatid ko.
"Marco, wag kang masyadong magpapapawis, ha? Huwag ka rin makulit. Huwag mong papagurin ang ninang mo. Wag mo rin kalimutan na uminom ng gamot." Paalala ko sakanya.
"Ate naman ilang beses mo nang sinabi 'yan." Sabi niya habang nakasimangot. Bigla akong napaupo at pinantay ang mukha ko sa kanya at binigyan siya nang isang mahigpit na yakap.
"Magiingat ka palagi, Marco." Sabi ko sa kapatid ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Ingat ka din Ate."
"Sige po Aling Nelda. Mauuna na po ako." Maikling pahayag ko. Tumingin muna ako kay Marco sa huling pagkakataon at kumaway sakanya. Ito lang ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanya nang matagal. Nagbuntong hininga na lang ako at sumakay ng tricycle para umuwi sa inuupuhan naming apartment. Maliit lang ang lugar pero siguradong malinis. Kailangan ko pang kunin ang mga gamit na dadalhin ko sa La Casa.
Pagkababa ko sa tricyle ay agad akong nagbayad. Umakyat ako ng hagdan patungo sa ikatlong palapag. Wala naman kasing elevator dito. Kung makapag ipon pa sana ako ng mas malaki pang pera ay lilipat kami ng apartment ni Marco.
Mabilis naman kumunot ang noo ko nang may lalaking naka sombrero ang nasa tapat ng pinto ng apartment namin.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko nang makarating ako sa pwesto niya.
"Magandang araw po, Ma'am. Kayo po ba ang nakatira sa apartment na ito?" He asked.
"Oo, ako nga." I confirmed.
"Kayo po ba si Miss Marsh Lahm?" I nodded. Bigla niya inabot sa akin ang hawak niyang kahon.
"Delivery po Ma'am. Paki pirmahan na lang po itong form na ito." Kinuha ko ang ballpen na inabot niya at pumirma gamit ang pangalan ko. Marsh Lahm.
"Thank you, Ma'am." He said and left. Tiningnan ko ang kahon na hawak ko, kanino naman galing ito? Pumasok muna ako sa loob at ibinaba ang kahon. May maliit na card na nakasingit sa dito. I hurriedly checked the card to see the recipient.
"I'm sorry." Basa ko sa nakasulat. Biglang sumidhi ang galit nang makilala ko kung kanino galing ang kahon. Tumingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa tabi ng ref. It's the twenty-fifth day of the month. Hinawakan ko ang kahon at nilagay sa isang kwarto. It's a gift from him or maybe from her. Hindi ko alam, basta ang alam ko ay siya ang dahilan kung bakit nawalan kami ni Marco ng magulang. Kung bakit kailangan kong tumigil ng pagaaral. At kung bakit kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho para mabuhay ang kapatid ko. Lagi siyang nagpapadala sa akin ng kung anu-ano, pero hindi ko ito binubuksan at tinatambak lang sa kwarto. Kung makikilala at makikita ko lang siya, ibabalik ko lahat ng ibinigay niya.
BINABASA MO ANG
The Possessive CEO (Edited Version)
General FictionThis is the EDITED VERSION of the story "THE POSSESSIVE CEO." What to expect: - Fewer typos and grammatical errors - Easy read - Still cliché but with more scenes - Will remove a scene that is deemed to be unacceptable "The moment I laid my eye...