C1- First day

18 0 0
                                    

JELLY'S POV

"KRIIIINGGG.. KRINGGG" Alam nyo naman siguro kung ano yun? Alarm clock yan.

Tumingin ako sa orasan 5am pa lang 7am pa ang call time naming dun. Inagahan ko talaga kasi first day namin ngayon! Finally! 4th year na ako!

Bumangon na ako sa cute Kong blue na Kama. Blue? Kasi favorite ko talaga yan ^.^

Dumeretso ako sa banyo para maligo, and do my things, my morning rituals and so ever.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang itchura ko. Yan! all done!

"KRISHA! KRISHAAA~" Ano ba yankung maka sigaw naman Si Mama -.-

"Po? Ang aga aga ma!" Hay mama ko talaga ang bungangera, pero Love ko yan ^_^

"Halika krisha Dali! Bumaba ka na dyan!"
Bumaba na din ako para Di na ako masermonan

"Ma, ano po ba yun?" Tanong ko

"Krisha! Kasi Waaahhhh~!" Ano ba to Si mama kung makasigaw panalo!

"Ma, kumalma po kayo. Sabihin nyo muna sakin"

"Kasi Krisha kahapon nung nag grocery ako may pa raffle sila kapag naka worth 3**** ka sa pinamili." Ay nako binitin pa ako Ni mama

"Oh tapos po?"

"Ayan! May nagtext sabi Nanalo daw ako!" Pasigaw na sabi Ni mama. Excited lungss -,-

"Mama naman Baka pinagtritripan ka lang nyan! Marami ng ganyan ngayon eh"

"Malay mo naman totoo, sayang din kasi." Malungkot nyang sinabi

"Ma malapit lang naman satin yung grocery, I check mo po Kaya" sabi ko

"Sige mamaya pupuntahan ko."
"Ay krisha, magbibihis na ako. Kumain ka na lang dyan pinaghanda na kita ng umagahan mo"

"Thank you ma! Ingat ka"

Pagkatapos Kong kumain nagpaalam na ako. Mga 6:00 nung umalis ako sa bahay.

Naglakad ako hanggang kanto kasi dun pa yung sakayan ng jeep.

"Ano ba yan Ang tagal naman" kinakausap ko na sarili ko Ang tagal naman kasi dumating ng jeep.

"Di ka parin talaga nagbabago noh jell, mainipin ka pa din"

In expect ko na siya yun kasi, siya lang Ang tumatawag sakin ng jell at sa boses pa lang alam ko na, na sya yun
Dahan dahan aking napatingin sa likod ko,

Si Jase Spiegel. Yung ex ko!

Hindi ko alam kung Bakit bigla akong kinabahan at biglang bumilis Ang tibok ng puso ko. ALAM KO SA SARILI KONG MOVE ON NA AKO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ex LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon