Chapter 1- Secret
Sabi nila, ang pag-ibig daw puno ng surpresa. Oo naniniwala ako doon kasi talaga nga naman pag nag mahal ka laging may surprises. Minsan matutuwa ka na lang bigla kapag naaalala mo siya. Minsan, maiiyak ka na lang sa sakit na nararamdaman mo kapag nakikita mo na may kasama siyang iba at higit sa lahat pag hindi na ikaw ang mahal niya. Surpresa nga naman! talagang wow...
Sabi din nila, kapag nag mamahal ka kailangan mong mag tiis at mag sacrifice. Pero bakit ganun nag sacrifice naman ako ah! bakit pa din siya nakipag break sakin? Dahil ba pangit ako? masyadong mabait at gullible? sabi naman ng ibang mga tao sakin na maganda naman daw ako at matangkad pa pero kulang lang daw sa ayos.
Ano ba yan! di ko kasi talaga trip mag ayos. Feeling ko nagmumukha akong clown, kulang na lang magdala ng lobo at magpatawa ng mga bata. Hayyys madami na akong naging boyfriends. Actually apat na sila. Naaalala ko pa talaga yung una, sabi niya sakin ako lang daw mahal niya wala na daw iba pa. Ako naman tong si tanga, naniwala at pinandigan ang katangahan. In fact, sabi niya kami daw FOREVER chuchuchu. Hahahaha! tawa na lang tayo diyan. May forever daw ihh.
Yung second naman, halatang playboy pero di ko pinansin kasi sabi niya nag bago na daw siya pero hindi pa din pala. Habang nililigawan nga ako, may dalawa pang girlfriends. Sige na palakpak na lang tayo.
Yung pangatlo naman, sobrang bait. Grabe! talagang mabait. Kapag tulog... Sobrang feeler. Sarap balatan eh. Napatingin ka lang feeling niya may gusto na agad sa kanya. Napaka yabang pa. Akala mo wala nang bukas magpahanga. Kahit nga mag boyfriend na kami pag may napatingin sa kanya na babae, ngingitian niya pa at kikindatan. Hmmm kapal ng fes.
Yung pangapat, okay na sana kaso naman yung nanay niya napaka bruha! ayaw pa kami sa isa't isa. Hindi naman niya ako napanindigan kaya nagalit ako at nakipag break. Pero in fairness, meron naman silang common denominator. Lahat sila gwapo. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend na chaka. Hahahaha dejk pero seryoso talaga.
Ako naman simple lang. Matangkad, maputi, matalino, masipag, at maganda (DAW). Lagi daw kasi ako nakatali ang buhok at hindi man lang nag me-make up o kaya naman daw kahit pulbo lang kaya ayun hindi daw masyado naha-highlight ang mukha ko.
"Blossom!" Sigaw ni Syn mula sa likod ko. Siya ang aking bestfriend. Yeah, she's a girl. Di lang halata sa pangalan. Eversince Elem mag bestfriends na kami. Tumakbo siya papunta sakin at sumabay na papunta sa room namin.
"Syn." Matamlay na bati ko sa kanya. Napansin niya ata kaya huminto siya at tinitigan ako. Huminto din ako para titigan siya pabalik. "Tinitingin-tingin mo?" masungit na tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Tamlay mo kasi eh. Move on na girl." Sabi niya sakin kaya tinignan ko siya ng masama.
"Tulungan mo naman ako." Pagmamaka awa ko naman sa kanya kaya bigla siyang nag lakad papunta sa room. Pagkadating namin, naupo agad ako at inayos ang gamit ko. "Please na, hindi ko kasi alam kung paano." Bigla namang lumaki yung mga mata niya kaya nagulat ako at tinitigan na lang siya.
"Kalurkey ka Blossom!" hay nako talaga tong babaeng to. Maka-react wagas! "Una sa lahat, wag ka na mag boyfriend kung ayaw mo masaktan." Wala na talaga tong matinong nai-payo.
"I know. Hindi madaling umibig dahil kapalit lagi ay masaktan. But I don't wanna regret something that I didn't try to risk just because I'm scared." Sabi ko naman sa kanya.
"Nosebleed!" Yan lang ang nasabi niya at umarte pa na naka hawak sa ilong niya.
Sakto naman na dumating na yung prof namin at nagsimula nang magklase.
"Blossom, di ko gets. Turuan moko." Bulong sakin ni Syn. Lagot talaga to kay sir pag narinig siya.
"Ganito kasi oh." Sabi ko sa kanya at ginawa ko yung method para ipakita sakanya. Luckily, hindi kami nahuli at natuto din sa wakas ang babaeng to.
After ng seatwork ay vacant kami ni Syn. Gala mode muna kami dito sa University. Naisipan namin bumili ng snacks at magpunta sa garden. Naupo kami sa bench at nagsimula nang kainin ang snacks.
"Sa tingin mo, may magmamahal pa sakin?" tanong ko sakanya na ikinagulat niya kaya napatawa ako sa reaction niya. Muntik nang maibuga yung pagkain eh.
"Tanga ka ba?" Tanong niya sakin. "Ay sorry, mali question ko. Matalino ka nga pala sa academics. Tanga ka ba sa pag-ibig?" This time natauhan ako. Sabi kasi nila, kapag matalino ka, tanga ka sa pagibig. Totoo ba yun?
"Ewan ko." Yan lang ang nasagot ko sa kanya. I don't really know kung bobo ba ako sa pagibig pero parang oo. Hahahaha oo na lang...
"Huwag mo kasing sayangin ang buhay mo sa kanila. Maganda ka kasi pero napaka humble mo kaya hindi mo nakikita yun. Kulang ka lang sa ayos pero tingin mo pangit ka na." Hmm may point siya pero aargghhh! di ko na ma-take.
"Eh bakit walang sumeryoso sakin?" nag-pout ako kaya naman naawa sakin si Syn. Umiling siya ay niyakap niya ako.
"Tara after class sa bahay namin." Sabi sa akin ni Syn na ikinagulat ko kasi hindi pa talaga ako nakakapunta sa bahay nila. As in, hanggang gate lang. Napaka-private na tao kasi niya. While me, my life is an open book.
"Talaga?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya. "Anong gagawin natin?" She just shrugged her shoulders and ngumiti ng pagkalaki. Lalo tuloy akong na-curious. "Bakit nga?" pangungulit ko sa kanya. Tumingin siya sa orasan niya at tumayo na.
"Malapit na mag-time. Tara na." Sabi niya at dumila sa akin. Aba! talaga nga namang nang- asar pa.
"Huy! Syn, bakit nga?" tanong ko ulit sa kanya kaya ngumiti lang siya at nag lakad na papunta sa room.
"Makulit ka din eh, no?" sabi niya sakin na nang-aasar. "Just trust me and---"
"And?" pang-aasar ko sa kanya. Mukhang naubusan ng english sa katawan eh.
"---And... Basta tiwala lang." pinagtawanan ko lang siya at dumating na ang prof namin.
Tumahimik ang lahat dahil sa pagdating ni Prof. Reyes. Lumakad si ma'am na may malaking tuwa sa mga labi at mata niya.
"Attention everyone." Sabi ni ma'am. Sabi ko na nga ba may news to eh. "Kasali ang school natin sa 'the best school policy ' kaya one week tayong walang pasok." Hayy! salamat may pahinga din. Teka, ano yung the best school policy? Ah basta, wala daw pasok the end. "Ang ating mga maintenance ang mag-lilinis at mag-aayos ng buong campus. Pagagandahin at palilinisin nila yung school." Lahat naman ng block-mates ko ay natuwa kaya ayun nag umpisa na din yung klase.