Chapter 2- Makeover
Sumakay na kami ni Syn sa jeep at papunta na kami sa bahay nila. Hindi ko talaga maintindinhan kung bakit bigla-bigla siyang nag-yaya na pumunta kami sa bahay nila.
"Para po manong!" sabi ni Syn kaya bumaba na kami at dumiretso sa bahay nila. Pumasok kami at naupo sa living room.
Ang ganda ng bahay nila. Ang laki, ang linis at mukhang mamahalin yung mga gamit. Ang dami din nilang maids. Mayaman pala sina Syn pero di ko man lang alam. Napaka- mysterious talaga ni Syn. Imagine, mag bestfriends kami since elem pero ngayon lang ako nakapasok sa loob ng bahay nila.
Natauhan na lang ako bigla nang may bumaba mula sa hagdanan nila. Maganda at maputing babae na naka-dress. Mukhang ka-age namin ni Syn. Sino kaya to?
"Uh Blossom, si Euna nga pala. Pinsan ko." Napatayo ako at nakipag-handshake kay Euna.
"Hi I'm Euna. Nice to meet you." Sabi niya with matching smile pa. Ang ganda niya talaga, ang bait pa. Nahiya tuloy ako sa kanya. Sige, subukan kong magpakabait.
"Hi Euna, I'm Blossom. Nice to meet you too." Sabi ko. Syempre with matching smile din.
"Ah oo, naik-kwento ka nga sakin ni Syn." Sabi niya na ikinagulat ko naman. Ano kayang ikinikwento ni Syn sa kanya? Sana naman hindi nakakahiya yung mga dinadaldal nito kay Euna. "So, should we start?" tanong niya. Napatingin lang ako kay Syn na nakangiti.
"Huh? Anong start?" Tanong ko sa kanila. Napatawa na lang sa akin si Euna. Grabe naman si Euna pati pag tawa na lang ang hinhin pa.
"I guess, you didn't told her." Sabi ni Euna kay Syn. Teka, set-up ba to? ano to game show?
"Tara na nga." Sabi ni Syn at hinigit na ako papunta sa taas ng hagdan.
Naglakad kami sa mahabang bahay na ito hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Syn. Pumasok kami at napa nganga na lang ako sa ganda. Ang linis-linis at ang ayos-ayos.
"Maupo ka dito, Blossom." Sabi ni Euna kaya naman naupo ako sa harap ng dresser.
"Ano bang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya. Si Syn naman parang walang pake at naka upo lang sa kama niya na nagbabasa ng pocketbook. Hindi pinansin ni Euna ang tanong ko. Aba, may kabastusan din pala to sa katawan kahit kaunti. Hinayaan ko na lang tuloy siya sa gusto niyang gawin.
"Pikit ka." Mahinhing sabi niya. Sinunod ko na lang. Better be worth it or else...
Then nag-umpisa na siya. Naramdaman ko na lang na may ginagawa siya sa kilay ko. Inaahitan niya ba ako? Sumunod, tinanggal niya yung pagkaka-tali ng buhok ko. Dahan-dahan niyang sinuklay yung buhok ko. Buti na lang matiyaga ito kundi kanina pa sumuko sa pag tanggal ng buhol sa buhok ko.
"Pinsan, pasensya ka na kay Blossom. Isang linggo ata itong hindi naligo eh." Sabi ni Syn kaya naman sinamaan ko ng tingin at bumalik na sa pagbabasa ng pocketbook. Napatawa na lang tuloy si Euna. Talaga tong si Syn, pinahiya pa ako. Pinagpatuloy din naman niya yung pag suklay and at last, natanggal na ang buhol.
Pagkatapos nun, pinlantsa niya yung buhok ko at cinurl yung dulo. Then, nilagyan niya ako ng make up.
"Ayan, tapos na." Sabi ni Euna na mukhang proud na proud siya sa ginawa niya. Tumingin naman ako sa salamin at
"Woah." yan lang talaga ang nasabi ko. Mukha akong diyosa. Ahahaha grabe. Well done! "Thanks Euna parang hindi na ata ako ito." Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.
"Don't thank me. Maganda ka naman talaga, tinulungan lang kita na mas pagandahin ang sarili mo." ahh tama siya. Maganda ka kasi, Blossom. Bulag ka lang. Para talaga akong tanga no? Kinausap ko nanaman sarili ko.
"Pero thanks talaga, Euna." Sabi ko nanaman sa kanya. Nginitian niya lang ako ng pagka ganda-ganda.
"Before you leave, take this." Inabot naman sa akin ni Euna ang pouch na kulay pink. Kinuha ko ito at tinitigan. "Beaty care lang yan. Iwas pimples and oiliness." Ngumiti na lang ako sa kanya. Tumayo na ako at hinatid ako ni Syn sa gate.
"Syn, plano mo to?" tanong ko sa kanya habang nag-lalakad kami papunta sa gate.
"Oo. Please use it wisely." Ngumiti ako sa kanya at inakap siya ng pagkahigpit-higpit. "Sige na, drama neto. Baka masira make up mo." Dahil sa sinabi niya tumakbo na ako paalis ng bahay nila at umuwi na.
***********
"Blossom! bakit naman late ka na umuwi?" Sigaw sa akin ni mama. Takte! 8:30 pm na pala ako umuwi. Hindi na ako nakatakas sa tanong ni mama.
"Ma, sorry po. May ginawa kasi kami ni Syn eh. Sorry ma." Pagmamakaawa ko. Hope this works... Instead tiningnan ako ni mama na para akong alien na napadpad sa bahay namin. Sige mother, titig pa more!
"Naka make up ka ba Blossom?" tanong sa akin ni mama. Ay! oo nga pala. Kaya pala makatingin sakin to. "Ang ganda mo ah! bagay sayo." Aba na-compliment pa ni mama. Akala ko papagalitan ako at sasabihan ako na puro kalandian inaatupag. "Sige na, matulog ka na. Huwag mo na lang uulitin na umuwi ng late."
"Sige ma." Umakyat na ako ng hagdan at pumunta na sa kwarto ko.
Binuksan ko yung laptop ko at nag-punta sa website ng school namin. Ang daming bitter grabe! mag-post ba naman ng 'walang forever' sa wall eh wala namang kinalaman sa topic. About school yung pinag-uusapan pero biglang may sisingit na 'walang forever' katuwa naman.
"Everybody's on the same page
No new chapter
We'll never change"
Ay may gago sa kanto! ano ba yan, nag ri-ring phone ko. Asan na ba yun.
"Everybody wants to be cool
Yes they do
And I'm just like them
But I won't be no fool"
Aaargh! yung phone ko...
"Ayun!" napasigaw na lang ako nang makita ko yung cp ko. Nakapatong lang pala sa study table pero di ko nakita. "Hello?"
"Blossom, si Syn to. Bakit naman ang tagal mong sagutin?"
"Ay sureh! ako kasi si flash eh kaya mabilis ako kumilos." I said sarcastically. Naiimagine ko na napapailing na lang siya sa kapilosopohan ko. "Bakit ka pala napatawag?"
"May sasabihin kasi ako sayo."
"Aba, malamang alangan namang tumawag ka para tumahimik at hindi mag-salita." Pilosopo ko talaga. "So ano nga sasabihin mo?"
"Basta bukas pagka-dating mo sa school, hintayin mo ako sa study area."
"Yun lang?"
"Opo. Sige bye."
"K.k Bye." then I hung up the phone.