Miss Heartbreaker 8

5 1 0
                                    

Chapter 8- Unbelievable

"T-tungkol saan?" Tanong ko. Tumungo siya at nagpunas ng luha. Tumingin ulit siya sakin at ngumiti.

"Sa atin." Walang reaction na mababasa sa mukha ko. Tumango ako ng dahan-dahan at ngumiti din sa kanya.

"Ahh." Maikli kong sagot.

"I know this isn't the right place to talk but here it goes." Nag- clear siya ng throat at kinamot ang noo niya. "Blossom, masaya ako pag kasama kita. Ikaw lang nagpapasaya sakin ng ganito. From the very first start na naging tayo, all I want to do is to love you greater and greater every day. Then, the day happened when my mom told me to stop seeing you but I really can't so ikaw naman ang pinahirapan niya kaya sumuko na talaga ako kasi I dont want to see you suffer like that. I love you. I really do so please give me another chance." Naiyak na lang ako sa mga sinabi niya. Mahal ko din siya pero...

"Are you saying to give you another chance and forget the break-up that happened?" I asked without hesitate. Kung alam lang niya dinanas ko nung nag-break kami. Grabe!

"No--"

"Alam mo ba kung ano yung nangyari nung araw na yun?" Umiling lang siya ng dahan-dahan at tumungo.

*flashback*

Nasa playground kami ngayon kasi sabi niya may sasabihin daw siya. Dito kasi meeting place namin kapag may importanteng sasabihin.

"Ayoko na..." Nagulat ako sa bigla niyang pag-sasalita pero ngumiti na lang ako at hinawakan siya sa kamay. Tinanggal niya ito at tumayo siya sa swing. "Hindi na kita mahal." Tumulo na ang mga luha ko at bigla na lang siyang umalis. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko na nakita. Tumakbo lang ako palayo hanggang sa makarating kina Syn. Kumatok ako sa gate nila at binuksan nung maid. Naghintay ako doon at dumating din si Syn.

"Syn!" umakap ako sa kanya habang umiiyak. Basang basa na yung sleeves niya pero iyak lang ako nang iyak.

"Blossom, anong nangyari?" Humiwalay ako sa akap at umiling. "Nag-break kayo?" tanong niya. Nag-punas ako ng luha at tumango lang. "Bakit daw?"

"Punta muna tayo sa bahay namin. Wala doon si mama eh. Si kuya lang." Pag-yaya ko sa kanya habang humihikbi. Nang makarating na kami. Dumiretso kami sa kwarto at umiyak ako nang umiyak sa balikat niya.

"Paano nangyari?" tanong niya. Inisip ko naman yung pangyayari at naalala ko yung sinabi niya.

"Hindi na daw niya ako mahal." Naiyak nanaman ako nang sobra. Hikbi na ako nang hikbi. Hinahaplos lang ni Syn yung likod ko.

"Psh. Naniwala ka naman." Napaisip ako sa sinabi niya. Sabi sa akin ni Vince na hindi na niya ako mahal kaya ayos lang. Tanggap ko kasi kahit mahal ko siya, nirerespeto ko desisyon niya. Malay ko ba kung nag-sawa lang talaga siya sa akin o kaya bigla na lang hindi na niya talaga ako mahal. Pero, nasayang 1 year namin. Minahal ko siya ng sobra kaya lang ang alam ko ganon din ang pagmamahal niya sakin pero hindi pala.

"Naniwala ako kasi mahal ko!" sigaw ko sa kanya at umiyak nanaman ako. Arrghh! wala bang off button tong pesteng luha na to? Graberz ang sakit lang kasi. Lumabas ako ng bahay at iniwan ko si Syn sa kwarto ko. Nang biglang...

*beeeeeeeep*

Pag mulat ng mga mata ko nakita ko ang nakakasilaw na ilaw ng hospital. May apat na nurse na nagtutulak ng hinihigaan ko. Gagalaw sana ako pero biglang sumakit yung braso ko kaya hindi na ako nag-pilit. Ipinasok na ako sa isang area ng hospital at nang sumara ang pinto nakita ko si mama na umiiyak kaya naiyak nanaman ako.

*end of flashback*

"Just shut up and don't follow me." Nag-lakad naman ako palabas ng hospital at sumakay ako ng tricycle. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 2 pm na. Pupunta muna akong school. Nang makarating na ako doon, bumaba na ako ng tricycle at dumiretso sa rooftop.

"Gago ka!" Sigaw ko sa kawalan. "Sasabihin mong mahal mo pa ako pero nung nag-break tayo, sabi mo hindi na." Sabi ko habang humahagulgol. "Tanga ka talaga dahil pinakawalan mo ko."

"Huy, bakit ka umiiyak?" Biglang may nag-tanong mula sa likod ko. Nag-punas ako ng luha at lumingon ako. Napangiti na lang ako nang makita ko siya. Tumayo ako at umakap sa kanya.

"Jake!" sigaw ko. Napaiyak nanaman ako ng sobra sa balikat niya. "Jake, huwag mo kong iiwan. Dito ka lang." Pag-hagulgol ko. Naramdaman kong tumango siya kaya hindi ako umaalis sa yakap. "Bakit ka nga pala nandito? wala ka bang klase?"

"Cutting." Maikli niyang sagot kaya hinampas ko siya sa braso. "Joke lang! eto naman... Vacant kasi gawa ng may assembly ang teachers tapos tumakas ako at nag-punta sa rooftop." Tumango lang ako at naupo na kami.

"Ikaw? Bakit ka nandito at umiiyak?" tanong niya. Which made me realized na ako pala ang nag-cutting.

"Basta." Ngumiti siya at kinurot ako sa pisngi.

"Bakit nga?" tanong niya ulit.

"Ano kasi, yung mommy ko nasa hospital." Tumango lang siya at yumakap ako sa kanya.

"Kaya ka pala umiiyak." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Ikkwento ko kaya sa kanya? Barkada niya kasi ehh.

"Hindi dahil don kaya ako umiiyak." Sabi ko sa kanya. Nagulat naman siya at muling nagtanong.

"Eh bakit ka nga naiyak?" tanong niya.

"Gawa ni Vince." Tumingin siya sakin at kumamot sa ulo niya.

"May gusto ka pa din ba sa kanya?" tanong niya. Napatawa ako sa tanong niya.

"Actually, oo. Mahal ko pa din siya pero nag-dadalwang isip ako." Yumuko siya at lumungkot ang mukha niya.

"Nag-dadalwang isip na mahalin pa siya?"

"Hindi. Nag-dadalwang isip na balikan siya." Nanlaki ang mga mata niya at bigla na lang siyang tumayo at paalis na pero hinawakan ko siya sa kamay kaya huminto siya. "Diba, sabi ko wag mo kong iiwan?" Naiyak nanaman ako at bumalik siya sa tabi ko.

"Ano ba kasing meron kay Vince na wala ako?" Napatingin naman ako sa kanya pero nakatungo lang siya.

"Meron kay Vince na wala sayo?" Tumingin naman siya sa akin at ako naman ang umiwas ng tingin. "Gago siya, ikaw hindi. Tanga siya, ikaw hindi. May nanay siyang bruha, ikaw wala. Sinaktan niya ang puso ko, ikaw hindi. Ngayon alam mo na."

"Pero minahal mo?" Tanong naman niya. Naiyak na lang ako sa sobrang sakit ng naaalala ko.

"Oo. Minahal ko at minamahal ko kasi ganun din ako. Tanga, gaga, ano pa? Lahat na!" sigaw ko sa kanya.

"Ano ka ba? hindi ka tanga at lalong hindi ka gaga." Sabi niya. Umiyak na lang ako nang umiyak sa balikat niya. "Sa totoo lang kaya kami nagkakilala ni Vince gawa mo." Napabangon ako sa balikat niya at tumingin diretso sa mga mata niya. Paanong gawa ko? eh si kuya pa ang barkada niyo noon.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon