PROLOGUE

8 2 0
                                    

PROLOGUE

Nandito ako sa labas ng kwarto habang nakikipag usap kay Chase sa telepono. Ayaw ko kaseng marinig ng kapatid ko kung ano man ang pinag uusapan namin dahil aasarin na naman ako nun. Alam niya kase na marupok at mabilis ako ma inlove eh. Lalo na ang masaktan.

“Bakit ngayon tumawag? Alam mo naman na nag aalala ako sayo diba? Kanina pa kita hinihintay mag chat or text or tawag man lang, pero hindi mo magawa! Kahit isa lang sa isang araw! Mahirap ba yon gawin ha?” naiiyak kong sumbat sakaniya.

“Mahal please calm down okay? I was just busy. Alam mo naman busy kami dito sa office diba? Marami kaming inaasikasong cases dito kaya di kita matawagan agad. Sana intindihin mo naman ang boyfriend mo oh.” mahinang sambit niya sa kabilang linya.

“ Hayyss ano ba yan. Alam mo naman na namimiss kita diba? Di mo ba ako namimiss? Bagot na bagot nako dito sa bahay kase wala akong makausap. Busy din naman ako sa work ko pero ikaw pa din inuuna ko. Pati pagbati ng good morning nakakalimutan mo na! Hayyss” nalulungkot kong sabi sakaniya.

“Sorry na, alam mo naman alas tres pa lang ng umaga eh naghahanda na agad ako sa work ko eh. Hayaan mo babawi ako sayo mamayang gabi pagdating ko sa Bahay. Sige na, mamaya naman kase tinatawag na ako ni Colonel. Ingat ka palagi mahal, love you and I miss you” pagpapaalam niya sakin.

“Sige na nga! Basta hihintayin kita mamayang gabi ha! Pag hindi ka tumawag wala kang good morning bukas! Byebye love you too and I miss you. Ingat ka din palagi” pagkasabi ko nun ay namatay na ang kabilang linya.

Ganyan lagi ang eksena namin araw araw. Mag aaway tapos magbabati ulit kase konting lambing, bibigay na ulit ako. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko sa sobrang rupok ko! Pano ko kaya ito maaayos ang karupukang ito? Please help me Lord! Ayaw ko na, pagod na pagod na ako sa pagiging marupok kong tao.

Alas sais na ng gabi tapos na akong kumain at tapos na din sa lahat ng gawain ko sa bahay. Kanina pa ako naghihintay ng chat at tawag niya eh wala pa din. Kaya naman napag pasyahan kong mag scroll scroll sa fb. Nakakaboring naman kase lalo na kapag walang ka chat.

Habang nag scroll sa fb biglang may nag friend request sakin. Baliktad ang pagkaka spelling ng name niya kaya naman mahirap basahin. Ini stalk ko muna siya. Napag alaman ko na babae siya so I accepted her.

Maya maya lang ay nag chat siya sakin. At hindi ko inaasahan na dito na magsisimula ang pagdududa ko sa boyfriend ko.

“Hi, ang ganda mo naman, ka ano ano mo so Chase?” magalang niyang tanong sakin. So nag reply ako, ayaw ko naman maging maldita.

“Oh thank you. Kilala mo siya? Boyfriend ko siya hehe” pabebe kong sagot.

“Ahh ganun ba, kumusta naman yung relationship niyo?” tanong niya ulit. Nagtataka ako kase relationship agad namin ang tinatanong niya. But nag reply pa din ako kase ayaw kong maging rude sakaniya.

“Oh medyo not okay eh, kase naman bihira lang niya akong I chat tapos lagi niyang sinasabing busy siya. Sabi niya uuwe siya sa graduation ko pero di siya dumating. Palagi nga siyang nangangako pero di naman niya tinutupad. Ang sakit sakit kaya. Alam ko naman busy siya sa work niya pero kahit isang chat lang wala siya” pagsasabi ko ng totoo.

“Ahh ganun ba? Gaano na kayo katagal?” tanong niya ulit.

“Mag 3 months na kami” maikli kong sagot.

“Ang galing pala niya. Girlfriend niya din ako, mag 5 years na kami” ilang salita lang yun pero sapat na para gumuho ang natutulog kong mundo.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, selos, galit, awa sa sarili at iba pa. Chase, bakit mo nagawa ito?

Akala ko ba ako lang? Akala ko nag iisa lang ako sa puso mo? Ang dami pala namin. Sino sino pa ang mga babae mo? Ok lang sana kung may kabet eh pero sa totoo lang ako pala yung kabet. Ang sakit sakit ng pang gagago mo Chase.

“Please pwede bang layuan mo na siya? Maawa ka naman sakin oh. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwan. Hayaan mo na kaming maging masaya” pagmamakaawa ng babae sakin.

“Hayaan mo diko na kayo guguluhin pa. Iba block ko na siya sa lahat. Promise. Sana maging masaya kayo. Ang sakit lang kase ngayon ko lang nalaman. Pero mas maganda na yung maaga ko nalaman kesa huli na ang lahat. Salamat.” sagot ko Dito kahit ang sakit sakit na ng puso ko sa mga nalaman ko.

Okay lang sana kung busy siya sa work eh. Pero yung may ibang babae? Hindi ko kaya! Hindi naman ako ganun ka selosa pero ang sakit pa din eh.

Para na akong aatakihin sa puso dahil sa mga nalaman ko. Ang sakit sakit, Yung tipong gusto mo na lang humimlay kung nasaan ka man ngayon. Ganun kalakas ang tama ko sayo Chase. Pero sinayang mo lang Ang lahat ng iyon.

***************

EMOPHILIA Where stories live. Discover now