CHAPTER 11: MGA ARAW NA WALA NG TAYO

4 1 0
                                    

CHAPTER 11: MGA ARAW NA WALA NG TAYO

Lumipas ang mga araw na hindi pa din ako maka move on. Araw-araw akong tulala kahit pa nasa school ako. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung okay lang ako pero hindi ako nagsasalita. Nahihiya na nga ako sakanila kase nadadamay pa sila sa problema ko. Kaya pala nawala yung singsing na binigay niya sakin at napatid yung kwintas kase may ginawa siyang hindi maganda na ikinasira ng relationship namin.

“Miss Sophia, please stand up” tawag sakin ng teacher namin. Napakurap kurap naman ako at biglang tumayo.

“Yes ma'am?” tanong ko dito.

“What is the biggest volcano that is located in the planet Mars?” tanong nito sakin. Natahimik ako sandali. Tatawag na sana siya ulit ng hindi ko agad nasagot ng nasabi ko ito ng medyo malakas kaya napatingin siya sakin.

“Olympus mons, ma'am!” sagot ko.

“Okay very good, you may now take your seat. Napansin ko kaseng kanina ka pa tulala. Buti naman ay nakikinig ka. Please, participate in my class if you don't want to leave” sabi nito na ikinayuko ng ulo ko sa hiya.

Tinapik naman ako ng marahan ni Evan para iparating na okay lang yun. Pero nakakahiya pa din.

“It's okay, at least nasagot mo yung tanong diba? Alam ko naman na nag aaral ka ng mabuti kaya hayaan mo na si ma'am. Ganyan talaga yan” pagpapalakas ng loob sakin ni Evan.

“Salamat” sagot ko naman sakaniya. Buti na lang at nag-aaral ako palagi sa bahay kahit na may problema ako.

Dumating ang recess nang wala pa din ako sa sarili. Inaaya nila akong pumunta sa canteen pero hindi ako sumama. Nagmukmok lang ako dito sa gilid. Hindi ko napansin na hindi sumama si Evan sakanila. Lumapit siya sakin at tumabi sa upuan.

“Sophia ano bang problema mo? Ilang linggo ka ng ganyan! Pumapayat kana oh! Wag mo naman pabayaan ang sarili mo!” naiinis na sabi sakin ni Evan.

“Pwede ba Evan, hayaan mo muna akong mag isa” mahinahong sabi ko.

“Hayaan mag isa? Nababaliw kana ba? Pano kung may mangyari sayong masama habang mag isa ka? Hindi ka na kumakain lalo na pag tanghali kaunti lang kinakain mo tapos ayaw mo na agad! Ano ba kaseng problema mo? Pwede mo naman sabihin samin lalo na sakin kase kaibigan mo kami!” napataas na ang boses niya. Buti na lang at wala pang pumupunta sa room na mga kaklase namin.

“Pasensiya na, masyado lang magulo ang utak ko ngayon” mahina ko pa ding sabi.

“Dahil ba sakaniya kaya ka nagkakaganyan diba?” tanong niya. Napatango na lang ako ng kaunti kaya nag iba na naman ang aura niya.

“Sophia hanggang kailan ka masasaktan dahil sakaniya? Hanggang kailan ka magpapakatanga sa lalaking yon ha?” galit niyang tanong sakin.

“Hindi ko alam! Mahal ko siya eh kaya nasasaktan ako ng ganito!” sagot ko naman.

“Kung pinili mo lang sana ako hindi kana masasaktan ng ganito Sophia. Ipaparamdam ko sayo lahat maging masaya ka lang. Ayaw na ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan! Mahal na mahal kita Sophia, sana ako na lang kase!” sabi nito. Naiiyak na din ako dahil sa mga sinabi niya.

“Alam mo naman na hindi kita kayang mahalin pabalik diba? Oo mahal kita pero bilang isang kaibigan lang! Kaya please, hayaan mo na muna akong maghilom” pakiusapan ko sakaniya.

Yinakap na lang niya ako ng mahigpit para matigil na ang pag iyak ko.

“Sana maintindihan mo yun Evan, darating ang araw na mamahalin din kita kagaya ng pagmamahal mo sakin. Sa ngayon hanggang kaibigan lang muna tayo” sabi ko na tinanguan na lang niya pero nararamdaman kong yumuyugyog ang balikat niya, senyales na umiiyak siya.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito, masyadong vulnerable kung titingnan. Parang hindi siya ito. Masyadong malungkot ang aura niya ngayon at naiintindihan ko yun kung bakit dahil ako mismo ang may gawa.

Alam kong masakit yun sakaniya kase ilang beses ko na siyang ni reject pero nandito pa din siya. Hindi niya pa din ako iniiwan. Minsan nga diko alam kung tama pa ba ang ginagawa kong pagtatabuyan sakaniya. Pero naman sana ay hindi siya magsawa sa pagtatabuyan ko sakaniya. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil lang sa katangahan ko kung mawawala pa siya. Sila na lang ang meron ako ngayon.

Ilang linggo din akong tulala pero nabawas bawasan na din ang sakit dahil nakakapag open up na ako sakanila ng walang judgement na nagaganap. Binibigyan lang nila ako ng advice but most of the time, nakikinig lang sila sa mga sinasabi ko. And I'm so thankful to have them by my side.

Tama nga yung sabi ng iba na true friends will never leave you even in your darkest times. They will always be your friends. Yun ang nakikita ko sakanila, sana ay walang magbabago. Lalo na si Evan, sana kapag handa na ako, nandiyan pa din siya upang tanggapin ang pag-ibig ko.

****************

EMOPHILIA Where stories live. Discover now