CHAPTER 27: PANGAKONG NA PAKO

1 1 0
                                    

CHAPTER 27: PANGAKONG NA PAKO

Dahil hindi na masyadong nag tetext or tumatawag si Chase sakin, humuhupa na rin ang pag-ibig ko sakaniya. Siguro dahil na rin sa mga pambabalewala niya sakin. Kusa na ring sumuko ang puso ko sakaniya. Nabaling naman ang atensyon ko kay Jax. Yes lagi na kaming nag uusap. Bumabawi talaga siya sa mga pagkukulang niya noon sakin. And I'm so thankful to have him by my side.

Nasa kwarto ako ngayon. Nagmumuni-muni ako ng maisipan kong i-edit yung sinusulat kong tula para kay Chase. Napaisip ako kung itutuloy ko pa ba itong mga tula na ito? Kase hindi na siya nagpaparamdam eh. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa isipin na iyon. Ang ginawa ko ay nagkidaldalan na lang ako sa gc namin. Boring na naman kase ang life ko eh.

~~~

Bandang alas tres na ng umaga ng may biglang tumawag sakin. Inaantok ako talaga sobra kaya hindi ko na nakita kung sino yung tumatawag at basta ko na lang ito sinagot. Nananaginip na kase ako tapod may biglang tatawag ng madaling araw? Hayyss sinong hindi mababadtrip niyan!

In call~

“Hello?” sagot ko dito na may inaantok pang boses.

“Hello mahal” sagot ng nasa kabilang linya.

“Bakit ka tumawag? Anong oras pa lang oh! Kita mong inaantok pa yung tao eh” sagot ko naman.

“Ganun ba pasensiya na. Sige na matulog ka na muna. Mamaya na lang ako tatawag sayo” sabi naman niya at pinatay na ang tawag.

Hayyss nakakainis talaga yun. Nung hinihintay ko tawag niya hindi siya tumatawag tapos ngayon 3 am pa lang, are you kidding me? Hayyss pinapakulo mo talaga ang dugo ko umagang umaga! Binuksan ko ang phone ko at nakitang may text pala siya sakin bandang 2 am.

In text ~

“Mahal 7 am ang flight ko”

“Pupunta na ako dyan sayo”

“Nakita mo ng inaantok pa yung tao tapos tatawag ka? Hayyss”

“Sige ingat na lang sayo”

“Mamaya na lang ako tatawag galit ka na naman eh”

“Sige na byebye”

Hanggang sa dumating na ang alas dose wala pa rin siyang tawag. So tinext ko siya sabi niya kase may flight na siya. So ibig sabihin dapat kaninang mga 11 am ay dapat nandito na siya kase mabilis lang naman ang flight. Natapos na akong maglaba. Inayos ko na din ang kwarto ko pati damitan ko inayos ko na kase ayaw kong makita niyang makalat ang kwarto ko. Ang bilis ko nga din maglaba kahit na madami ang nilabhan ko kase nga pupuntahan na niya ako dito.

But sad to say hindi siya natuloy. I mean hindi siya tumuloy kase daw galit ako nung tumawag siya nung 3 am! At sino namang hindi magagalit kapag inabala ang tulog aber? Hayyss wala talagang common sense itong si Chase. Nakakainis! Lagi na lang siyang ganito. Sabi nga magbiro ka na sa lasing wag lang sa taong bagong gising. Eh pano naman akong ginising mismo? Hayyss ayun maghapon na naman akong badtrip.

Kinagabihan nag sorry na naman siya dahil doon sa nangyari. Pinatawad ko na naman siya hayyss! Monthsarry na namin kinabukasan tapos ganito siya? Nakakainis ka talaga! Kung nandito lang siya kanina ko pa siya nasampal. Nagsulat na naman sana ako ng tula tapos linagyan ko ng mga stickers. Edi sayang na naman hayysss ewan ko talaga sayo Chase! Hindi ka na nga pumunta sa graduation ko tapos ngayon hindi na naman! Puro ko na lang pangako! Tapos yung pangako mo napako na naman! Ikaw ang ipako ko eh! Galit na talaga ako sayo! Hintayin mo lang Chase! May araw ka din sakin. Bwisit!

Hindi ko yun ipinaalam kay ate Lyra kase alam ko naman na hindi talaga siya darating. Naging excited pa naman ako tapos ganun ang nangyari hayyss what the fuck! Sayang effort ko. Bihira lang ako mag effort sa isang tao tapos sinasayang lang.

I did cry a lot when no one’s around me. Iniyak ko lahat ng hatred, galit, sakit at inis ko sakaniya. Mga ilang minuto din ako bago tumahan. Kinuwestyon ko na naman yung sarili ko. Like may ginawa ba akong mali para gawin sakin ang ganito? Yung tipong sasaktan ako ng paulit-ulit? Tangina naman oh! wala naman akong ginagawang masama pero ako lagi yung talo pagdating sa pag-ibig. Bakit? Lord bakit ako pa? Hindi na nga ako swerte sa buong pamilya tapos ipagkakait mo pa sakin ang mahalin pabalik? Bakit naman ganun Lord? Wala na ba talaga akong karapatang maging masaya kahit konti? Binabawi mo kase agad yung kasiyahan na meron ako eh!  Lagi na lang ganito! Nakakapagod na! Ayaw ko na!

***********

Note:

We have 3 chapters left ☺️ sana ay magustuhan niyo. Abangan dahil nalalapit na ang pagwawakas ng kwento ni Sophia. Let me know in the comment section kung sino ang bet niyo sa mga naging ex niya haha😆. Enjoy reading my skies 😚 love you 🤩

Love,
Clear_bluesky

EMOPHILIA Where stories live. Discover now