LOVE STORY (Part Four)

558 16 0
                                    

"Anak.... kanina ka pa nakatunganga diyan.." pagpansin sakin ni nanay habang kumakain kami ng haponan, apat na araw na ang nakalipas magmula nung magkita ulit kami ni Blake. Bumalik lahat eh. yung sakit na naramdaman ko ng iwan niya ako, yung galit sa puso ko dahil naniwala ako sa kanya, at yung pangungulila ko sa yakap at halik niya kasi hanggang ngaun aminin ko man o hindi, mahal ko parin siya.

"Naku, adrian, napapansin namin ng tatay mo na ilang araw ka ng tulala at mukhang my iniisip ka. My problema ka ba?" concern ang boses ng nanay ko sa mga sandaling iyon, pareho silang nakatingin saakin ni tatay, naghihintay ng isasagot ko....huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Nakita ko po siya ulit." napayoko ako ng sinabi ko yun, para kasing tutulo ang luha ako at hindi ko 'toh kayang pigilan.

"Sino, si Blake ba?" tanong ni tatay

"eh anung sabi niya? nagusap ba kayo?" nakakunot ang noo ni nanay, sa kanilang dalawa kasi ni tatay, kay nanay ako iyak-ng-iyak magmula ng iwan ako ni Blake, si nanay ang asa tabi ko nung mga araw na sobrang sakit at wasak na wasak ang puso ko.

"Ahmmmm... mahal pa raw niya ko " nahihiya kong sabi 

"Eh diba , mahal mo parin naman siya diba?" tanong ni tatay sa akin

"Tay, oo, aminado naman po akong mahal ko parin si Blake, pero tay hindi ba parang ang laki laki kong tanga pag binigyan ko ulit siya ng pagkakataon, " paliwanag ko kay tatay

"Ganun ba ang tingin mo saakin nak?" biglang naging malungkot ang mga mata ni nanay sa mga sandaling yun, nagtataka naman ako kung bakit ganun ang nasabi ni nanay.

"Nay, iba naman po yung sa inyo ni tatay, kayo po ang perfect example ng Forever eh, ..." concern kong sabi kay nanay.. biglang lumapit si tatay kay nanay, at niyakap ni tatay si nanay ng napakalambing, at hinalikan niya ito sa noo.

"Nak, hindi perpekto ang tatay mo, my mga pagkakamali rin akong nagawa sa nanay mo" yakap yakap parin ni 'tay si nanay..." Pero, nagsisi ako sa mga kasalanang nagawa ko, at nangako ako sa nanay mo na araw araw ko siyang liligawan, araw araw ko siyang papa-ibigin at araw araw kong ipaparamdam sa kanya na siya lang ang babae sa puso ko." malambing na sabi ni itay , habang nakahawak naman si inay sa mga palad ni tatay.

"Nak, hindi naman ata masama if bigyan mo pa si Blake ng isa pang pagkakataon, " sabi ni inay saakin...

"Nay...sa ngaun hindi ko pa po alam ang isasagot ko diyan, masakit pa eh..." malungkot ang mga boses ko, nalilito ang utak ko at manhid ang puso ko.

*************************************

"Dear Mr Walang Forever

Alam kong nagumpisa ang pagkakaibigan natin sa pag-sipa mo ng upuan ko, pero nung una palang kitang nakita iba na ang naramdaman ko, alam kong medyo malabo ito pero tatapangan kong sabihin sa sulat na ito kung anu ang nararamdaman ko. Mahalaga ang pagkakaibigan natin, at napaka-halaga mo na saakin, pero Andrew hindi ko na kayang itago sayo at magpanggap na wala akong nararamdaman sayo. Andrew Mahal kita, hindi bilang kaibigan lang pero higit pa dun, tanggapin mo man itong pagmamahal ko or hindi, sana walang magbago saatin.

From: Mr Forever"

Napag-isipan ni Ramil na ilagay ang kanyang sulat sa ibabaw ng upuan ni Andrew, after ng last subject nila. Dahil sa kaba, at takot hindi magawa ni Ramil i-abot ang sulat niya ng perosnal sa binata. After ng last subject nila ay nagmadaling lumabas si Ramil ng classroom pagkatapos nitong iwan ang sulat. Nang asa hintayan si Ramil ng sakayan ng mga jeep, ay narinig niyang my tumatawag sa kanyang pangalan. 

"Ramil!!!!" sabi ng nakangiting Andrew sa kabilang kalsada...aktong tatawid si Andrew para lapitan si Ramil para ipaalam sa kanya ang kanyang sagot sa  sulat na kanyang nabasa. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay napansin ni Ramil na my isang mabilis na sasakyang papalapit at hindi ito nakita ni Andrew....

"Andrew!!!!!" yan ang sigaw ni Ramil at agad siyang tumakbo para ilagtas ang binata, mabilis ang tibok ng kanyang puso, sing bilis ng mga pangyayari. Nakita lamang niya si Andrew umiiyak sa harapan niya at siya naman ay nakahiga na tila manhid ang buong katawan. 

"Mahal kita Ramil, mahal na mahal kita....alam kong naguguluhan ako pero mahal na mahal kita..." humahagulgol si Andrew, sinisisi niya ang sarili niya na dahil nuon palang alam niyang iba na ang pagtingin niya kay Ramil, pero itinago niya ito, at ngaun, ngaun kong kailan nagtapat ang nag-iisang lalaking minamahal niya ng patago ay nakahiga sa kalsada at duguan. Ngaun kong kailan alam niyang mahal rin siya ni Ramil at ngaun kung kailan nalaman niyang tunay na pag-ibig nga ang nararamdaman niya, nangyari ang ganito. 

Naging mabilis ang pangyayari, nang makita ni Ramil na papalapit na sasakyan ay agad agad siyang tumakbo kay Andrew para itulak ito papalayo sa kapahamakan, pero sa hindi inaasahan si Ramil ay nabunggo ng sasakyan. Nakahiga ang duguang mukha ni Ramil sa binti ni Andrew, pinipilit niyang huminga at labanan ang pangyayari, habang hawak hawak ni Andrew ang kanyang mga kamay at umiiyak, tuwang tuwa siya at napangiti ng marinig niya ang sabi ng binata, napangiti siya sa pagtatapat ni Andrew na mahal rin pala siya nito. 

Inipon ni Ramil ang kanyang lakas, para i-angat ang kanyang kaliwang kamay upang punasan ang mga luha ni Andrew. Binigyan niya ng napakatamis na ngiti si Andrew, habang nakatitig sila sa mata ng isa't isa.

"Mahal na mahal kita Andrew" ang huling sabi ni Ramil, bago nagdilim ang paligid at nanahimik ang lahat.

"The end" haizt hindi ko talaga alam kung okay na ba tong ending ng kwento, kailangan ko talagang matapos ito eh, Okay lang naman siguro kahit namatay ni Ramil diba, nalaman naman nila sa huli na mahal na mahal nila ang isa't isa eh. Nakaka-sira ng utak , sumasabay pa kasi yang Blake na yan, wrong timing naman siya magpakita ulit.

"Anung oras na, hindi ka pa ba matutulog?" sabi ni nanay saakin, andito kasi ako sa sala ngaun, habang ginagawa ko ang ending ni Ramil at Andrew. 

"Matutulog narin po nay, maaga pa po kasi ako bukas sa school." 

"Ubusin mo na yang gatas mo nang makatulog ka na kung ganun." sabi ni inay bago siya pumasok sa kwarto nila  ni itay.

Hindi ko alam kung anu ang magiging wakas ng kwento ko, kung si Blake parin ba ang nakatadhana saakin. Hindi ko din alam kung kaya ko pang bigyan si Blake ng isa pang pagkakataon, kung makita ko man siya ulit, baka masagot ko ang mga katanungan kong yan. Pero an laki talaga ng pagbabago ni Blake,  mas lalo siyang naging gwapo , pumuti din siya at gumanda ang katawan niya. Napapaisip din ako kung anu na bang pinagkakaabalahan niya , kung nag-aaral parin ba siya, or if natupad ba niya yung pangarap niya nung mga bata pa kami.

**************************************

LOVE STORY ( boyxboy ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon