LOVE STORY (Part Eight)

626 14 1
                                    

"Ramil!!!!" sabi ng nakangiting Andrew sa kabilang kalsada...aktong tatawid si Andrew para lapitan si Ramil para ipaalam sa kanya ang kanyang sagot sa sulat na kanyang nabasa. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay napansin ni Ramil na my isang mabilis na sasakyang papalapit at hindi ito nakita ni Andrew....

"Andrew!!!!!" yan ang sigaw ni Ramil at agad siyang tumakbo para ilagtas ang binata, mabilis ang tibok ng kanyang puso, sing bilis ng mga pangyayari. Nakita lamang niya si Andrew umiiyak sa harapan niya at siya naman ay nakahiga na tila manhid ang buong katawan.

"Mahal kita Ramil, mahal na mahal kita....alam kong naguguluhan ako pero mahal na mahal kita..." humahagulgol si Andrew, sinisisi niya ang sarili niya na dahil nuon palang alam niyang iba na ang pagtingin niya kay Ramil, pero itinago niya ito, at ngaun, ngaun kong kailan nagtapat ang nag-iisang lalaking minamahal niya ng patago ay nakahiga sa kalsada at duguan. Ngaun kong kailan alam niyang mahal rin siya ni Ramil at ngaun kung kailan nalaman niyang tunay na pag-ibig nga ang nararamdaman niya, nangyari ang ganito.

Naging mabilis ang pangyayari, nang makita ni Ramil na papalapit na sasakyan ay agad agad siyang tumakbo kay Andrew para itulak ito papalayo sa kapahamakan, pero sa hindi inaasahan si Ramil ay nabunggo ng sasakyan. Nakahiga ang duguang mukha ni Ramil sa binti ni Andrew, pinipilit niyang huminga at labanan ang pangyayari, habang hawak hawak ni Andrew ang kanyang mga kamay at umiiyak, tuwang tuwa siya at napangiti ng marinig niya ang sabi ng binata, napangiti siya sa pagtatapat ni Andrew na mahal rin pala siya nito.

Inipon ni Ramil ang kanyang lakas, para i-angat ang kanyang kaliwang kamay upang punasan ang mga luha ni Andrew. Binigyan niya ng napakatamis na ngiti si Andrew, habang nakatitig sila sa mata ng isa't isa.

"Mahal na mahal kita Andrew" ang huling sabi ni Ramil, bago nagdilim ang paligid at nanahimik ang lahat.

Bakit nga ba sa huli lagi natin naiisip ang lahat ng mga bagay na importante saatin, my mga bagay na tila wala tayong paki-alam pero pag nawawala ang bagay na ito doon naman natin malalaman kung gaano pala ito kahalaga saatin. Minsan dapat tayong maging matapang at sabihin ang tunay nating nararamdaman habang meron pang pagkakataon, dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng second chance para i-tama ang lahat, second chance para maging masaya , and second chance para ma-i-paramdam sa taong mahal mo kung gaano ito ka-importante sa buhay mo.

Hawak-hawak ni Andrew ang kamay ni Ramil habang nakahiga ito sa kanyang kama sa hospital, wala paring siyang malay, tatlong araw na ang nakakalipas at si Ramil ay di pa nagigising, sabi ng mga doctor asa state of  coma raw ito . Hindi kailan man iniwan ni Andrew ang binata, nangako siya na asa tabi lamang siya ni Ramil hanggang siya'y magkaroon ng malay. Hindi nawawalan ng pag-asa si Andrew, pero hindi rin ibig sabihing wala nang luhang papatak sa mga mata niya.

"Ramil, please gumising ka na, please ...." pag-mamakaawa ni Andrew sa walang malay na si Ramil, ilang libong beses man niya itong sabihin ay hindi siya titigil hanggang magising ang kanyang minamahal. 

"Ramil, mahal na mahal kita.... mahal na mahal kita..." bulong ni Andrew sa tenga ni Ramil, habang ang luha niya ay pumamatak sa kanyang mga mata, hawak hawak ni Andrew ng mahigpit ang kamay ni Ramil, nagmamakaawa, umaasa at naniniwala. 

Laking gulat ni Andrew ng maramdaman niyang gumalaw ang mga kamay ni Ramil, nang maramdaman niyang hinawakan ni Ramil pabalik ang kanyang mga kamay. Bumilis tibok ng puso ni Andrew, sumigaw siya ng sumigaw ng "nurse!", humingi siya ng tulong , hinintay niyang makarating ang mga doctor at nurse para tignan ang kalagayan ni Ramil.

Unti-unting binubukas ni Ramil ang kanyang mga mata, at lalong humighigpit ang hawak niya kay Andrew, pinaparamdam niyang wag siyang iiwan at andito na siya ulit. Yun nga ang ginawa ni Andrew, habang i-ni-examine siya ng doctor asa tabi lang ni Ramil si Andrew magkahawak ang kanilang mga kamay. Lumuluha si Andrew habang siya ay nakangiti, masaya , hindi lang masaya kundi sobrang saya ng kanyang puso, dahil hindi siya nawalan ng pag-asa at hindi siya sumuko na balang araw magigising ang kanyang mahal na si Ramil.

"Mahal na mahal kita Andrew" mahinang sabi ni Ramil, habang dumadaloy ang luha sa kanyang mata, hawak parin ang kamay ng nakangiting Andrew sa kanyang harap.

"Sobrang mahal na mahal kita Ramil..." Sagot naman ni Andrew habang pinupunasan ang mga luha ni Ramil, nakangiti, nabuhayan at nabigyan ng pag-asa. Nilapit ni Andrew ang kanyang mukha sa mukha ni Ramil, at hinalikan niya ang binata sa kanyang mga labi ..."Hinding hindi kita iiwan..." 

Sa buhay natin, dapat nating ipahayag palagi sa taong mahalaga saatin kung gaano sila ka-importante sa buhay natin. Iisa lamang ang nakatakda sa ating buhay upang mahalin yan ang sabi nang mga nakakatanda, at dapat nating ipaglaban, at wag bitawan ang taong nakalaan para saatin. Second chances are not for everybody but if given that second chance never make the same mistake again, or you might not get another chance at all. God will always give us the opportunity to make the wrong thing right. 

************************************

"Great work, Mr. Santevero!" yung ngiti ni Editor abot tenga, "this will be published on the next issue of our student news paper. good job!" yes nakuha ko pong ibahin ang ending ng love story nila ni Ramil at Andrew. Second chances are given to the right person, and I also think I made the right decision to give that second chance to Blake. 

Destiny - /des/ti/ny - according to google ito daw ay "the events that will necessarily happen to a particular person or thing in the future."

Fate - /fāt/ - according to google ito naman daw ay "the development of events beyond a person's control, regarded as determined by a supernatural power."

Fate or Destiny kung anu man ang nangyari saamin ni Blake , I always believe that we will always be given the choice to be happy. And the choice I made did made me feel happy. Ibang iba na si Blake, todo effort nga siya eh, hatid sundo niya ako araw araw, tapos minsan nanood kami ni Rhian ng gigs niya sa Club pag weekends. Tapos ilang buwan naman na ay graduate na ako, sobra-sobrang saya ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Bakit mo nga naman ba ilalayo ang sarili mo sa source of happiness mo diba? Maging matapang at harapin ang bukas nang nakangiti, yan ang lagi ko pinapaalala sa sarili ko. I know that when you Love dapat ready ka in masaktan, kasi the more love you give the more pain you also get or even higher. 

Ang kwento namin ni Blake ay maguumpisa ulit isulat ng tadhana. 



LOVE STORY ( boyxboy ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon