Third Person's Pov
With the Archduke's fast reflexes he immediately grab the unconscious princess into his arms.
Nagmamadali niyang dinala ang dalaga sa sariling silid nito at puno nang pag-iingat na idiniposito ito sa kama.
Agad naman na nakasunod ang personal na katulong ng dalaga at ang sekretarya ng Archduke sakanya.
"Call the physician this instant!" Malamig man ang tono ng Archduke ay batid parin ng dalawa (Anna and Acremon) ang pag-aalala nito para sa dalaga.
"Yes your grace." Mabilis ang mga naging hakbang ni Acremon paalis.
"What else did she do before coming to my office?" Tanong ng Archduke kay Anna.
Napalunok ang huli. Kinakabig ng pinaghalong kaba at pag-aalala ang kanyang dibdib. Hindi niya rin alam kung papaanong bigla na lang nawalan nang malay ang kanyang pinaglilingkurang prinsesa, gayung maayos naman ito bago umalis ng kanyang silid.
"You grace, the Princess just took a hot bath and after that I helped her to dry herself before coming to your office. Aside from that she done nothing," matapat na tugon ni Anna.
Hindi na muli pang nag salita ang Archduke. Bagkus ay naupo siya sa isang silya sa gilid ng kama ng Prinsesa. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito. Habang seryosong pinagmamasdan ang wangis ng dalaga.
Hindi pa man nakalilipas ang oras ay hindi na naging maganda ang pananatili ni Nefeli sa Archduchy. Hindi inaasahan ni Alfonse na mangyayari ang ganitong bagay gayung kababalik pa lamang nang kanyang nag-iisang anak na babae.
Napatiim ang Archduke. Marahil masasabi nang makakakita sakanya ngayon na tila wala lang sakanya ang nangyari dahil sa kablangkuhan ng kanyang mga mata, ngunit sa loob-loob niya labis ang kanyang pangamba at pag-aalala para sa dalaga.
Hihiling siya sa lahat ng Diyos, kahit wala sa kanyang natural na pagkatao ang sumamba sa mga Diyos, gagawin niya para lang masigurong magiging maayos ang anak.
Hindi nag tagal ay nakabalik narin si Acremon, dala nito ang isa sa pinaka kilalang physician sa Norte- Si Nolandron Debois. Anak ng isang Baron na tumakas mula sa kanilang kuntinente.
"I'm here your grace. What happened to the Princess?" Tanong ni Nolandron at lumapit sa kabilang gilid ng kama para tignan ang kalagayan ng dalaga.
"I don't know. She suddenly collapsed," the Archduke replied.
Napatango ang physician. Inangat niya ang braso ng dalaga. Pinakiramdaman niya ang pulso nito. Napakunot ang kanyang nuo nang maramdaman ang kakaibang ritmo sa pala pulsohan ng Prinsesa. Hindi ito normal.
"What is this?" Wala sa sariling naisatinig ng physician.
"What happened to my daughter?" The duke inquire.
"Her pulse beat is not normal, your grace. A human's pulse beat normally ranges between 60 to 100 beats per minute. But to the Princess' case- I don't think it's normal. Her pulse beats races rapidly and then in a second it will stop and then goes rapid again."
Shocked were written on the Archduke's face on what he had heard. Para naring sinabi nito na nasa bingit ng kamatayan ang prinsesa.
"Are you saying that the princess is barely breathing?" Naibulalas na tanong ni Acremon sa gulat din nito.
"You could say that," ani ng physician.
"It's can't be.." bulalas ng Archduke. Gulat at pangamba naman ang bumalatay sa mga mukha ni Acremon at Ann.
"I apologize your grace, you can punish me for being an incompetent physician for I couldn't heal the Princess," sambit ng physician. Nakayuko at tila tinakasan ng kulay ang mukha.
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasiRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...