Prolugue

35 1 0
                                    

Margaux's POV

"Ayaw ko nah!" sigaw ko sa aking asawa. Puno na ng luha ang aking mga mata kahit matapang akong nakatingin sa kanya.

Hindi ko na kaya ang pananakit nya sa akin. Ang pagyurak nya sa aking dangal at pagkatao.

He is my husband for months now. Sya ang kusang humiling na pakasalan ako.
Dahil sa malaking utang na loob ko sa mga kinilala kong mga grandparents, kaya hindi ako nakatanggi sa kagustuhan nila na ipakasal ako sa kanilang apo.

Hindi ko man alam ang dahilan ni Andrei para pakasalan ako, pikit mata ko syang pinakasalan, kahit alam kong hindi maganda ang intensyon nya sa pagpapakasal nya sa akin. Hindi ko lang lubos akalain na mas mahirap pala ang dadanasin ko sa kanyang mga kamay na higit pa sa inaasahan ko.

I am his battered wife. And he is my abusive and cheater husband.
Harap- harapan nyang ipinapakita sa akin ang pagtataksil nya sa kasal naming dalawa. Pero, ang mas masakit at hindi ko kayang tanggapin ay ang katotohanan na sa kabila ng lahat, minahal ko parin sya.

Kaya ngayon, pati puso ko ay durog na durog at wasak na wasak.

"Ano bang kasalanan ko sayo at ginawa mo ito sa akin? Ito ba ang dahilan mo kaya mo ako pinakasalan? Ang pahirapan ako?" tulong luha kong tanong sa kanya.

Mas lalo akong nanghina sa mga titig nya sa akin na puno ng pagkasuklam.

"Kasalanan mo dahil ipinanganak ka sa isang demonyong ina."

Hindi ako makakilos. Bakit ba galit na galit sya kay mommy?

"The only reason why I married you is to make your life miserable. My mission in life is to ruin you, and only to ruin you."

The Inheritor's Revenge - (The Heirs 3)Where stories live. Discover now