(Margaux)
Nakatayo lamang ako sa isang gilid. Hindi ako nakipag- usyoso sa mga bisita, kahit pa sabihin na karamihan sa mga dumadalo ay mga kakilala ko.
Bata palang ako sanay na ako sa mga ganitong party. 'Yon ang mga bisita ay puro mayayaman at sikat.
Nakatakdang ipakilala si Andrei ngayon bilang nag- iisang tagapagmana ng mga Salvador.
"Kanina pa kita hinahanap. Nandito kalang pala."agad na sabi sa akin ni Jasper nang nakalapit sya sa akin.
Boyfriend ko sya. Anak sya ng isang investor ng Bridgestone.
Limang taon muna kaming magkaibigan saka nya ako niligawan, at sinagot ko naman sya. Mahal ko din naman sya.
"Alam mo naman ang totoo, diba? At ano talaga ang purpose ng party ito. I know I will be the center of tsismis later on." Ani ko.
Napatawa ako ng mahina para maitago ang totoong saloobin ko.
"Don't worry, I can make you a princess again. Sabihin mo lang at isasama na talaga kita." malambing n'yang sabi.
Mula sa likuran, yumakap s'ya sa aking baywang. Sadyang malambing si Jasper. Kaya mas lalo ko s'yang minahal. Para sa akin, s'ya nalang ang natira sa akin ngayon. Swerte parin ako dahil lagi s'yang nandito para sa akin.
Haharap na sana ako kay Jasper nang nahagip sa aking paningin ang dalawang mata na matalim na nakatingin sa amin. Hindi ko mapigilan ang makadama ng kakaibang kaba na napatanto ko na si Andrei ang may- ari ng mga mata na yon.
Nakatayo s'ya sa isang gilid, sa medyo may kadiliman bahagi. Tila umiiwas s'ya sa mga tao. May hawak s'yang baso. Sa tingin ko, alak ang laman nung.
Sandaling nagkatama ang mga paningin naming dalawa. Binawi ko agad ang aking paningin dahil sa hindi ko matagalan ang kanyang mga titig.
Bakit ba masyado s'yang nakakatakot kung tumitig?
"Hey, is there something wrong?" puna ni Jasper sa akin. "Para kasing kinakabahan ka at namumutla ka rin."
Ramdam ko ang pagkaalala sa boses ni Jasper. Nakaharap na s'ya ngayon sa akin.
"I-- I'm fine!" kinalma ko ang aking sarili.
Bakit ba may kakaibang epekto sa akin si Andrei. May nadarama akong takot at kaba sa kanya. Para kasing may masama s'yang balak sa akin. Kung makatitig kasi s'ya sa akin, parang kaya n'ya akong kainin na buhay.
****
****
"First of all, I would like to say thank you all for coming this very important day of our family." Ani ng Lolo ko.
Hawak n'ya ang isang mic. Napako sa kanya ang atensyon ng halos lahat. "For everyone to know, Margaux is not a real Salvador. She is just an adopted daughter of my son Lemuel at his wife Helen."
Nasaktan ako sa aking narinig.
Talagang ipinalabas na ampon lamang ako. Kahit ang totoo, anak ako ni mommy sa ibang lalaki. Siguro, gusto lang pangalagaan ni Lolo ang apelyidong Salvador.
YOU ARE READING
The Inheritor's Revenge - (The Heirs 3)
RandomMargaux's life took a drastic turn when her grandparents discovered she was not their real granddaughter. The love and affection they once showered her with gradually disappeared as they shifted their attention to their true heir. Andrei, the true h...