Episode One

10 1 0
                                    

Margaux's POV

      Napatago ako sa isang sulok habang nakikinig sa pinag- uusapan ang mga grandparents ko at ng isang doctor, kasama ng mga ito ang nagpakilalang Andrei Velasco.

      Nagpakilala si Andrei bilang nag- iisang anak ng kinilala kong ama sa loob ng labing apat na taon.

       Rinig na rinig ko ang sinabi ni Dr. Cruz. 25% sa DNA ni Andrei ang nagpapatunay na isa nga syang tunay na apo ng mga kinalakihan kong grandparents.

     Ibig sabihin isang tunay nga na Salvador si Andrei. Anak nga sya ni daddy. At sya ang nag- iisang tunay na tagapagmana ng mga Salvador.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili at napatulo ang luha ko. Ngayon kasi na nakita na ang tunay na anak ni daddy. Mas lalo nang walang saysay ang papel ko sa buhay ng mga Salvador.

I am Margaux Cuervas, dati kong gamit ang apelyidong Salvador. Ginamit ko na ngayon ang apelyido ng mommy ko.
14 years na inakala ng grandparents ko na tunay nila akong apo, pero anak pala ako ng aking mommy sa ibang lalaki.
Kalaunan, nalaman ng aking ama na nagkaanak pala sila ng kanyang dating kasintahan at ngayon nga nahanap na ang nag- iisang tagapagmana ng mga Salvador sa katauhan ni Andrei.
Bago pa tuluyang nahanap si Andrei, namatay si daddy dahil sa intake ito sa puso. Kaya hindi man lamang nakilala nito ang anak bago ito mamatay.

Bata palang ako ay naramdaman ko na dismayado ang Lolo at daddy ko sa akin. Isa kasi akong babae at ang paniwala nila, hindi bagay ang isang katulad kong babae para mamahala sa negosyo ng mga Salvador.

Isang napakalaking construction company, na kilalang- kilala sa buong bansa ang negosyo ng mga Salvador. Ito ay ang Bridgestone Construction Company.

Sa kabila ng pagtanggap parin ni daddy sa akin bilang anak nya kahit hindi naman, ramdam ko parin na mas lalong lumamig ang pakikitungo nina Lolo at daddy sa akin.

Alam kong mas lalo silang naging dismayado sa akin. I did everything to please them, but they only saw my mistakes. At ang laging sinasabi ni daddy sa tuwing nagkakamali ako, hindi kasi ako tunay na Salvador.

Earlier, Andrei and I faced each other before the doctor arrived. I couldn't understand why I immediately felt fear and anxiety towards him.

When Andrei was staring at me, it seemed like I could read hatred in his eyes. I don't know why he was looking at me that way, as if he was extremely angry with me.

I got goosebumps just thinking about how Andrei was looking at me.

*****
*****
"Oh! Anong kailangan mo sa akin?" tanong agad ni mommy sa akin nang ako ang napagbuksan nya ng pinto nitong condo unit nya.

Mula nang nalaman ni daddy na hindi nya pala ako tunay na anak, nagkahiwalay sila ni mommy at naiwan ako sa pangangalaga ni daddy.

"Mom, sasama na ako sayo. Nakita na nina Lolo at lola ang tunay nilang apo. I don't know if they still need me." lakas loob kong sabi kay mommy.

Magkaharap na kaming nakaupo ngayon sa sofa na nandito sa sala ng condo unit nya.

"Bakit? Pinapalayas ka na ba ng dalawang matanda?"

"Hindi pah! Wala naman silang sinabi sa akin."

Nagsusumamo ang mga titig ko sa kanya.

"Hindi naman pala! Wag ka ngang tanga." galit na sabi ni mommy. "Ang ganda ng buhay mo doon. Tapos, ipagpalit mo lang sa letseng buhay ko ngayon. Kung bakit kasi kailangan mo pang magkasakit noon. Nalaman tuloy ng daddy mo na hindi ka nya tunay na anak. Bakit ba kasi napakamasakitin mo?"
Paninisi ni mommy sa akin.

I admit, I harbor a lot of resentment towards her. Ever since I was a child, I hardly felt her love and care for me as a mother. I felt more loved by my dad, even though I wasn't his biological child.

That's why it was so easy for her to leave me with people who aren't my real family. She didn't even consider what my life would be like with the Salvadors. How Grandpa and Grandma would treat me, knowing I wasn't their real grandchild and was born out of Mommy's infidelity. She didn't care about me at all.

Masyadong kong dinaramdam ang ginawa nya sa akin. Hindi man lamang sya humingi ng tawad sa akin. Pinatawad ko sya kahit wala akong narinig mula sa kanya.

Mahal ko kasi si mommy. Kahit pa sabihin na wala syang pakialam sa akin bilang nag- iisa nyang anak. Hindi nga sya nangungumusta sa akin. Kailangan ko pa syang bisitahin dito para makita sya.

Binibisita ko sya kahit pa ramdam ko na ayaw nyang binibisita ko sya. Hindi ko sya maiintindihan.

Bakit parang ayaw nya akong makita?
Masakit isipin na sa panahon na kailangan ko ng ina, wala sya sa aking tabi.

I am just 17, young, innocent at mahina. Kailangan ko ang kalinga nya bilang ina. Kailangan ko sya, lalo na ngayon na hindi ko alam kung anong klasing buhay ang naghihintay sa akin. Wala akong ideya kung paano harapin ang naghihintay na maging bagong buhay ko.

"Mom, please!" napatulo ang luha ko.

"Wag mo nga akong dramahan, Margaux. Hindi telenovela ang buhay mo. Wag kang umalis sa poder ng mga Salvador." lumanghap sya ng hangin.
Nagsindi sya ng sigarilyo at naninigarilyo sya sa harapan ko. Maliban sa paninigarilyo, isa sa mga bisyo nya ay ang pumunta sa mga casino para magsugal.

"Imbes magdadrama ka dyan! Bakit hindi ka mag- isip kung paano akitin ang apo ng dalawang matanda para hindi ka mapaalis sa mansyon."

Sandaling napaawang ang labi ko sa sinabi nya.

"Ano po?"
Laking mata ako, hindi lubos makapaniwala sa sinabi nya.

"Sa mundong ginagalawan mo Margaux, hindi kalang dapat matalino, dapat wais karin at tuso. " Hinagod nya ako ng tingin.

"Gamitin mo ang gandang ibinigay ko sayo, para mauto mo ang apo ng mga Salvador. Diba, laking hirap iyon, sigurado ako na kaya mo yon paikutin sa palad mo." mahina syang napatawa.

Kinilabutan ako sa sinabi nya. Para nya akong ibinugaw sa Andrei na 'yon.
Hindi ko mapigilan ang mapaluha sa sinabi nya. Hindi ko lubos akalain na aabot sa ganito ang pagiging walang pakialam nya sa akin.

Hindi ba nya naisip na pwede kong ikasama itong sinabi nya? Paano nya naatim na sabihin sa akin na gawin ang ganitong bagay. Parang nadudungisan ang pagk*babae ko.

"H- Hindi ko po kayang gawin yan!" pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko lubos akalain na ito ang mapapala ko sa pagpunta ko ngayon dito sa kanya. Akala ko pa naman dadamayan nya ako. Mukhang wala na akong maaasahan kundi ang sarili ko na lamang.

"Ikaw din! 'Yan ang pinakamagandang advice ko sayo. 'Yan lang ang tanging kasagutan sa mga problema mo ngayon." pahabol nya sa akin.

Hindi ko sya pinansin. Diretso lang akong lumabas sa condo unit nya.

Nag tuluyan na akong nakalabas, napasandal ako sa dingding ng condo nya at nagbagsakan na naman ang luha ko.

Paano ito nagawa ni mommy sa akin? Hindi lang nya ako pinabayaan, parang sinasabi pa nya sa akin na gamitin ko ang katawan ko para maakit ko si Andrei Salvador.

The Inheritor's Revenge - (The Heirs 3)Where stories live. Discover now