Kazumi POV'S
'May boyfriend ka na?'
'Sa ganda mong yan wala kang Jowa?'
'Weh? di nga? bakit wala kang boyfriend?'
Ilan sa mga tanong na 'to na paulit-ulit at nakakarindi pakinggan.
SINGLE.
I'm Kazumi Takahashi, Half Filipino and Half Japanese. Bata palang ako naghiwalay na ang parents ko sa Japan kaya't sa mother side ako lumaki. Actually my mother is a Filipina pero di maikakailang anak ako ng isang hapon dahil surname pa rin ni papa ang gamit ko. Sa pilipinas ako lumaki kaya sa paglipas ng panahon ay natuto ako ng kanilang wika. Paminsan-minsan ay natutukso ako ng ibang tao dahil sinasabi nilang putok ako sa buho o di kaya ay singaw kesyo ang layo daw ng mukhang naming mag-ina.
Ehem! excuse me sa kanila, maganda ang nanay ko kaya maganda rin ako che! mga ingget!!!!
Balik tayo sa topic, I'm currently studying here in Manila sa isang University. Dati kasi wala akong mga naging kaibigan simula elementary to high school but now nung nakatungtong ako ng college laking blessings na dumating sila sa buhay ko. I have four best friends na simula first year college hanggang ngayon ay magkakasama parin kami same course eh kaya malamang same block section. Fast forward, sa aming lima dalawa ang may boyfriend then kaming tatlo nalang ang wala pa. Matira matibay nga eh kasi ang tanging ginagawa ko ay walang iba kundi ang magbasa ng magbasa ng wattpad.
Familiar naman siguro kayo dun right? halos gabi-gabi ayun ang pinagpupuyatan ko minsan imaabot pa ng tilaok ng manok bago ako matulog at mahuli ng nanay ko. My friends mahilig talaga sa galaan to the max mga big time kasi eh mayayaman ang mga parents nila kaya makagastos ng pera wagas. Pag niyayaya nga ako like sama sa ganito sa ganyan tara party then ano ang sagot ko?
NO. BIG NO.
Hindi sa killjoy ako ha pero ang life ko umiikot lang sa bahay skwelahan, skwelahan bahay. Hindi ako pala goodtime somewhere sadyang nasanay ako sa praktikal na buhay and walang katuwang si mama sa bahay kaya di na ako sumasama.
Fast forward again, Sa aming lima masasabi kong ako ang lapitin ng lalake. Oo, wag kana mag reklamo dyan ako nga talaga. Kasi sa tuwing may gustong makipag kilala saking lalake lalo na pag may umaamin sakin na 'Crush' daw ako nginingitian ko lang, minsan nagte-thank you nalang ako. Sabi ko sa inyo ganito ka-boring life ko kung sa palagay nyo lang ha pero kasi sa ganito ako nag eenjoy kaya malaya kong nagagawa ang mga gusto ko. Pag may boyfriend ka kasi sakit lang sa ulo eh, gastusan sa isa't-isa tapos hindi pala kayo ang end game shiiiiish that's crazy! masaya lang sa monthsarry pero di umabot sa anniversary HAHAHAHAHAHA. And wait ha, speaking of boyfriend, maraming nagtatanong sakin kung ano daw status ko, pero wag ka may sagot ako dyan....
HE'TO TULALA ANG STATUS KO, GUTOM NA RIN PARA SURE.
Kaya maraming naiinis sakin na mga manliligaw parang lalake daw ako kung umasta, praning pa kung minsan pero wala akong pakealam dahil....dahil.....dahil.....
"MS TAKAHASHI"
Tumalbog sunod-sunod ang puso ko sa biglang sigaw ni Sir Alvarez.
"Sir sorry po...ano po uli?" Lutang kong tanong.
"Yan ang napapala ng di nakikinig sa klase. I'll repeat the question, what is the purpose of studying social studies?"
Shit! nakakahiya ang daming mga matang nakatingin para akong gustong kainin. Pwede bang kainin nalang ako ng lupa sa sobrang kahihiya.
"Ahmm...sir...i didn't know the answer po." Tugon ko habang ang atensyon ng buong klase ay nasakin parin.
"Wala kang maisagot? then you will remain standing, anyone would like to answer?"
YOU ARE READING
NBSB: No Boyfriend since birth.
RomanceNBSB ang isang addicted wattpad reader na si Kazumi. Sa lahat ng barkada siya nalang ang bukod tanging wala pang Jowa. Mataas ang standard kaya bawat nanliligaw sa kaniya ay matinding pagsubok ang ginagawa. Ngunit isang araw ay may pumana sa kaniyan...