Kazumi POV'S
Pagkatapos ng Breaktime ay nagpaalam muna ako sa kanila tumambay muna sa library. Since wala kaming next subject kaya gusto ko munang mag relaks sa favorite place ko.
"Guys una na kayo punta lang akong library." Paalam ko sa kanila.
"Sge bhe kita nalang tayo sa room." Sabi nila.
"Ingat Kazumi." Sabay kaway ni Ryan saka pumihit papunta sa way ng library.
Dito sa area na 'to ay medyo bawas na ang ingay kaysa kanina. Wala rin masyadong tao maliban sa mga ibang nakatambay dito sa hallway at naggi-gitara. Nang makarating ako sa library ay sinenyasan ako ng librarian ng placard na may nalalagay na SILENT. Agad kong binaba ang bag ko't saka pumunta sa helera ng mga libro. Naghahanap ako ng magandang basahin pero karamihan dito ay puro pang Marketing and Engineering.
"Ba't parang wala dito—Ms excuse po, May libro po ba kayo dito na related sa films and writing scripts?" Tanong ko sa isang student na nagmo-monitor sa mga books.
"Wala yata eh di ko lang po alam, try nyo po hanapin banda dyan baka meron." Sagot niya.
"Ah sge po salamat." Nakarating ako sa duluhan ng aklatan pero wala pa rin yung hinahanap ko.
Actually kanina pa ako nilalamig buti nalang naka jacket ako.
Sa dulo malapit sa kinatatayuan ko, sa di kalayuan may isang lalakeng nakaupo at tahimik itong nagbabasa. Ang weird niya kasi nakahood ito ng jacket na itim, nakafacemask, at nakasalpak ang earphones sa kaniyang tenga.
"Ah hello excuse me, pwede bang magtanong?" Umawang bahagya ang kaniyang mukha na tanging mata lamang ang nakikita.
"ano yun?" Sarkastikong tanong niya na para bang naistorbo sa binabasa.
"May alam ka bang books po dito na related about film and writing scripts?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya. Hindi siya tumitingin sakin at talagang pinagtutuunan niya ng atensyon ang binabasa. "Hello excuse me, may tao pong nagtatanong."
"Will you please don't disturb me?" Naiinis na sabi niya.
"Hindi kita iniistorbo nagtatanong lang."
"Look! you have eyes then why don't you try to find by yourself? kita mong nagbabasa ako."
"Aba! yabang mo ha akala mo kung sino. Hoy! lalakeng arogante't mayabang pwede bang umayos ka ng sagot? nakakapikon ka eh."
"Edi mapikon ka tsk!" Sinadya kong ihulog sa kaniya ang ibang libro, dahilan para lalo siyang madistract sa pagbabasa. At nung sunod ay sinara niya ang librong binabasa saka siya tumayo na para bang may halong angas na pagtayo saka tumingin sakin ng masama.
Nang makita ko siya ay nanlaki ang mga mata ko at napanganga na lamang sa angking ka-gwapuhan ng nilalang na 'to.
"Are you stupid? why did you do this? papansin ka ba para manggulo o sadyang baliw ka lang at kulang sa atensyon?" umiigting na sa galit ang kaniyang panga na tila malapit na akong saktan.
"So-sorry nagtatanong lang naman ako ka—"
"Kahit na! minsan ang katangahan hindi inaapply. Nakikita mo namang nagbabasa ako kanina diba wala ka bang mata?" napapaastras ako sa takot habang siya ay lumalapit sakin. Parang gustong manakal.
"Go-Gomenasai! Gomenasai!" Napasandal ako sa pader and yes na corner niya ako. At dahil kaharap ko siya kitang-kita ko ang maamo niyang mukha.
Kung titignan talagang masasabi kong ang perfect shape ng kaniyang face. Makapal na kilay, Matangos na ilong, Yung labi niyang pinkish na walang bitak-bitak na balat, at yung mga mata niyang color brown at mahabang pilik-mata. jusko! para siyang cosplay na lalake na talagang masasabing 'WOW' and maputi rin sya by the way.
YOU ARE READING
NBSB: No Boyfriend since birth.
RomanceNBSB ang isang addicted wattpad reader na si Kazumi. Sa lahat ng barkada siya nalang ang bukod tanging wala pang Jowa. Mataas ang standard kaya bawat nanliligaw sa kaniya ay matinding pagsubok ang ginagawa. Ngunit isang araw ay may pumana sa kaniyan...