Kazumi POV'S
"Thank you guys! see you tomorrow!" Pagpapaalam ko sa kanila at saka na ako umuwi ng bahay.
Hayst! grabe hassle today. Sobrang stress and kapagod rin, ngayon lang ako nakaramdam ng pagod yun bang parang biglang bagsak katawan. Usually ako sa tagal kong nag aaral bihira ako makaramdam ng pagod pero ngayong nag college na ako Jusko! 8 hours na tulog ang hinahanap ng katawan ko hindi pakikipag-date sa kung sinomang halimaw sa labas ng kalye. Call me weirdo and bitter hinding-hindi ako makikipag-chukchakan sa lalakeng hindi kasing taas ng standard sa wattpad. Thankful pa ako na nagkaroon ng mga ganitong libro eh why? kasi sa wattpad ka lang makakabasa ng mga lalake kung paano nila ta-tratuhing reyna ang babae. Di katulad sa reality hay jusko! iilan nalang mga loyal sa panahon ngayon yung iba sukatan kung ilan ang naging jowa. Ewan ko ba sa mga tao parang gusto ko nalang lumipat ng ibang planeta.
"Nakauwi na po ako. Ma! nandito na ako, san ka?" Nang makauwi ako ng bahay ginala ko ang mga mata ko sa buong bahay pero walang mama ang lumitaw at walang iba kundi si manang berta.
"Oh! nandyan ka na pala eh, kanina ka pa ba?" Tanong sakin ni Manang dahil galing ito sa kusina at bitbit ang kaserolang may mabangong ulam.
"Kakauwi lang po di nyo po ba ako napansin na pumasok?"
"Naku pasensiya na hindi eh. Magpahinga ka muna't alisin mo muna sa katawan mo yang bag mo." Muli kong iginala ang mga mata ko pero si manang berta lang talaga ang nag iisa dito sa bahay.
"Manang nasan po si mama?" Tanong ko sa kaniya.
"Ang mama mo? ang bilin niya sakin pag uwi mo asikasuhin daw kita kasi may importante daw siyang pupuntahan sinundo siya dyan kanina ng nakakotseng lalake."
Huh lalake? tama ba narinig ko?
"Lalake? paanong nagkaroon ng lalake dito sa bahay at nagpupunta pa?"
"Ewan ko ba dyan sa mama mo pero nag paalam naman siya sakin eh."
"Sa inyo eh paano naman sakin? at saka di naman naglilihim sakin si mama kaya imposible na kayo lang po ang sabihan."
"Ay naku! wag mo na masyadong intindihin ang mama mo dahil malaki na yun at saka uuwi rin naman daw siya."
"Ano pong hitsura nung lalakeng sinasabi mo?" Nakapwesto ako sa lamesa at naghahain siya ng makakain habang nakukwento. Isa-isa niyang nilalabas ang mga plato, kutsara-tinidor, baso at pitsel na may tubig.
"Mukhang yayamanin eh parang kakilala niya sa work. Mukha namang mapapagkatiwalaan." sabi niya.
"Mukha lang, paano kung hindi? Kay mama tiwala ako dahil alam niya yung ginagawa niya, eh dun sa lalake? wala!" Sabay subo ng kanin sa bunganga ko.
"Halatang gutom na gutom ka Kazumi."
"Masarap po kasi kayo magluto."
"Hindi ka nag tanghalian noh?"
"Kumain po pero di gaano."
"Sge pagkatapos mo dyan magpahinga ka na sa kwarto mo at ako'y may gagawin pa mamaya."
Mabilis kong naubos ang pagkain dahil sa masarap na luto ni Manang berta. Siya ang kauna-unahang katulong na nag alaga mula ng bata pa ako hanggang ngayon awa ng Dios kasama parin namin siya.
Kung magtatanong kayo nasan ang pamilya ni Manang Berta don't worry nasa probinsiya and kapag gusto niya umuwi sa kanila nagpapaalam naman siya pero pag mga oras ng trabaho lumuluwas uli siya.
Pumanik akong kwarto't nagbihis at ibinagsak ang katawan sa malambot na higaan. I feel soft and smooth pillows like a cloud yung tipong mas hinahanap ng katawan ko ang higaan kaysa bumangon ng maaga para pumasok kaso kasi required pumasok ng school dahil kung hindi ay naku! patay ako kay mother earth....
YOU ARE READING
NBSB: No Boyfriend since birth.
RomanceNBSB ang isang addicted wattpad reader na si Kazumi. Sa lahat ng barkada siya nalang ang bukod tanging wala pang Jowa. Mataas ang standard kaya bawat nanliligaw sa kaniya ay matinding pagsubok ang ginagawa. Ngunit isang araw ay may pumana sa kaniyan...