MSCF 1

59 2 0
                                    

A/n: If ever may cuss words, iyon ang sa tingin kong hinihingi ng eksena. Read at your own risk. Malaki ka na.

Aaron Ezekiel M. Lancaster - cousin of Phoenix sa NMWAYG written by writingtwins.. sa Lancaster side

Elizabelle Cassandrea Y. Arbenza-cousin of Phoenix sa NMWAYG sa Arbenza side at pinsan din ni Ranzel sa My Angel in Disguise.

Sa lahat ng nakabasa ng NMWAYG at MAID, baka kasi malito kayo :)

Ezekiel's POV

"I will marry you, Arkie boy!", naka-belat pang sabi nung babaeng nasa harap ko.

"You won't, you can't!", I shouted at her. Tinalikuran ko siya, ayokong makita yung mukha niya.

"Once I'm in, there's no way I'll be out of your life Arkie boy!", she flashed her devilish grin.

I really loathed that girl. She knows how to pester me.

"Mama! Tell her that I won't marry her", I told my mom. Huminto naman si mama sa paghuhugas ng bote ko, ititimpla niya pa kasi ako ng gatas. Oo na, ako na yung nagmimilk pa sa feeding bottle. I'm just 7 years old, don't judge me! (No one judges you, lol hahaha)

"You know Eiza, Arkie. You'll marry her someday." -mom winked at us.

Zeus ko! What the hell is going on? Even my mom? Lalo lang akong naiinis. Ugh! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa pakasalan ang babaeng yun.

"Sir, sir?"

Nagising ako sa pag-yugyog sa akin ni Manang Fe. I just motion her to go outside my room. I told her I'm okay and prepare my things already because I will be late in office.

That dream. No, it's not a dream. It's a nightmare. I'm glad I get rid of that girl. Totoong nangyari ang mga eksena sa bangungot kong yun.

Pagdating ko sa office, mukha agad nila Phoenix at Ranzel ang bumungad sa akin. Ibinaba ko na ang bitbit kong briefcase at hinarap ang aking mga bisita.

"Late ka na naman 'tol.", bati sa akin ni Phoenix.

"As if you're always here, Nix". He's a doctor. Madalas siya sa hospital na pagmamay-ari nila at hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito sa kompanya namin. Yes, NAMIN. Pagmamay-ari naming itong opisina na pinagtatrabahuhan ko. By the way, he's my cousin.

"Bakit nga pala nandito kayong dalawa?", I asked. Bihira lang ang mga ganitong tagpo na sabay silang dadalaw sa akin. Si Ranzel kasi, isa na siyang sikat na artista at busy ang schedule niyan. Pinsan ngapala siya ni Phoenix sa side ng mom niya kaya kami nagkakilala. Actually, kababata ko silang dalawa.

"Ayaw mo ba?", sabi ni Ranzel sabay tawa.

"Di nga, seryoso?", tanong ko.

"Nagkasabay lang kami nitong si Phoenix, may good news daw kasi siya."

"Good news?", taking tanong ko sa kanila. They looked tense yet excited.

"I'm engaged.", Phoenix broke the silence.

"Seriously?! Ikakasal na kayo n-nung yakuza mong girlfriend?".

Hindi ako makapaniwala. Kung makikilala nyo lang talaga yung girlfriend ni Phoenix, ang ganda pero kung makatingin parang papatay. Haaaay. Pag-ibig nga naman.

Natawa naman si Phoenix sa reaksyon ko. "Seryoso ako no. Dinala ko lang itong invitation para maka-attend ka sa engagement party ko."

"Congrats 'tol!", bati ko kay Phoenix. Nagkamay pa kami at nagbungguan ng balikat kagaya ng gawain namin dati.

"I'm planning to propose naman kay Clemente, guys.", nagkakamot ng ulo na sabi ni Ranzel.

"Aha! Finally, ang tagal mo din inantay ang pagkakataong 'yan Ranzel! Goodluck bro!", bati ko kay Ranzel.

"Ikaw ba 'tol, wala ka talagang balak magpakasal? Hanggang kailan ka makikipag-fling fling huh?", sabat ni Phoenix.

Tinawanan ko lang sila. Sa aming tatlo, ako lang ata ang maloko sa babae. Yung dalawa kasi, seryosohan mainlove. Naniniwala ang mga mokong sa true love at forever. Pwe, yolo!

"Bro naman, takot ka pa din sa kasal dahil kay Eiza (Elizabelle)?", pang-aasar ni Ranzel.

"Of course---NOT!"

Kapikon ah. That girl! Ugh! Dahil sa babaeng 'yun, naging allergic na ako sa kasal. Naiisip ko pa lang, nakakasakal na. And besides, wala talagang forever, magulang ko nga naghiwalay e. Tch.

"Hindi daw sus. 'Wag kami Arkie.". Phoenix

"Sira ulo 'tong mga 'to. Umalis na nga kayo, may trabaho ko uy! Nakuha ko naman na yung invitation diba?". Kinuha ko na ang patong patong na papel na nakapatong sa table ko at inisa-isang binasa.

"Harsh mo na sa amin tol porket boss na boss ka na dito sa kompanya niyo ah?" -Phoenix

"Hindi lang naman 'yun bro ang ipinunta ko dito. Bumalik na kasi si Eiza, e may welcome party siya. I-invite din sana kita."

Napa-angat agad ako ng tingin. Fud*e.

"WHAT?!"

They got me there.

Umakto namang tatayo na yung dalawa mula sa kinauupuan nila.

"Oh paano ba 'tol, una na kami. Ikaw naman ang nagsabi na umalis na kami e. So here's the invitation sa party ni Eiza. See you bro!"

"Saka busy din kami 'tol."-Phoenix

"T-teka!".

Kung kelan magtatanong pa ako saka naman tuluyang umalis yung dalawa. Sabagay, mainam na din yun baka isipin pa nila interesado ako sa pagbabalik ni Eiza. Hindi uy!

Balita ko, volunteer teacher na siya ngayon.

Napatitig ako sa invitation na nasa table ko ngayon.

Elizabelle Cassandrea Y. Arbenza.

#MSCF

My so-called fianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon