MSCF 3

20 2 0
                                    

MSCF 3

May cuss words dito. Kung maarte wag na magbasa, malaki ka na. Read at your own risk.

ENJOY :)

Nang lingunin niya ang dalaga ay nakita niyang umakyat ito sa may stage ng school nila at may hawak na megaphone.



EZEKIEL!!! I'M REALLY SORRY. HINDI KO SADYANG SABIHING BAKLA KA. ALAM KO NAMANG LALAKI KA TALAGA DAHIL FIANCEE MO NGA AKO DI BA? GUSTO KONG MALAMAN NG BUONG MUNDO NA HINDI AKO MALANDI, BERILAYT LANG! SADYANG MAHAL LANG KITA AT IKAKASAL TAYOOOO"


Holy sh*t! Urgh!


Gulat na gulat si Arkie at naikuyom nito ang kanyang mga palad. Lahat ng tao na nasa ground ng school ay matamang nakatingin sa kanya. Nais niya na lamang maupos sa kinatatayuan.



Dinamay pa talaga ako sa kalokohan niya!



Minabuti ng binata na umalis na lamang pero..


Lumayo ka man ay maiiwan ang bakas ng ating pagmamahalan! Ang awiting ito ay alaala na hindi kita malilimutan 'pagkat ikaw ang tanging laman ng aking mundo, ng aking puso, ng aking buhaaaaaaaaaaaay!!


Kailanman ata ay hindi na malilimutan ni Arkie ang tagpong iyon sa kanyang buhay.


May paiyak iyak pa si Eiza habang inaawit ang kanta ng aegis. Feel na feel pa ng gaga. Hindi makapaniwala si Arkie na may ganon palang klase ng babaeng nag-eexist. Like seriously? Babae pa ang naghahabol sa lalaki? Haaaay. People nowadays. *sigh*


Marami ring nagtataka kung bakit kaya hindi magustuhan nitong si Arkie si Eiza. Maganda naman itong si Eiza pero dahil sa kakabuntot niya kay Arkie, mababa ang grades nito dahilan upang maging section F ito. Hindi rin sanay sa hirap itong si Eiza dahil nagmula lang naman siya sa kapita-pitagang angkan ng Arbenza. Kilala ang Arbenza bilang isa sa pinakamayamang angkan sa buong mundo. Buong mundo talaga! Sothyal! Well, hindi nga talaga lahat ng bagay sa mundo ay nabibili ng pera. Kagaya nitong ating bida, hindi niya kailanman kayang bilhin ang pag-ibig. Pero pwede naman itong paghirapan di ba?



Mula pagkabata, alam na ni Arkie sa sarili niyang he was born NOT to love Eiza but to love Cheska. Inis na inis kasi siya sa ugali ni Eiza. Lahat ng bagay nakukuha nito at isinaksak pa sa utak ng mga tao sa paligid nila na fiancée niya ito. Naiinis pa siya dahil ang bobo nito para sa kanya. Ang layo ng agwat nila, section A kasi siya. Maka-bobo ano? Well ayan talaga ang tingin ni Arkie kay Eiza. Kulang na lang ay sapakin nya ang mukha nito at ingudngod sa tae ng kabayo sa sobrang inis.



Napasuntok si Arkie sa punong nasa harapan niya. Hingal na hingal siya mula sa pagtakbo palayo kay Eiza.

"Pwe. May pakanta kanta pa siya. Mukha siyang tanga! Bwisit! Ipinanganak ba talaga siya para bwisitin ako? Urgh. Paano na kami ni Cheska? Sinira talaga lahat nung babaeng yun ang plano ko. Akala ko ba may sakit siya? E anong ginagawa niya dito?!"


"E kasi naisip niya na malulungkot ka kapag hindi mo siya makita ngayong araw kaya ayun pinilit niyang pumasok ngayon."

"Malulungkot? EEWWW!", sagot ni Arkie ng di man lang lumilingon sa kausap.



"Oh", may nag-abot ng tubig.

"Than--- what the? Ikaw na naman!"



"Yeah ako nga, kinakausap mo nga di ba?"


"I-I'm not talking to you!"



"Huh? E sino kausap mo?"


"Urgh! Sarili ko ang kinakausap ko! Umalis ka nga!"


"My gaaaaaaaad may lagnat ka ba Arkie baby? Bakit mo kinakausap ang sarili mo? Nagdedeliryo ka ba?" sinalat pa nya ang noo nito na agad namang hinawi ni Arkie.


"Lalagnatin talaga ako kapag hindi mo pa ako tinantanan!"



"Grabe ka naman Arkie baby! Ano ako virus?"


"Virus ka talaga! Salot ka sa buhay ko! Layas!"


Nagtataka si Arkie kung bakit nakuha pang ngumiti ng dalaga sa itinuran nya.



"You're so naughty Arkie baby! Hindi naman kita ikikiss ngayon kaya hindi ka mahahawa sa sakit ko.. Gusto mo ng kiss no?"


"WHAT? YOU'RE CRAZY!!!!! GO TO HELL"


"Easy lang Arkie baby. Hell agad? Di pwedeng heaven muna? Well, I can bring you to heaven if you want!", humagikhik pa ang dalaga na lalong nagpairita kay Arkie.


"You're really crazy.."


"..crazy in love with you.."

"Fvck. Leave me alone, you creep!"


"Kanina nga nag-aalala ka sa akin na may sakit ako e"

"Whoa! I never did!Fvck you Eiza."


"Easy lang baby. Fvck agad?"


"Ugh. Please umalis ka na baka hindi kita matantya!"


"Hala ka? Bata pa tayo Arkie e. Next time pag graduate natin", she winked.


Napatulala na lang siya habang naglalakad ito palayo. Seriously?! Wala bang kapride pride ang unica hija ng mga Arbenza?




That.girl.is.really.damn.crazy.

Votes and Comments are highly appreciated.

xoxo,
Elcah

Kulitin nyo ako @twinelWP on twittah! Haha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My so-called fianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon