MSCF 2

19 2 0
                                    

MSCF 2

10 years ago..

Hingal na hingal si Arkie sa kakatakbo makalayo lang sa batang si Eiza. Malaki talaga ang galit ng batang lalaki dahil sukat ba namang ipahiya na naman siya nito sa eskwelahan.



Napaisip tuloy si Arkie. Hindi pa ba siya nadadala na since grade 1 ay inaayawan ko na siya? She's unbelievable!



Napasuntok siya sa punong nasa harapan niya. Nagbalik na naman sa isipan niya ang nangyari kanina.




~




Nung araw na iyon ay nag-ayos ng mabuti si Arkie. Sinigurado niyang ayos na ayos ang kanyang buhok. Hiningahan niya pa ang palad saka hinaplos ang iilang buhok na nakatayo. Napangiti siya sa harapan ng salamin. Ngayon kasi ang araw na magtatapat na siya ng pag-ibig sa crush na crush niyang si Cheska. Ilang beses na silang nagkakapareha ni Cheska sa patimpalak sa school. Hindi lang kasi gwapo itong si Arkie, matalino din siya. Si Cheska naman ang pinaka-pinapangarap na babae sa school nila. Grade 6 pa lang sila ngunit dalagang dalaga na kung ito ay kumilos at pumorma.



Handa na si Arkie sa pagpasok sa school. Hopeless romantic kasi itong bida nating lalaki kaya ang gusto niya ay si Cheska na ang una at huli niyang magiging girlfriend. Ni isa ay wala pang nagiging girlfriend itong si Arkie. Pero hindi po siya torpe. Sadyang hopeless romantic ang loko. Naniniwala siya sa true love at forever kaya kahit na sikat na sikat na siya sa school, at maraming nagkakagusto sa kanya, kemeduu lang. Dedma ever si Arkie.



Sana naman wala ng manggulo, bulong ni Arkie sa sarili.



Tanda niya pa kasi nung mapahiya siya ulit sa eskwelahan nitong Valentine's Day. Binalak niyang sa araw na iyon magtapat kay Cheska. Kagaya ng dati, marami na namang nag-aabang na babae sa kanya upang magbigay ng chocolates. Hindi nga siya nagkamali ng akala. Ang hindi lang niya inakala ay ang mga susunod na pangyayari.



"Tumabi kayong lahat!", sigaw ng isang boses na kilalang kilala ni Arkie. Napasapo siya sa kanyang noo. "Uh oh not again, Eiza."



Itinapon ng batang si Eiza ang mga chocolates na nasa kamay ng mga babaeng naghihintay kay Arkie.



"Ang kakapal naman ng mukha nyong abangan ang fiance ko! Hindi nyo ba alam na paglaki namin ay ikakasal kami? Chupi mga panget! Wala kayong lugar sa puso ni Arkie dahil ako lang ang mahal niya!", sigaw ni Eiza. Inambaan niya pang babatuhin ng bato ang mga ito.



"Kelan mo ba talaga ako titigilan Elizabelle?"




"Hanggang sa huling hininga ko."




Pagpasok niya noon sa eskwelahan ay usap-usapan ang nangyari. Hiyang hiya siya sa nangyari dahil hindi na nagsipasok yung mga babaeng inaway ni Eiza. Pakiramdam niya ay sinisisi siya ng mga tao dahil sa nangyari.



That girl! I really hate her.



Inis na inis siya nung araw na yun dahil nakita niya si Eiza na sobrang saya pa sa nangyari. Kumakandirit pa ito habang naglalakad. At may pasipol sipol pa.



"Nakuha niya pa talagang maging masaya na nakasira siya ng araw ng iba?" Hindi makapaniwala si Arkie sa nakikita niya. Mula noon hanggang sa ngayon ay isinusumpa niyang hinding hindi niya ito magugustuhan.



Lumabas na ng bahay nila si Arkie. Luminga linga siya sa paligid upang siguraduhin na wala nga si Eiza. Palagi kasi siya nitong inaabangang pumasok. Pinipilit siya nitong sabayan pumasok pero ni minsan ay hindi niya ito pinansin.



"Good. She's not here. Balita ko may sakit siya. Tamang tama. Walang asungot sa pagtatapat ko kay Cheska!", nakangiting bulong ni Arkie sa sarili.



Nakarating na siya sa school na pinapasukan nila. Busy ang lahat sa pagre-review dahil exam nila ngayon. Naalala niya si Eiza, kawawa din pala ito dahil hindi makakakuha ng exam. Balita niya ay may sakit ito.



Nahagip ng kanyang mata ang maamong mukha ni Cheska. Kinawayan niya ito at ngumiti naman ito sa kanya. Masaya niyang tinawid ang pagitan nila at huminga ng malalim.



"Cheska, m-may sasabihin kasi ako sa'yo."



"Really? What is it?", mahinhing tanong ni Cheska sa kanya.



"Gusto ko kasing malaman mo na ano.. matagal ko ng itinatago sa'yo ito.. uhm, alam kong magkaibigan tayo at dapat ay matagal ko ng sinabi sa'yo ito.. na ano.. kasi Cheska, you know, hmm..."




"Ano ba yun Arkie? Uy, wag ka ngang matense, ako lang to. Ano ba yang dapat kong malaman?"




WAAAAAAAAAAAA ang ganda talaga ni Cheska at ang bait pa.



At dahil sikat ang dalawa sa school, nakaagaw eksena kaaagad ang pag-uusap nilang dalawa. Marami ang nakahula na magtatapat ng pag-ibig si Arkie kay Cheska kaya maraming kinikilig.


"Cheska, ano kasi.. may ipagtatapat ako sa'yo.."



Nakangiting nag-aabang lang ang dalaga sa kanyang sasabihin.



"Cheska...ano kasi mah----"



"BAKLA SIYA!", dugtong ng isang babae.



"Bakla kasi ako--- wait NO! I mean..", napalingon siya sa babaeng nasa likod. EIZA?!




Nagtinginan ang mga tao sa kinaroroonan nila. Holy cow, dahil sa kaba nagaya ko tuloy yung sinabi nung Eiza na yun! Lumingon ulit ako kay Cheska na gulat na gulat sa nangyari. Napailing-iling si Cheska na hindi makapaniwala sa inamin ng binata.




"Cheska, let me explain."



Bakas ang disappointment sa mukha ni Cheska at nagtatakbo itong palayo sa kanya.



"Fvck! Ano na naman bang ginagawa mo dito Eiza!", galit na galit na tanong ni Arkie kay Eiza.



"Nothing. What's mine is mine kasi Arkie. Sa akin ka lang kaya ayan, tinulungan na kitang palayuin yung malanding Cheska na yun". Nanlaki ang mga mata ni Arkie na hindi makapaniwala sa tinuran ng babae.



"You're really impossible Eiza.", napailing ang binata. "You really know how to pester me huh?." Hinawakan ng binata ang kaliwang braso ni Eiza. "Know what? I'm not your property Elizabelle! You can't have me.. You can never ever have me! And I hate you for ruining my life, for always ruining my life! And please, don't you dare call Cheska a bitch. You are the bitch here Eiza". Pagkasabi nun ay tumalikod na ang binata at lumakad palayo. Nakaramdam ng guilt ang binata dahil naalala niya ang lungkot na bumalot sa mukha ni Eiza matapos niyang sabihin ang masasakit na salitang iyon. Lumingon siya kay Eiza upang alamin kung umiiyak ba ito o nahimatay ba, ang alam niya ay may sakit pa naman ito. Kababata niya ito at medyo naawa naman siya sa spoiled brat na yun.. pero naihiling din sana niya na sana ay hindi na lang siya lumingon ulit.



--to be continued--

..dahil nakakita ako ng dyosa.
Si Bb. Elcah! Idol ko yun e follow nyo sya sa twitter @twinelWP

JOKE lang haha. Peymwhore lang si Bb. Author ano? Haha e di wag!

Joke ulit. :D KULITIN NYO AKO SA TWITTER HAHAHA

xoxo,
twinEL
#MSCF

My so-called fianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon