CHAPTER 1

11 0 0
                                    

'🌷

CHAPTER 1

Heliotrope


From me to you
this poem I write,
to thank you for making
my world so bright.

In this world that tries
to bring you down,
my love for you
will act as a shinning crown.

From me to you
these warm wishes I send,
as my love for you
will have no end.

Even with our worlds
painted in different hue,
from me to you
I say, I love you.

Annie175#


San Arco, 2025


"Let's go, Ly."

I looked at my watch and exits another store together with my assistant. Napanghihinaan ng loob dahil kanina pa namin iniikot ang buong street ng San Arco, Milagrosa. Nang makita kong merong maliit na eskinita sa tabi ng nilabasan namin na store ay inaya ko ang kasama kong pumasok.

Gulat na napatingin sakin ang lalaking around 40s na nakasuot ng cloak. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng mapatingin ito samin. Para bang alam ng puso ko na nasa tamang lugar ako kaya hindi magkamayaw ang pag kabog nito.

Deretso kong tinignan ang mga mata nito na tila ay naguguluhan at gulat na gulat.

"Pasensya na po sa pag pasok ng hindi nag papaalam"

"We were just looking for a ring." Ani ko sa matanda. Napaatras kami ng bigla itong lumapit sakin at humawak sa magkabilang balikat ko. Itutulak na sana sya ni Ly ng mag salita ito dahilan para pigilan ko ang assistant ko.

Ang kaninang malakas na kabog ng dibdib ko ay na doble ng marinig ko ang sinabi nya.

"Maibabalik ang nakaraan, kapalit ang kasalukuyan. Ang sumpa ay magsisimula sa gabing mababahiran ng kulay dugo. Tanging ang nakatakda ang makakagawa."

Bago pa man bumagsak sa sahig ang matanda ay agad ko na itong sinalo. Lumapit naman agad si Ly at tinulungan ako na pahigain ito.

"Call an ambulance! Hurry!"

Dali dali itong tumayo at lumabas ng eskinita. Naiwan ako kasama ng matanda na walang malay na nakahiga ngayon sa sahig. Tinatapik ko ang mukha nito at halos maubusan ako ng boses sa kakasigaw kay Ly kung may nahanap na ba syang pweding tumulong.

Unti unti namang nag mulat ng mata ang matanda at tumingin sakin ng deretso.

"Hindi maaaring ipagpilit ang nais mo, tunay at syang nakatakda lamang ang makakagawa nito. "

Kahit na naguguluhan ay ipinagsawalang bahala ko ang sinabi nito. Tinulungan ko syang tumayo at tinanong kung kumusta ang kalagayan ng matanda.

Bago pa man ako mag salita ulit dumating ang pagod na pagod na assistant ko.


"Miss, wala pong signal dito kaya hindi ko natawagan ang ambulance pero tumawag na po ako ng ibang tao na tutulong satin"

GLIMPSE Where stories live. Discover now